Chapter 114

45 3 0
                                    

LIGAYA'S POV

Binuksan ni Ligaya ang silid ng kanyang anak, naabutan niya na lang itong abala sa ginagawa na naka upo sa ibabaw ng kama at tutok na tutok sa pag kukulay sa coloring book nito. Niluwagan pa ni Ligaya ang pag kaka bukas ng pinto at tumuloy na siya, na naka sunod lang sa likuran niya ang dalawang katulong na kanyang kasama.

"Hello anak." Lumapit na siya sa kanyang anak at piniling maupo na lang sa tabi nito. Sinilip na lang ni Ligaya ang ginagawa nitong nilalagyan ng makukulay na pang kulay ang larawan na naka lagay roon. "Ang ganda-ganda naman ng ginagawa ng anak ko. Patingin nga." Pasadya niya pang kinuha iyon para sa ganun matignan niya ng maigi.

"Okay na po ba, Inay? Hindi pa kasi ako tapos at kukulayan ko pa po iyong aso sa larawan ng ganito po oh." Tinaas na lang ng kanyang anak ang hawak na color brown na krayola at doon niya iyon ikukulay sa aso.

"Sige anak." Binaba niya na lang ang hawak na coloring book para sa ganun mapag patuloy na nito kong ano man ang naudlot na ginagawa.

Ibabalik na sana ng kanyang anak ang atensyon sa pag guguhit subalit napansin niya ang dalawang katulong na kanyang pinadala, na naka tayo lamang sa isang tabi. Takang-taka na napa titig na lang doon si Raven at bumaling sakanyang Ina. "Bakit po sila may mga hawak na mga bagong damit, Inay?" Takang wika naman ng bata na lumingon sa Ina para huminggi ng kasagutan.

"Ahh, sila ba anak?" Alangan na salaysay na lang ni Ligaya. "Pinatawag ko sila, para naman makapag pili ka ng maayos na damit na iyong isusuot sa birthday party." Pinakita na lang ni Ligaya ang matamis na ngiti sa labi na tumitig na lang sakanya ng malamlam ang anak.

Lingid sa kaalaman na pumasok si Ligaya sa silid ng kanyang anak matapos ng pasok nito sa school. Nag ligpit siya sa silid nito ng ilang mga kalat at pag katapos tinignan niya rin ang bag ni Raven para alamin na rin kong mayron ba itong assignment o kaya naman may pinapagawa sakanila ang kanilang teacher. Isa rin sa madalas na ginagawa ni Ligaya kapag umuuwi ang kanyang anak ang suriin ang laman ng bag nito at tignan kong ano ang ginagawa at performance ng kanyang anak sa klase base sa pag tingin ng ginagawa nilang sa papel o kaya naman sa mga libro.

Sa pag suri ni Ligaya sa bag ng kanyang anak, doon niya na lang napansin ang isang card na maliit na naka suksok pa mismo kaya't sa labis na pag tataka at kuryusidad na alamin kong ano nga ba ang laman no'n kaya't tinignan niya kong ano ba talaga iyon. Labis ang pag tataka niya na pag bukas ng card, na makita na lang ang isang birthday card na nag sasaad na inimbitahan si Raven sa isang kaarawan.

"Pili kana lang kong ano ba ang gusto mo diyan, anak sa mga hawak nila." Hindi na maalis ang labis na pag kasabik ko, na isa-isang pinapakita sa anak ko ang mga hawak ng mga katulong na magaganda at ternong kasuotan na tiyak na mag babagay iyon sa kanyang anak. "Iyong medyo dark blue, mukhang bagay sa'yo." Suhesyon niya pa.

Formal na naka tayo ang dalawang katulong at tig-isa pa sila sa kamay na hawak ng magagandang damit na gagamitin ni Raven sa pag attend ng birthday party.

Hindi na maitago ang excitement at pag kasabik na lang ni Ligaya, na pinag handaan niya talaga ang araw na ito lalo't may kaibigan na rin ang anak niya.
May naiku-kwento naman sakanya si Raven na mga kaklase na mga kaibigan niya rin subalit hindi naman gaanong close na close talaga masyado. Natutuwa lang talaga ako dahil sa wakas may mga kaibigan na rin ang anak ko, kaya't suportado talaga siya nang husto na mag attend sila ng party.

Alam ko naman na minsan nalulungkot at nami-miss na rin ni Raven ang kanyang mga kaibigan at mga kalaro sa Malabon, hindi niya na gaano ito nakikita dahil nga lumipat na nga kami rito sa Mansyon ni Damian.

Hunk Series 4: Damian Garcia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon