Chapter 61.1

87 2 2
                                    

Chapter 61

DAMIAN'S POV

Sa isang madilim at sikat na Bar, mag isang naka upo ang isang lalaki naka itim na kasuotan. Pormang-porma ang lalaki na una mong titignan marhalika ang dating sa paraan ng ayos at dating nito.
Sa kabilang kamay naman ng lalaki suot ang mamahaling rolex.

Napaka anggas ng itsura ng lalaki na kahit na sino, mapupukaw ang kanilang atensyon sa masungit at ka-guwapuhang taglay nito.

Mag-isa siyang naka upo sa Bar stool kaharap ng Bar counter, sinisimsim ang pinaka mahal at matapang na whiskey na inumin na sa harapan niya naman ang abalang mga waiter na abala sa pag titimpla ng mga cocktail drinks.

Mangilan-ngilan na rin ang umiinom sa mga table sa bandang gilid, na mabibilang niya na lang sa kanyang kamay ang mga taong naroon. Hindi alintana sakanya ang mga taong nasa paligid na kasabayan niya na nag kakasaya ng gabing iyon, hindi rin siya interesado na makipag usap dahil ang pakay niya lang nito ang uminom at mapag-isa.

Hinawakan niya ang baso laman ng inumin, nakaka takot at hindi na kaagad maganda ang mustra ng kanyang mukha na kahit na sino, walang nag tangkang lumapit at agawin ang kanyang atensyon dahil sa napaka lamig niyang mga mata lamang.

Sinimsim niyang inumin ang alak at hindi niya man lang dinarama ang matapang at pait na humahagod sa kanyang lalamunan na para sakanya, isa lamang iyon na matamis na juice.

Ninamnam niya ang bawat sandaling naroon siya Bar at gumalaw rin ang kanyang adams apple sa pag lagok ng inumin at mag bigay aliw rin sakanya na marinig ang soft music na pinapa-tugtog sa mismong Bar.

Ilang sandali lamang na pananatili niya doon, napukaw na lang ang kanyang atensyon na marinig na lamang ang yabag ng mga paa papasok sa naturang Bar.
Yabag ng paa na nakaka takot.
Yabag ng paa na animo'y nag hahamon ng away base pa lang sa kanilang kilos at mabibigat na yabag ng mga paa nito.

Hindi man lang siya naalarma sa kanilang pag dating, subalit naging malakas ang kanyang pandinig at talas rin ng kanyang pakiramdam. Kaagad niyang nahulaan na hindi lamang galing sa isang tao ang yabag ng paa na kanyang narinig kundi, hindi bababa mismo sa pitong tao ang dumating.

Iniling niya na lang ang kanyang ulo at pinag laruan na lang sa kamay niya ang baso laman ng inumin, at hindi man lang siya pinangambahan na kusa na lamang tumigil ang yabag ng paa, na alam niyang malayo pa iyon kung saan siya naka pwesto ngayon.

Kaagad rin naman napukaw ang atensyon ng mga taong umiinom at nag kakasaya sa Bar. Rinig ko na lang ang kanilang pag bulong-bulongan at takot nila sa bisitang dumating na kahit sila mismo hindi rin nila inaasahan.

"Binibigyan ko kayo ng pag kakataon na umalis at iwan ang lugar na ito!" Nakaka takot na utos na lamang na parang lider sa kanilang grupo, na mamuo pa lalo ang takot at pangamba lamang sa mga taong naroon. Lalo't napapalibutan sila ng nakaka takot na mga lalaki.  "Isang tao lang ang kailangan namin, kong ayaw niyong madamay at masaktan. Ngayon pa lang umalis na kayo!" Gumuhit na lang ang nakaka kilabot na  na boses nito at nilabas na lang ang tinatagong patalim at iba pa nilang dalang mga armas, na lalo pa rin masindak sa takot ang mga tao na naroon.

Nabahiran ng takot at pangamba ang mga taong naroon, wala silang pinalampas na pag kakataon na nilisan nila ang mismong Bar. Hindi na maipaliwanag ang kilabot na nanalaytay sa kanilang mga katawan, na masangkot sa gulong mangyayari.

Sunod na lang narinig ni Damian ang yabag ng mga paa ng mga taong nag mamadaling umalis, ilan pa sakanila umiiyak sa takot. Habang tumatagal, pahina nang pahina ang ingay na kanyang narinig na hudyat tuluyan na ngang naka alis ang mga ito.

Hunk Series 4: Damian Garcia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon