Chapter 118
LIGAYA'S POV
Napa tigil na lang si Ligaya sa pag lalakad na mag vibrate ang cellphone niya sa bulsa. Dali-dali niya naman na nilabas at sinagot iyon ng makilala kong sino ang tumatawag.
"Hello Lira." Bungad niyang tinig sa kapatid at pinag patuloy muli ang pag lalakad.
[Hello Ate.] anito. [Ito kasing anak mo, kanina pa tinatanong sa akin kong pauwi kana raw. May gustong ipabili raw sa'yo eh.]
"Pauwi na rin naman ako. May dinaanan lang ako saglit sa Mall." Matapos ko kasing hatidin ang order sa akin ni Aling Rosa at ilang mga customer ng mga order nilang bibingka na binabalik-balikan nila kaya't dumaan muna ako saglit sa Mall para bilhin ang mga kulang na ingredients.
Kahit papano naman ang pag gawa ng bibingka at ilang kakanin na tinitinda ko noon, ay hindi ko tinigil lalo't maraming nag hahanap ng order no'n sa akin na mga suki na mamimili. At isa pa, kahit papaano may libangan naman ako sa Mansyon sa pagawa ko no'n at masaya akong gumagawa kahit paisa-isa o kaya naman bultuhan na mga order sa akin.
[Tita? Si Inay na ba iyan?] rinig niya lamang ang boses sa kabilang linya, kinakausap ang kanyang Tita Lira na kasalukuyan na kasama niya ngayon. [Sabihin niyo po kay Inay, Tita na gusto ko ng ice-cream cake, iyong binili niya no'ng isang araw. Napaka sarap po kasi eh.] napapa ngiti na lamang ako na marinig ko ang cute niyang boses, na kinakausap si Lira.
Sanay na sanay na siya sa kakulitat kabibuhan nito kong minsan.[Siguro naman Ate, narinig mo ang gusto ng anak mong ito. Ice-cream cake daw.] hirit pang tugon ni Lira na napa iling na lang ako ng aking ulo.
"Oh siya, sige. Ibibili ko siya ng ice-cream cake na gusto niya."
[Ibibili ka raw ng ice-cream cake ng Inay mo, Raven.] tugon pa ni Lira sa anak niya at narinig niya na lang munting pag hagikhik na tawa nito sa kabilang linya.
"Sige na Lira, mag te-text na lang ako kapag pauwi na ako." Nag paalam na ako sa aking kapatid at pinatay ko na ang pag uusap naming dalawa.
Sinilid ko na muli ang cellphone ko para pumunta sa store kong saan ko binili ang ice-cream cake. Nasa ikatlong floor lang naman iyon at tamang-tama talaga ang pag punta ko rito dahil hindi ko na kailangan na pumunta at lumabas pa.
Nilibang ko na lang ang sarili ko sa pag lalakad, malayang pinag mamasdan ang mga taong nakaka salubong ko sa daan at kanya-kanya ang kanilang ginagawa. Iyong iba naman sakanila, mag kakaibigan, mag jowa at mayron naman na mag pamilya na kasama ang kanilang mga anak na masayang namamasyal lamang.
Sa aking pag lalakad, may nadaanan naman ako na mga restaurant, Cafe, Shop at iba pang bilihan na nililibang ko na lang ang sarili ko sa patingin-tingin muna. Hindi ko ako pumasok pa roon lalo't hindi ko naman talaga iyon sadya, lalo't kailangan ko na rin mag madali dahil nga maraming tao.
Sumakay na ako sa elevator at pinindot ko na kong saan ako floor tutungo para mapa bilis na ako. Ilang sandali lang at dinala na kaagad ako sa third floor, na pinag patuloy lamang muli ang aking pag lalakad.
Maya't-maya lamang at naka rating na ako sa mismong Shop, pag tingin ko na lang at napa labi na lang ako na makitang maraming kumakain sa loob. Tinulak ko na ang glass door at tumuloy na ako sa loob, doon ko nga nakompira na marami-rami nga talaga ang naroon lalo't na ang pumipila sa counter.
Sakto lang naman ang laki ng store, at may naka display na sila ng samo't-saring mga cakes and dessert na pwede mong orderin at kainin sa loob habang nag papalipas ng oras. Sa loob ng Shop, anim lang na table ang kasya sa loob na ngayo'y tatlong table lang ang okupado ng ilang customer na kumakain.
BINABASA MO ANG
Hunk Series 4: Damian Garcia [COMPLETED]
RomanceDamian Garcia, was a successful bachelor of all time. At the age of 29, he already has many companies, businesses and assets. Damian's was cold blooded-beast, and he doesn't care to anyone. All he matters to him was wealth and power. Isang araw, pin...