Chapter 46

62 1 0
                                    

Chapter 46

WARNING: RATED-18

DOLORES POV

Napaka gaan at aliwalas ng aking mukha kagaya ng magandang panahon ngayon. Mag isa lamang ako sa aking silid at naka upo sa upuan na gawa sa matibay at mamahalin na kahoy at naka harap naman ako sa salamin kaya't napag mamasdan ko ang repleksyon ko doon.

Simple lang naman ang suot kong bestida subalit gawa iyon sa tanyag na mananahi at taga gawa ng damit namin.

Kinuha ko na lang ang naka lapag na suklay, sa ibabaw ng drawer at mabagal na sinusuklayan ang maitim at maganda kong buhok.

Ang tahimik ko na lamang na pag susuklay, biglang napukaw nang marinig ang mahinang katok mula sa pintuan. Hindi ko na lang kina-kibo para alamin kong sino iyon dahil kilala ko kong sino ang parating.

Hanggang narinig ko na lang ang pag bukas-sara tanda na may pumasok at kasunod ang mabigat na yabag ng paa papunta sa gawi ko.

Yabag ng paa na pinag kakatiwalaan ko sa lahat.

Nakikiramdam na lang ako hanggang ang yabag ng paa tumigil sa gilid ko lamang, at nilapit niya pa ang kanyang bibig sa gilid ng taenga ko para may ibulong na balita.
Balitang inaabangan ko sa lahat.

Pinapakinggan ko ang kanyang sinasabi na hanggang kusa na lang ako napa-tigil sa pag susuklay ng aking buhok na mapakinggan ang kanyang binalita.

Sumilay na lang ang mapag larong ngisi sa aking labi , sa aking mga narinig at kina layo naman ni Bughaw ang sarili niya sa akin na tanda lamang na tapos na siya sa kanyang katungkulin na ibalita ang mga dapat kong malaman.

Pomosisyon na si Bughaw na tumayo lamang sa gilid ko at taas-noo pa na walang emosyon na pinapakita. "Talaga, Bughaw ginawa iyon ni Makisig?" Pag kompirma ko na lamang ng kanyang balita na kaagad naman itong sumagot.

"Opo, Binibini." Malagong na sagot nito na mapa-ismid na lamang ako. "Kasalukuyan na siyang naka-kulong at mahigpit na binabantayan ng mga tauhan ng iyong Ama. Naka piit muna siya ngayon habang hinihintay pa ang kanyang pag lilitis."

Kinalapag ko na lang ang hawak kong suklay sa lamesa at malaya kong pinag mamasdan ang repleksyon ni Bughaw sa gilid kong, seryoso lamang.

"Hindi na bago ito para sa akin Bughaw, at alam ko naman talaga na gagawin niya iyon." Pangisi-ngisi ko pang turan na alam ko naman talaga na gagawin ito ni Makisig.

Kilala ko siya at mga bagay na kaya niyang gawin.

Alam ko rin, na aaksyon na lang siya ng basta-basta na hindi pinag iisipan kapag si Ligaya na ang pinag uusapan.

Tama nga talaga ako, gagawin ni Makisig ang lahat para makuha niya si Ligaya at hindi nga ako nag kamali doon.

Nagawa niya pa talagang mag himasok sa kanilang balay at halayin ito gaya ng aking inaasahan. Nag tagumpay naman ako sa aking binabalak na galitin si Makisig para maisakatuparan ng aking mga plano.

Naging daan si Makisig na maging tulay lamang na maka bawi ako kay Ligaya.

Kulang na lang mapunit na ang aking labi sa lawak ng ngisi ko lamang na iniisip ang mukha ngayon ni Ligaya. Paniguradong takot na takot na siya ngayon sa ginawa sakanya ni Makisig, na iyon naman talaga ang gusto ko sa lahat.
Ang takutin siya.

Ang paunti-unti siyang pag higantihan para sa ganun kusa na siyang lumayo.

Kusa na siyang bumitaw para sa ganun, wala na sa akin na sagabal.

Hunk Series 4: Damian Garcia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon