Chapter 7
LIGAYA'S POV
Palabas na si Ligaya ng silid dala lamang ang lalagyan na dala-dala niya kanina, na kaagad siyang sinalubong ni Tiya Belinda na kina-hinto niya naman.
"Bakit ka nag sinunggaling sa Ginoo Ligaya?" Salubong sakanya na tanong na alam naman ni Ligaya ang tinutumbok nito. Hinatak niya ang Tiya Belinda niya palayo sa mismong silid para hindi marinig ng Ginoo kong ano man ang sinabi nito. "Alam mo naman na hindi iyon totoo, hindi ba? Sana hindi kana lang nag sinunggaling pa sakanya sa totoo niyang pag kata——" hindi na pinatapos pa ni Ligaya ang anumang sasabihin nito na hinarap niya na ang Tiya Belinda niya.
Medyo malayo-layo na ang pwesto nila sa mismong silid, at makaka siguro naman talaga siyang hindi na nito maririnig pa ang pinag-uusapan nilang dalawa.
Takot rin naman siyang malaman nitong nag sinunggaling siya dito."Pasensiya na po talaga Tiya, naging blangko rin naman ang isipan ko kaya't nasabi ko ang bagay na iyon." Pag aamin na lamang ni Ligaya dito na nagiging malilikot na ang kanyang mata at hindi alam rin ang gagawin.
Pasilip-silip rin siya sa pintuan, sinisiguro na hindi lumabas ang Ginoo at marinig ang lahat.
Hindi niya naman talaga intensyon na mag sinunggaling sa Ginoo subalit nadulas lamang talaga siya.
Kusa na lamang na lumabas sa kanyang bibig ang mga nasabi niya, na hindi masyado napag isipan.
Alam niya naman na nag kamali siya, maling mag sinunggaling dito pero ano pa ang magagawa niya?
Hindi niya na kailangan pang bawiin pa kong ano man ang mga nasabi niya dito.
"Kahit na Ligaya, mali pa rin ang ginawa mo." Anito na may pag aalala sa boses. "Sabihin mo pa rin sa Ginoo ang totoo, at masama ang nag sisinunggaling, alam mo iyan Ligaya kaya't bumalik ka sa silid at kausapin mo ulit siya. Tiyak naman maiintindihan niya kong bakit nasabi mo ang lahat ng iyon sakanya."
"Ayaw ko Tiya." Mahina subalit may pag tutotol sa wika ni Ligaya. Tumingin siya sa Tiya Belinda niya na emosyonal na mga mata. "Hindi ko babawiin kong ano man ang mga sinabi ko kanina." Final na desisyon niya na lamang.
"Ligaya."
"Sana naman intindihin mo naman ako Tiya, kong bakit nagawa kong mag sinunggaling ng ganun saknya. Gusto ko lang naman takasan ang kapalaran ko kay Makisig. Hindi ko siya tunay na iniibig, hindi ko gusto si Makisig Tiya at ayaw ko rin mag pakasal sakanya." Uminit na ang mag kabilang mata ni Ligaya at bumabalik na naman ang kirot sa kanyang dibdib sa tuwing napag uusapan ang pag iisang dibdib nila sa nalalapit na ka-pyestahan. "Ito lang ang natatanggi na naisip kong paraan para maka-wala sa kasunduan na ito at ang Ginoo lang iyon ang susi sa mga problema ko. Gusto ko lang naman maging malaya Tiya, bawal na ba akong maging masaya at gawin ang gusto ko n-ngayon?" Garalgal na tinig ni Ligaya na hindi na umimik pa ang Tiya Belinda niya.
Wala naman siyang ibang paraan.
Nang marinig niya lamang kanina na walang maalala ang Ginoo tungkol sa kanyang naka-raan doon niya na sinamantala ang pag kakataon, na baka ito na ang sagot para matakasan niya ang pag-iisang dibdib niya kay Makisig sa nalalapit na ka-pyestahan.Wala na siyang ibang paraan.
Naging blangko na siya.
Gulong-gulo na siya nang husto.Hindi ko na alam ang gagawin ko para matakasan lamang ang kapalaran ko, kaya't ginamit ko na lamang ang Ginoo para hindi mag pakasal kay Makisig.
Alam kong mali itong ginawa ko.
Maling mag sinunggaling, pero kong ito naman ang paraan na makaka-tulong sa akin para hindi makasal kay Makisig.
Kong babalik ulit ako sa desisyon na papipiliin ako muli, itong desisyon na ito ang paulit-ulit kong pipiliin.
BINABASA MO ANG
Hunk Series 4: Damian Garcia [COMPLETED]
RomanceDamian Garcia, was a successful bachelor of all time. At the age of 29, he already has many companies, businesses and assets. Damian's was cold blooded-beast, and he doesn't care to anyone. All he matters to him was wealth and power. Isang araw, pin...