Chapter 81
TRAVIS POV
Tahimik ang gabi, at mag isang nag iinum sa isang sulok ng Bar ang isang lalaki na naka suot ng formal at kulay grey na suit. Pormadong-pormado ang lalaki at sa unang tingin mapag kakamalan mo kaagad siyang kagalang-galang at mayaman base pa lang sa paraan ng pananamit at kilos.
Naka de kwatro pa ang kanyang paa habang naka upo at may ilang parte ng Bar ang nilamon ng dilim ngunit hindi alintana sakanya ang bagay na iyon.
Ilang oras na siyang nag iinum ng matapang
na inumin na kahit ilang oras na siyang naka upo doon, hindi pa rin siya tinatamaan ng espiritu ng alak. Pinapasadahan lamang niya, ng tingin ang mga naka sabayan na umiinom at nag kakasaya ng gabing iyon sa Bar subalit hindi niya man lang tinutuonan ng pansin at atensyon ang mga iyon.Pinagalaw niya sa kamay ang hawak na baso na may lamang alak at yelo, ninanamnam ang magandang ambiance at soft music na pinapatugtog na mag pagaan ng kanyang nararamdaman.
Nilagok niya ang inumin na parang juice iyon sakanya na, hindi alintana ang matapang at pait na humahagod sa kanyang lalamunan.
Sinandal niya ang sarili niya sa couch na binaba ang inumin sa lamesa.
Wala siya sa sariling napa ngiti na lang na maalala ang magandang mukha ni Ligaya kanina.
Ang maganda at inosente nitong mukha na hindi maalis sa kanyang isipan na tagpong nangyari.
Tagpong nilapitan niya ito sa kanyang pinag tra-trabahuhan."Ngayon lang kita nakitang ngumiti ng ganiyan, Travis." Unti-unti na lang nag laho ang matamis na ngiti sa kanyang labi na marinig ang boses, at napalitan kaagad iyon ng pag kasunggit.
Kumunot ang kanyang noo at naupo sa couch na nasa harapan niya ang bagong dating.
Bored niyang tinignan ang lalaki, at kaagad niya naman na nakilala kong sino iyon kundi walang iba kundi si Adon Montemayor.
"Ts." Pag susungit niya na lang muli na hindi niya na lang kina-pansin iyon.
"Hindi ko akalain na pupunta ka dito sa Bar ko." Hindi maalis ang maka hulugan na ngisi sa labi nito na umayos naman ito ng pag kakaupo, malayang pinapanuod ang mga tao sa Bar na isa sa kanyang mga negosyo. "Sabihin mo nga sa akin Travis, ano ang dahilan ng iyong pag ngiti. Babae ba?" Pag uusisa kaagad nito na may ibig ipahiwatig na kina-baling naman ang titig niya rito subalit kay sungit naman.
"Wala." Matabang niyang wika, dahil ayaw niya na rin pag usapan ang bagay na iyon. At isa pa, hindi naman siya interesado na makipag usap rito.
Napa-labi na lang si Adon subalit nakita niya kong paano siya titigan, na hindi ito kumbinsado sa kanyang sinabi at nakikita niya ito sa gilid ng kanyang mata.
"Si Ligaya siguro iyan, ano?" Hirit na usisa na lang nito kaya't napa baling ang tingin niya sa kaibigan.
Tangina, paano niya nahulaan ang bagay na iyon?
Minamanmanan niya ba ang kilos at galaw ko?Blangko na titig ang pinukulan niya kay Adon kaya't lumitaw na lang mag aasar at may laman na pag titig nito sakanya.
"Sabi na nga at si Ligaya iyan." Anito. "Narinig ko mula kay Connor na nag kainitan raw kayo ni Damian kanina." Fvck.
Tumalim na lang ang paraan ng titig niya rito, kinikilatis sa paraan ng titig na makikita na marami nga itong alam.
Kahit kaylan talaga naka tabil ng dila ng gagong Connor na iyan.
Hindi na siya mag tataka kong bakit napaka bilis malaman na ang nangyari sakanilang dalawa ni Damian sa pag punta niya kanina sa Mansyon nito.
Hindi na lang siya sumagot, at kinuha ang baso at malayang sinimsim ang alak.
![](https://img.wattpad.com/cover/306845327-288-k228633.jpg)
BINABASA MO ANG
Hunk Series 4: Damian Garcia [COMPLETED]
RomanceDamian Garcia, was a successful bachelor of all time. At the age of 29, he already has many companies, businesses and assets. Damian's was cold blooded-beast, and he doesn't care to anyone. All he matters to him was wealth and power. Isang araw, pin...