Chapter 30

87 1 1
                                    

Chapter 30

WARNING: R-18

LIGAYA'S POV

Pasimple ko na lang kina-silip si Dakila sa tabi ko, na hindi na maipinta ang mustra ng kanyang mukha at naka kunot ang kanyang noo na para bang iritable habang mag kasama kaming binabaybay namin ang daan pauwi.

Naka pako lang ang mata niya sa daan at pakiramdam ko wala akong kasama dahil lamang sa wala siyang imik at hindi kumikibo sa tabi ko kanina pa.

Humigpit na lang ang pag kakahawak ko ng basket at hindi ko mapigilan na suriin at palihim na obserbahan siya na ngayo'y, lamig at kay talim naman ng kanyang mga mata.

Simula no'ng umalis kami kanina sa bayan, pansin ko na ang pananahimik nito na para bang napaka lalim ng kanyang iniisip at para bang galit siya sa mundo na hindi ko maipaliwanag.

Hindi ko mabasa ang tumatakbo sa isipan ngayon ni Dakila na parang pinag sukluban ang kanyang aura, na kahit ako mismo hindi ko magawang ibuka ang labi ko o kaya naman tangkain na basagin ang katahimikan sa panig naming dalawa.

Bakit kaya, napaka dilim ng mustra ng mukha niya?
Galit kaya siya?
Galit siya sa akin?
Sandali, hindi kaya galit siya kay Makisig?

Pinilig ko na lang ang ulo ko para iwaksi lamang ang sumagi sa isipan ko.
Hindi naman siguro sa ganun.
Ano naman ang dahilan niya para magalit kay Makisig?

Buong diin ko na lang kinagat ang ibaba kong labi, sabay buntong-hiningga na lang ako ng malalim.

Nililibang ko na lang ang sarili ko sa pag mamasid sa daan, na medyo nag aagaw na nga ang liwanag at dilim sa kalangitan kaya't konti na lang ang makikita mong mga tao. Wala na rin na mga batang nag lalaro at nag hahabulan sa daan kaya't napaka tahimik ng paligid, na makikita mo na lang talaga ang mga mayabong at matatayog na mga puno sa kaliwa't-kanan namin.

Mga ganito kasing oras na patakip-silim, hindi na masyado nag lalabas pa ang mga tao at naroon na lang sila sa kanya-kanya nilang mga balay hanggang sumapit na ang dilim.

Nag patuloy ang malamig at pagiging tahimik ni Dakila hanggang maka rating na kami sa balay namin. Binuksan ko na ang pintuan ng balay at dire-diretso na akong pumasok, ramdam ko naman ang pag sunod ni Dakila sa likuran ko subalit ramdam ko pa rin ang pananahimik pa rin nito.

Bumalot na ang malamig na atmosphere sa pagitan naming dalawa sa loob ng balay na para bang walang sinong gustong umunang bumasag ng katahimikan.

Pasimple at minsan, palihim ko naman na sinusulyapan si Dakila na kumikilos sa tabi ko na ngayo'y hinubad niya ang sapin sa paa at nilagay sa isang tabi, samantala naman ako buong ingat ko naman na nilagay sa ibabaw ng lamaesa ang basket na dala ko.

Mainggat at tahimik lang akong kumilos na kinuha na rin ang gasira sa isang tabi at pag katapos sinindihan na iyon para naman mag karoon naman ng konting liwanag sa loob ng balay namin.

Tinabi ko na muna ang gasira sa isang tabi, na hindi iyon masagi sa aking pag aayos at pag katapos binalikan ko naman ng atensyon ko sa pag lalabas ng aking mga paninda mula sa loob ng basket.

Habang nilalabas ko ang mga paninda ko, na hindi pa rin maalis-alis ang mata at pag obserba pa rin kay Dakila.
Sobrang tahimik.
Hindi ako sanay ng ganito na tahimik siya.
Hindi rin ako mapakali sa pagiging malamig nito.

Mariin ko na lang kinagat ang ibabang labi ko at hindi na ako maka tiis kaya't ako na unang bumasag ng katahimikan naming dalawa.

Hunk Series 4: Damian Garcia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon