Chapter 57

70 1 0
                                    

Chapter 57

DOLORES POV

"D-Dakila." Iyan na lang ang nabigkas ko na tumitig sa kanyang mga matang nakaka takot. Nanalaytay kaagad ang kilabot sa katawan ko na makita lamang siya sa likod ng pintuan.

Sandali, anong ginagawa niya dito?
Paano siya naka pasok?

Maraming katanungan ang sumagi sa isipan ko, ng sandaling iyon subalit pinakita ko na lang na maging kalmado sa harapan niya.

Hindi na nag bago ang paraan ng titig sa akin ni Dakila na napaka dilim ng kanyang aura ngayon at ang mata niya'y umaapoy na sa galit na animo'y naka gawa ako ng pag kakamali.
Hindi niya naman siguro alam ang ginawa ko hindi ba?

Bakit ka matatakot, Dolores?

Wala siyang alam na ikaw ang nasa likod ng nangyari kay Ligaya kaya't huwag kang kabahan sakanya.
Huwag kang matakot sakanya.
Sigaw naman ng isipan ko muli.

"Hindi ko inaasahan na ika'y makita ngayon dito sa aming balay. Malalim na ang gabi, at mga ganitong oras hindi na ako tumatanggap pa ng mga bisita." Pinakita ko na lang ang matamis na ngiti sa aking labi, na nasisiyahan na makita ko siya.

Nanatili lamang si Dakila naka tayo sa harapan ko, walang kibo at naka pako lang ang mata niya sa akin at malamlam akong tinitigan na mag bigay anggas pa lalo sa akin ang kanyang dating sa masungit nitong itsura na pinapakita sa akin.

Huwag mo naman akong titigan ng ganiyan at natutunaw ako, Dakila.
Kinikilig ako.

Ganiyan na ba ako kaganda sa iyong paningin para hindi maalis ang mata mo sa akin?

Sasabog na ang damdamin ko sa kilig at saya ng sandaling iyon. Napaka lakas na ang kalabog ng puso at hindi ko maipaliwanag na nadarama ko na makita lamang siya na nandito mismo sa balay namin.

Napaka dali naman pala neto.

Akala ko, mahihirapan pa akong makuha si Dakila sa piling ni Ligaya pero nag kamali ako.
Siya na mismo ang unang lumapit sa akin.

Nag pakahirap pa ako na gumawa ng paraan para mawala sa landas ko si Ligaya.

Hindi talaga ako nag kamali, alam ko rin na gusto niya lang ako at nag papakipot lang siya sa simula.

Abot hanggang taenga na ang matamis na ngiti sa labi ko ngayon at ramdam ko na ang pangangamatis ng mag kabila kong pisngi na malagkit niya akong tinignan. Pinalandi ko pa ang pag papansin sakanya na, inipit ko ang hibla ng buhok sa likod ng taenga ko at malagkit siyang tinignan.

"Dapat mag papahingga na ako sa mga oras na ito dahil malalim na ang gabi. Kong ganiyan ba naman na Ginoong matipuno at napaka guwapo ang bibisita sa akin ngayon, handa akong mag papuyat." Makamandag ang ngiti sa labi ko ngayon na hinakbang ni Dakila ang paa niya papasok sa loob ng kwarto ko, na bumilis pa lalo ang tibok ng puso ko.

Hindi na maalis-alis ang matamis na ngiti sa labi ko ma tuluyan ng naka pasok si Dakila sa loob ng kwarto at waang pag aalinlangan na sinarhan niya ang pintuan. Nilock niya iyon para masiguro na walang ibang tao ang makaka pasok.
Walang taong ibang makaka istorbo sa aming dalawa.

Doon pa lang lumundag-lundag na ang puso ko sa tuwa sa kanyang ginawa.
Ito na ba iyon, Dakila?
Mapapa sa akin kana talaga?

"Oh, bakit sinarhan mo ang pintuan, Dakila?" Pinalandi ko pa ang tinig ko at hinakbang ko ang paa palapit sa gawi niya. Huminto ako sa tapat ni Dakila at umanggat ng tingin kaya't nag kapantay kami na titig na dalawa. "Hindi ko naman alam na gusto mo pala akong masolo." Pinalandas ko ang kamay na haplusin ang napaka ganda at matigas nitong braso at muscles, na manghang-mangha na maka hawak no'n sa unang pag kakataon.
Ang tigas talaga.
Ang sarap-sarap talagang haplusin no'n.
Napaka ganda talaga ng katawan mo Dakila, at ako'y hindi nag kamali na ikaw ang nagustuhan ko.

Hunk Series 4: Damian Garcia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon