Chapter 27

74 1 0
                                    

Chapter 27

LIGAYA'S POV

Nag lakad na ako papasok sa silid namin ni Dakila sabay hawi ng kurtinang nag mimistulang pintuan sa kwarto namin. Tuloy-tuloy lamang ako sa pag pasok na may ngiti lamang sa aking labi.

"Mahal, kakatapos ko lang mag luto para sa hapunan natin. Halika na habang mainit pa iyo——" tuloy-tuloy ko na lang na wika na hindi ko na natapos pa kong ano man ang sasabihin ko, sa naabutan ko.

Namilog na lang ang mata ko na makita si Dakila na naka tayo sa loob ng kwarto namin. Wala siyang suot na saplot sa katawan, na natatakpan lamang ang hubo't-hubad niyang katawan ang puting twalya na naka takip sa parteng baywang neto.

Sa ganung posisyon malaya kong napag mamasdan ang kakisigan niyang taglay lalo't ang pag galaw ng kanyang biceps sa tuwing gumagalaw siya. Kahit naka talikod si Dakila sa akin, hindi talaga maitatago ang kakisigan na taglay nito lalo na rin ang kanyang malapad na balikat at likod.

Kusa na lang akong napa lunok ng laway na medyo humarap si Dakila sa kaliwang parte kaya't sumunod naman ang mata kong gumalaw at nasilip na lang ang malaki at nakaka akit na six packs abs nito.

Sa tuwing gumagalaw at kumilos siya, iyon din ang pag batak at galaw ng kanyang kaaya-aya at nakaka tulo-laway na katawan.
Grabe,
Ang ganda talaga ng katawan niya.

Hindi ko na lang maiwari kong bakit ako pinag initan nang husto sa simpleng pag masid lang sakanya ng palihim, na para naman sa akin napaka atraksyon naman talaga ng kanyang kakisigan na taglay. Sabayan pa ng seryoso at medyo masungit niyang dating lamang.

Natigilan na lang ako sa pag papantasya na matigilan si Dakila sa kanyang ginagawa. Sabay baling ng tingin niya sa akin ng mapansin nito ang presinsiya kong kasama niya sa loob ng silid.

Para naman akong tatakasan ng bait lamang na mag tagpo ang mata naming dalawa at kay lamlam at seryosong mga mata kong paano niya ako titigan.

Umiwas na lang ako ng tingin para ilihis na lang ang mata ko sakanya, hindi ko rin maipaliwanag sa sarili ko kung bakit na lamang naakit sa magandang katawan nito.
Umiwas ka, Ligaya.
Umiwas ka sakanya.

"Ano ang sabi mo, Mahal?" Pag uulit na lamang na wika ni Dakila na mapa lunok na lang ako ng mariin, na ang mata niya hindi naalis sa akin.

"Ang s-sabi ko, kakain na tayong dalawa ng hapunan." Mariin na lang ako napa pikit ng mata.

Bakit ba ako nauutal ng ganito?
Eh sasagot lang naman ako ng tanong niya ah.
Umayos ka nga, Ligaya.
Ayusin mo ang pananalita mo.

"Ah, bakit hindi ka maka tingin sa akin ng diretso?" Aniya nitong mapakagat labi na lang ako. Punyeta, kailangan pa bang tumingin ako sa'yo?
Pwede nanan na sabihin ko sa'yo ang mga bagay na hindi na kailangan na tumingin sa'yo, hindi ba?
"Mahal." Pag tatawag niya sa akin muli na kabahan ako nang husto.

"Bakit?" Tanong ko pa, na hindi matutok ang tingin ko sakanya ng diretso. Naka pako lang ang mata ko sa kaliwang bahagi ng silid namin na malayo talaga sakanya.

Malayo na mapa titig sa kanyang nag aakit na katawan.

"Ang sabi ko, bakit hindi ka maka tingin sa akin ng diretso habang sinasabi iyon?" Pag uulit nito na mababang tinig lamang. "Bakit, nahihiya ka bang tumingin ng diretso sa katawan ko?" May pag aakit na tinig na lang nito na kumalabog naman ng napaka bilis ang puso ko.
Kainis naman.

"Hindi ah." Depensa ko naman na pinag papawisan na nang malala. Bakit dinadala niya ako sa hotseat lamang sa paraan na mga tanong nito?
Kainis naman eh.

Hunk Series 4: Damian Garcia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon