Chapter 87

122 3 3
                                    

Chapter 87

LIGAYA'S POV

"Yes, I'm fucking jealous Ligaya, please don't hurt me like this," he said between our kisses with his soft and manly voice that make my heart melt.

Napaka bilis ng kalabog ng aking puso na ngayo'y mag kalapat pa ang mga labi naming dalawa ni Damian at naka pikit pa ang mga mata niya ngayon.

Nanigas na lang ang katawan ko sa pag kabigla, hindi na lang ako maka galaw, sa bilis ng pangyayari na gumalaw ang mainit niyang labi na hinahalikan ako ng mabagal subalit puno ng pag iingat.
Bigla kaagad nag init ang aking katawan, lalo na sa sandaling mag kalapat ang mga labi namin kundi sa pag kiskis ng katawan namin sa isa't-isa na mag bigay kuryente na binubuhay niya ang katawan ko na hindi ko maintindihan.

Naging mapungay na lang ang mga mata ko na tila ba'y ang pag iisip ko naging blangko na hinahayaan na lang si Damian na halikan niya ako.

Napaka lambot.
Napaka init.
Napaka tamis ng kanyang mga labi, na tila ba'y
may kong anong mahika iyon na pinapasunod ako na damhin ko ang mainit na pag hahalikan naming dalawa.

Medyo lumuwag ng konti ang pag kakahawak ni Damian sa pulsuhan ko at ang isang kamay naman niya naramdaman kong gumalaw na rin na kumilos na humawak sa aking pisngi, para alalayan.

Pinikit ko na lang ang mga mata ko na ilang segundo nang mag kalapat ang labi namin. Bigla na lang sumagi sa isipan ko ang tagpong mag pabigat pa lalo ng aking nararamdaman.
Tagpong mag pasakit sa aking puso na maalala na lang ang naka raan na pang iiwan niya sa akin noon.
Pangyayaring mag bigay kirot sa aking dibdib na hindi niya na ako binalikan.

Pag mulat ng aking mata, pait at galit na lang ang gumuhit doon na tumitig na lang kay Damian at buong pwersa kong tinulak siya palayo kaya't naputol ang mainit na pag kalapat ng mga labi naming dalawa.
Wala na akong pinalagpas pang pag kakataon na binigyan na lang siya nang malakas at malutong na sampal sa kanyang pisngi.

Pulang-pula na ang mag kabilang pisngi ko sa labis na galit at pang gigigil kong paano ko siya tinignan ngayon na kinamumuhian siya ng husto.

Nanatili lamang naka tayo si Damian, hindi maka galaw subalit ang pananahimik at pandidilim ng kanyang mukha ang palatandaan na nagulat siya sa malakas na sampal na ginawa ko.

Nanubig at puno ng aking mata kong paano ko siya tinignan at walang salita na nag mamadali na akong kumilos papasok sa loob ng balay namin. Iniwan ko na lang doon si Damian sa labas na hindi pa rin maka kilos.
Padabog kong sinarhan ang pinto at nang hihina na sinandal ang likod ko sa pintuan na hindi pa rin humuhupa ang malakas na kalabog ng aking dibdib at nangyayari kanina.

Napa sapo na lang ako sa aking mukha na ngayo'y nangangatog pa rin ang tuhod ko sa tuwing naalala ko kong paano nag kalapat ang labi namin kanina ni Damian.
Kong paano niya ako hinalikan kanina.

Wala sa sariling napa hawak na lang ako sa aking labi, na kahit naka alis na ako ramdam ko pa rin ang mainit na labi niya kong paano iyon nag kalapat.
Paano ko na lang naalala ang guwapong mukha ni Damian.

Naging mabigat na lang ang pag hingga kong mariin na pinikit na lang ang mata ko ng mariin at pilit na winawaksi sa isipan ko na isipin siya.

Pinilig ko na lang ang aking uli sabay pakawala ng malalim na buntong-hiningga lamang

Mali ito, mali ito.
Huwag kang maapektuhan sakanya Ligaya.
Huwag ka dapat madala sakanya.
Ano ba itong nangyayari sa akin?
Nababaliw na ba ako?

Napa hawak na lang ako sa aking dibdib, hindi pa rin naalis ang malakas na kalabog no'n.

DAMIAN'S POV

Hunk Series 4: Damian Garcia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon