Chapter 40

79 1 0
                                    

Chapter 40

MARIKIT'S POV

Napaka ganda ng panahon ng hapon na iyon, na binabaybay ko ang daan pauwi. Hindi na rin nakaka paso ang sinag ng araw dahil mababa na rin ang araw at mag isa lamang akong nag lalakad.

Sa kabila ko naman na kamay, dala-dala lamang ang katamtaman na lalagyan na puno ng aking pinamili sa bayan kanina na mga gulay. Balak ko kssi mag luto ng masarap at masustansiyang ulam para mamayang hapunan kaya't ganun na lang ang aking pag kasabik na maka-uwi lamang.

Payapa ang paligid at nalilibang naman talaga ako nang husto na pinapanuod ang nag tataasan na mga puno sa paligid, sabayan pa ng pag galaw ng mga dahon sa bawat pag ihip ng hangin. Ilang minuto kong binabaybay ang daan, kaagad naman napukaw na lang ang aking atensyon na makita ko na lamang ang familiar na bulto ng isang tao.

Isang familiar na bulto na may kalayuan sa akin, na makilala ko naman kong sino iyon.

Sumilay na lang ang matamis na ngiti sa aking labi, na may hawak siyang basket at alam ko sa sarili kong pauwi na siya galing sa pag titinda.

"Ligaya." wika ko na lamang na makita si Ligaya na nag lalakad at nakilala ko na lang ang kanyang likod at kanyang kasuotan na suot.

Kahit likod niya pa lang at hugis ng katawan, alam ko na sa sarili kong siya iyon. Sa labis na pag kasabik na tawagin at maagaw ko ang kanyang atensyon, tinaas ko na lamang ang aking kaliwang kamay at nilakasan ko pa ang aking boses para sa ganun mapansin niya ang pag tawag ko sakanya.

"Ligaya. Ligaya," matamis na ngiti ang sumilay sa labi ko at ang kamay ko naman, winawagayway ko naman sa hangin para sa ganun makita niya ako.

Napa labi na lamang ako na patuloy niya lamang tinatahak ang daan na tila ba'y hindi nito napansin at narinig ang pag tawag ko sakanya. Wala sa sariling binaba ko na lang ang kamay ko, at sinundan ko na lamang si Ligaya ng tingin hanggang tuluyan na nga siyang naka layo.

"Sayang, hindi niya ako narinig," bulong ko na lang sa sarili ko at ako'y paalis na sana subalit kaagad naman akong napa hinto na mapansin na lang ang isang tao na bagong dating.
Isang taong kilala ko.

Nanigas na lang ang paa ko sa lupa, at kumunot na lang ang aking noo na hindi inaalis ang mata ko sa bulto ng isang tao na bagong dating na kakaiba ang kanyang kinikilos.
Pasilip-silip siya sa kaliwa't-kanan niya na para masiguro na walang ibang tao na naka kita sakanya.

Tumitingin na sinisiguro na walang ibang tao, na maka kita ng kanyang ginagawa.

Nag taka na lang ako nang husto sa kakaiba niyang kinikilos at ang kanyang mata naman malilikot na animo'y may binabalak.

"Makisig?" mahina ko na lamang na tinig na makilala ko kung sino iyon, na hindi ko maipaliwanag ang sarili ko, kung bakit hindi na lang maalis ang mata ko sakanya na pinag aaralan ang bawat kanyang kilos at galaw. Nang masiguro ni Makisig na walang sino man na tao sa paligid, at mainggat ang kanyang galaw at kilos lamang na sinundan niya ang dinaanan kanina ni Ligaya.

Ha?
Bakit?

Sinusundan niya si Ligaya?

Hindi naman doon ang daan, pauwi sa kanyang balay ah?

Nag taka naman talaga ako nang husto at kahit ako mismo, hindi ko alam kong bakit patungo rin siya sa dinaanan ni Ligaya.

Hindi na lang maalis ang mata ko kay Makisig na patuloy na lamang nag lalakad na sinusundan si Ligaya, na mainggat na paraan na maging seryoso naman akong pinapanuod siya.

"Marikit," ang pag hawak na lang sa aking balikat, na kulang na lang mapa lundag ako sa gulat.

"Ay hesus, ko!" sinapo ko na lang ang aking dibdib na ngayo'y kumakalabog na iyon ng napaka bilis lamang sa pag kagulat. Hindi na lang nahupa ang malakas na tibok ng aking puso na makita ang kaibigan kong si Elena sa tabi ko, na tila ba'y para bang humiwalay ng ilang segundo ang kaluluwa sa katawan sa bigla-bigla niya na lang na pag sulpot.

Hunk Series 4: Damian Garcia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon