Chapter 5
THIRD PERSON'S POV
Palinga-linga lamang ang lalaki sa kaliwa't-kanan niyang naka hawak sa kaliwang parte ng kanyang tyan na may parteng sugat, gulong-gulo siya at hindi alam ang gagawin. Hindi siya familiar sa kanyang nakikita na hindi niya alam kong asan siya, na tanging kakahuyan lamang ang kanyang nakikita.
Naging mabibigat ang pag hingga ng lalaki at malilikot ang mata at parang hinigop na ang kanyang katawan na hindi maka-alis sa kanyang kinatatayuan ng sandaling iyon. Mariin pinikit ng lalaki ang kanyang mga mata at pilit na inaalala ang pangyayari subalit kahit anong pilit niya, wala siyang maalala kahit isang katiting na bagay.
Sandali, asan ako?
Anong lugar ito?
Pinipilit ng lalaki sa abot ng kanyang makakaya na may maalala siya subalit wala talaga, hanggang pinipiga niya ang utak na may maalala sa mga nangyari hanggang kusa na lamang kumirot ang kanyang ulo.
Kirot at sakit na hindi niya alam kong saan nanggaling.
"Ahh," matinis na lamang napa-ungol ang lalaki at napa-hawak sa mag kabila niyang ulo na tila ba'y nabibiyak na iyon sa sakit. Hindi na maipinta ang mukha ng lalaki na bawat segundong lumilipas lalong sumasakit iyon na nanunuot sa kanyang kalamnan na para bang dinudurog ang ulo niya. "Ang sakit! Ahhh!" hindi na nakayanan ng lalaki ang sakit ng kanyang ulo na lumabas na lamang ang ugat sa kanyang leeg sa malakas niyang ungol na lamang na pag sigaw.
Naka hawak siya ng mariin sa kanyang ulo, para kahit papaano maibsan ang kirot na kanyang nararamdaman ngunit hindi pa rin nakaka-tulong iyon. Pulang-pula na ang mukha ng lalaki na namimilipit na siya sa sakit hanggang hindi niya na nakayanan, kusa na lamang nanghina ang kanyang katawan at hinang-hina na lamang na napa-luhod sa lupa na para na siyang mababaliw sa sakit na kanyang nararanasan.
Hindi na dinarama ng lalaki ang sakit ng kanyang katawan at ilang sugat dahil mas matimbang pa talaga ang sakit ng kanyang ulo.
Buong higpit na naka hawak ang lalaki sa kanyang ulo na may benda, at mariin na lamang napa-pikit muli ng kanyang mata, kasunod na lamang ang matinis niyang pag sigaw na hindi niya na makayanan pa ang sakit.
LIGAYA'S POV
Tahimik lamang nag hihintay si Ligaya sa labas lamang ng munting bahay-kubo, at hinihintay na lumabas ang kanyang kapatid. Panaka-naka siyang pasilip-silip para tignan lamang kong palabas na ba ito. Hindi naman gaanong mainit sa napiling napwestuhan ni Ligaya dahil lamang malimlim doon dala ng matatayog na mga puno malapit sa kanyang kinatatayuan at sabayan pa ng masarap ng pag ihip ng hangin.
Hanggang sa isang minuto na lamang na pag hihintay ni Ligaya, dumating na rin ang kanyang kababatang kapatid na kanyang hinihintay. Abot-langit na ang matamis na ngiti sa labi nitong palabas sa munting bahay-kubo at kasabay niyang pag labas ang iilan na mga batang hindi rin naman nag kakalayo ang kanilang mga edad. Iba't-iba ang kanyang mga kaklase, mayron naman na lalaki at mga babae at iilan pa sa kasabayan nito hindi rin naman mag kakapareho ang kanilang mga edad, may mga mas bata pa sakanyang kapatid at ang iba naman may edad rin naman na gustong ipag patuloy ang kanilang pag aaral.
Maliit lamang ang kanilang munting Nayon at kong minsan hindi na ito naabot pa ng edukasyon dahil lamang malayo at parteng liblib na ang kanilang lugar. Kokonti lang naman ang mga estudyanteng nag aaral, at bilang lamang sa isa o dalawang tao lamang ang nag tuturong guro sa mga bata na kung minsan limitado ang kanilang tinuturo na hanggang elementary lamang. Tinituruan lamang ang mga kabaryo namin sa simpleng pag susulat, pag bibilang at pag babasa.
"Ate Ligaya," matamis na pag salubong sakanya ng kapatid na si Lira. Kagaya ng ibang mga estudyante wala silang suot na mag kakapareha na mga uniforme sa araw ng pasok, na simpleng pang bahay lamang na suot na damit pwede na iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/306845327-288-k228633.jpg)
BINABASA MO ANG
Hunk Series 4: Damian Garcia [COMPLETED]
RomansaDamian Garcia, was a successful bachelor of all time. At the age of 29, he already has many companies, businesses and assets. Damian's was cold blooded-beast, and he doesn't care to anyone. All he matters to him was wealth and power. Isang araw, pin...