Chapter 51

79 2 2
                                    

Chapter 51

LIGAYA'S POV

"Ugh." Mahinang ungol ko na lang at uminggos sa pag kakahiga. Dahan-dahan ko na lang minulat ang mga mata ko at bumunggad sa akin ang nipa na dingding.

Sandali, asan ako?
Anong nangyari?

Iyan na lang ang mga katanungan sa isipan kong ginala ko pa rin ang tingin sa paligid na kahit ako mismo, hindi ko alam kong ano nga ba ang nangyari.

Mariin kong pinikit ang mga mata ko at minulat naman kaagad, dahan-dahan ko naman kina-kilos ang katawan kong paupo sa papag. Bago pa ako maka-upo may pumasok na lang sa silid at dali-daling lumapit sa akin.

"Mahal." Rinig kong boses ni Dakila at inalalayan niya akong makaupo. "Huwag ka munang kumilos at baka mapapano ka." May pag aalala sa tinig nitong iniling ko na lang ang ulo ko, pahiwatig na kaya ko na talaga.

"Maayos lang talaga ako, mahal at maayos na rin
ang pakiramdam ko." Tugon ko na lamang at napa hinto na lang ako na mapako na lang ang mata ko na bumunggad sa akin ang maliit na silid naming dalawa ni Dakila.
Sandali,
Anong ginagawa ko dito?
Bakit nandito na ako?

Ginala ko na lang ang tingin ko sa buong silid naming dalawa, takang-taka kong bakit narito na ako na kanina lamang umalis ako kanina para bisitahin si Dakila sa kanyang trabaho.
Kanina lang pumunta ako kay Manong Basyo at pag katapos no'n wala na akong maalala pa.

Hindi na lang ako naka kibo at isang malaking tandang pananong na lang ang gumuhit sa mukha ko, sa mga kong bakit napaka bilis na naka uwi na ako sa balay namin.

"Mahal, anong ginagawa ko dito? Anong nangyari?" Tanong ko na lang na gulong-gulo pa rin talaga.
Ramdam ko naman ang presinsiya ni Dakila na naka tayo sa gilid ko at ibabot niya sa akin ang baso ng tubig at malugod ko naman na tinanggap.

"Uminom ka muna." Anito na sinimsim ko naman ang tubig mula sa baso at nahimasmasan naman ako nh konti na humahagod sa lalamunan ko ang presko na tubig, na mag paalis naman ng matinding uhaw ko. Nang matapos na akong maka inom, kinuha naman ni Dakila ang baso at nilagay muna sa isang tabi. "Bigla kana lang nawalan ng malay kanina, kaya't inuwi muna kita dito sa balay." Dugtong na lang ni Dakila at doon nag karoon ng mga kasagutan sa akin ng mga nangyari.

Ganun ba ang nangyari?
Nahimatay ako kanina?

Sinapo ko na lang ang mukha at umayos ng pag kakaupo sa papag.

"Nag paalam na ako kay Manong Basyo na hindi muna ako papasok sa trabaho, para mabantayan at maalagaan muna kita. Mahigit dalawang oras kana walang malay Mahal, kaya't labis talaga akong nag alala ng husto." Wala sa sariling napa tango na lang ako sa kanyang sinabi at pinikit ng panandalian ang mga mata ko para ipag pahingga muna kahit saglit.

"Kaya pala," dugtong ko na lang at nag pakawala na lang ng malalim na buntong-hiningga. Ganun ba ako katagal na natulog? Ano ba itong nangyayari sa akin?. "Pasensiya kana mahal, kong napag alala pa kita. Hindi ka tuloy naka pasok sa trabaho ng dahil sa akin." Mababa ko na lang na tinig at napa tigil na lang ako na hinawakan ni Dakila ang noo ko na ako'y mapa hinto na lamang.

Napa titig na lang ako kay Dakila na ngayo'y nabahiran ng pag alalaa at takot ang mata'y na inaalam ang temperatura ko. Sa likod ng masungit at malamig niyang pinapakita na ugali kong minsan, nag kukubli ang pag alalaa at kabutihan sa pag katao niya. 

"Hindi ka naman mainit at wala ka naman na lagnat," tugon na lang nito at parang magnet na lang na automatiko na napa ngiti na lang ako, na hindi maalis ang mata ko sa guwapo nitong mukha. "Mag pahingga ka muna ngayon at huwag ka munang kikilos para maka bawi ka ng iyong lakas.. Siguro napagod ka nang husto sa pag lalako mo mag tinda sa bayan kanina, sa susunod huwag mo nang pagurin ang sarili mo." Paalala na lang nito na lumawak pa ang ngiti sa labi ko.

Hunk Series 4: Damian Garcia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon