Chapter 34
LIGAYA'S POV
"Mahal? Mahal?" Ang malagong na pag tawag sa akin ni Dakila ang mag papukaw ng malalim kong iniisip.
"Huh?" Wala sa sariling sagot ko na ngayo'y nakita ko si Dakila na naka upo sa harapan ko at para bang kanina niya pa ako pinag mamasdan. Sabay kurap ng mata at umayos ng pag kakaupo lamang sa upuan na mag tagpo ang mga mata namin. "Ano ang iyong sinabi mahal?" Pag uulit ko na lamang dahil wala akong idea kong bakit tinatawag niya ako.
"Tinatanong kita, kong ayaw mo ba nang niluto ko? Kanina mo pa hindi ginagalaw ang pag kain sa pinggan mo." Ang salita nitong muli ang mag pabaling ng tingin sa akin kong saan nakita ko ang pinggan sa lamesa at naka lagay doon ang masarap na almusal na ginawa ni Dakila para sa aming dalawa.
Nakita ko ang pag sunod ng mata ni Dakila sa akin, palihim akong inoobserbahan sa paraan ng pag titig niya sa akin kaya't ako'y mariin na lang napa lunok ng laway.
Nakita ko rin na may bawas na ng pag kain ang pinggan ni Dakila, na mukhang naka ilang subo na siya samantala naman ako halos lumamig na ang pag kain sa plato ko na kanina ko pa iyon hindi ginagalaw.
"Ahh, pasensiya na mahal." Wika ko na lamang na kinuha na lang ang kubyertos para makaka-kain na at sa gilid naman ng mata ko hindi pa rin inaalis ang mata niya sa akin, na para bang ihahabol pa siyang sasabihin.
"Ayos ka lang ba, mahal? Napapansin ko kagabi ka pa tahimik na animo'y napaka lalim ng iyong iniisip." Ang salita niya ang mag patigil naman sa akin, na bumalik na lang ang matinding pangamba sa aking puso sa naiwika niya at sabay mariin napa lunok ng laway. Inanggat ko ng unti ang ulo ko at doon ko na nakita ang matinding pag aalala ng mata niya sa akin. "No'ng umupo ka kanina sa silya, hindi na kita maka usap. May problema ba mahal?"
Sa totoo mang talaga, hindi ko alam ang isasagot sa tanong ni Dakila sa akin.
Maski ako, hindi ko alam kong paano ko pa, sisimulan na sabihin sakanya ang bagay na nag papa-pagabagab sa akin.
Bagay kong bakit kagabi pa akong walang imik at hindi maka usap ng maayos.Kagabi pa ako, hindi mapakali at mapalagay na halos hindi na ako maka tulog ng maayos sa kakaisip lamang ng mga nangyari.
Yumakap na lang ang matinding pangamba sa puso ko.Sa tuwing pinipikit ko ang aking mata, bumabalik na naman ang kakaibang takot at kilabot na nanalaytay sa katawan ko na maisip lamang ang nanlilisik na mga mata niya.
Matang puno ng pag nanasa na pinapanuod lamang kami sa mismong loob ng balay namin.Pakiramdam ko tuloy, nariyan lang siya sa paligid at palihim kaming pinapanuod at nag tatago lang siya sa dilim.
Kinikilabutan talaga ako nang husto sa tuwing naalala ko ang kanyang mga matang ayaw ko nang alalahanin pa."Wala naman, ayos lang talaga ako mahal." Patay malisya ko na lang nawika para sa ganun, hindi na siya mag tanong pa sa akin. "Medyo masama lang talaga ang pakiramdam ko kagabi kaya't ganun. Medyo maayos-ayos na ang pakiramdam ko kaya huwag kanang mag alala pa, mahal." Pinakita ko na lang ang matamis at maaliwalas kong pag ngiti sakanya at mukhang naniwala naman ito sa sinabi ko.
Hindi na sumagot pa si Dakila, nanatili siyang tahimik lamang na patango-tango pa at napanatag naman ako nang husto na hindi na siya dumugtong pa nang sasabihin.
Nag simula na akong sumubo ng pag kain at sabay na kaming dalawa na kumakain sa hapag-kainan. Hindi ko mapigilan ang aarili kong palihim, siyang obserbahan na kunakain sa harapan ko na wala nang gustong bumasag pa ng katahimikan sa panig naming dalawa.
Gumuhit na lang ang lungkot sa aking mga mata na tinignan na lang ang guwapong mukha ni Dakila at may parte rin sa loob-loob ko ang na gu-guilty na hindi ko masabi-sabi sakanya ang bagay na nakita ko kagabi.
Bagay na dapat alam niya rin.
BINABASA MO ANG
Hunk Series 4: Damian Garcia [COMPLETED]
RomansaDamian Garcia, was a successful bachelor of all time. At the age of 29, he already has many companies, businesses and assets. Damian's was cold blooded-beast, and he doesn't care to anyone. All he matters to him was wealth and power. Isang araw, pin...