Chapter 112

78 3 0
                                    

Chapte 112

LIGAYA'S POV

Binuksan ko na ang pintuan sa kwarto naming dalawa ni Damian at tuloy-tuloy lang akong pumasok. Niligpit at inayos ko na ang konting kalat ngunit bigla na lang akong napa tigil na may isang bagay na mag paagaw na lang ng atensyon ko.

Nakita ko na lang ang bouquet ng bulalak na naka patong na lang sa ibabaw ng kama. Kunot-noo na napa titig na lang ako na hinakbang ko na ang aking mga paa.
Nang makalapit na ako doon ko nakompirma na isa iyong red rosses.

Kinuha ko na lang ang bulaklak, na sariwa pa iyon at napaka gandang pag masdan lalo na ang arrangement no'n.
Luminga-linga naman ako sa paligid at wala akong nakitang ibang tao maliban sa akin, na kanina lamang wala ito dito.
Kanino kaya ito galing?
Sino kaya ang dala nito dito?

Hinawi ko na lang ang bulaklak at nakita ko na lang ang naka ipit na maliit na card at binasa kong ano ang naka sulat doon.

"Good morning my, love."

Sign with initial D.

Wala sa sariling napa ngiti na lamang ako na mabasa ang maikling note. Aaminin kong may kilig sa aking puso lalo't galing pala ito kay Damian.

Nilapit ko na lang ang mukha ko sa bulaklak at inamo'y-amoy iyon na makiliti na lang ang puso ko na maamo'y ang mabangong halimuyak ng mga bulaklak na mag pagaan pa lalo ng aking nararamdaman.

Maya't-maya narinig ko na lang ang pag bukas-sara ng pintuan at yabag ng paa na may pumasok sa kwarto, hindi na ako nag atubili na tignan kong sino iyon.

"Mam Ligaya, saan ko po ilalagay ito?" Boses iyon ni Manang na lumingon naman ako sakanya na ngayo'y ilang pulgada lang ang layo sa akin.

Sa likuran niya naman ang dalawang katulong na hawak ang mga damit na binilin ko sakanya.

"Ahh, diyan na lang po Manang sa isang tabi at ako na lang ho ang aayos niyan." Utos ko na lang na tinabi na lang ang bulaklak para sa ganun matulungan ko na sila sa pag aayos.

"Sige ho Mam."

Hindi na lang maalis ang masayang ngiti at aliwalas ng mukha ko lalo't sa pinadalang bulaklak ni Damian, hindi ko alam na may tinatago rin palang sweetness sa likod ng masungit na pinapakita.

Lumapit na ako sakanila at sinimulan na rin na ayusin ang mga dala nilang mga damit. "Siya nga pala Manang, kailangan ko lang iyong saktong vase po kahit isa lang po."

"Saan niyo po Mam gagamitin?"

"Para ho sa mga bulaklak." Kina baling ko na lang ang tingin sa bulaklak, na kina sunod na lang ng tingin ng matanda.

"Sige ho. Napaka ganda naman ng bulaklak na iyan, Mam. Kanino iyan galing?" Taka na tinig na lang nito na pinakita ko na lang ang matamis na ngiti sakanya.

"Galing ho kay Damian." Nakita ko naman ang pag kagulat sa mukha ng mukha ng matanda subalit kaagad rin naman napawi.

"Nitong nag daan na mga araw, napansin ko ang pag iba ni Sir kahit na rin sa kanyang kilos at pag uugali na hindi na siya gaanong masungit.." pag kwento na lang nito na nakikinig naman ako sa tabi hiya. "Ngayon ko pa lang si Sir na makitang mag ganiyan, at ako'y labis na natutuwa. Iba ang kislap at saya ng kanyang mga mata sa tuwing kasama kaniya at nararamdaman kong mahal na mahal ka talaga niya Mam Ligaya."

Hindi na lang ako sumagot at sumukli na lang ako ng matamis na ngiti sa labi. Sa huling pag kakataon, kina baling ko na lang ang bulaklak sa isang tabi, na may saya sa aking dibdib.

RAVEN'S POV

Tahimik lamang nag hihintay si Raven sa labas ng kanyang silid. Malaya niyang pinapanuod ang mga batang nag daraan at ang kanyang mga kaklase, na sinusundo na rin ng kanilang mga magulang.

Hunk Series 4: Damian Garcia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon