Chapter 1
LIGAYA'S POV
"Magandang umaga Ligaya."
"Magandang umaga, Ligaya."Iilan lamang iyan sa mga bumabati kay Ligaya na maka salubong nila ang binibini sa daan.
Siya lamang si Ligaya Cabuang. Matangkad at kay itim na parang gabi ang kaniyang mahaba at hanggang baywang na buhok,na tinatanggay sa bawat pag-ihip ng hangin. Nag mana si Ligaya sa kaniyang Ina na kulay nyebe ang kaniyang kutis, na lalo pang tumingkad ang kaniyang balat sa suot nitong puting bestida. Mamula-mula din ang pisngi at labi ni Ligaya, at ang kaniyang mga mata kulay kayumanggi.
Katamtaman lamang ang tangkad at hubog ng katawan ni Ligaya kaya't maraming mga kalalakihan sa kanilang baryo ang umiibig at nag ka-kagusto dahil na rin sa kaniyang natatangging kagandahan.
Maliit lamang ang kinagisnan na bayan ni Ligaya iyon ang Palanan Isabela kong saan na siya lumaki at nag kaisip. Maliit lamang ang kanilang baryo, at sagana naman iyon sa mga mayayaman na mga produkto na kanilang tinatanim na mga gulay at prutas.
Napapalibutan ng mga kahoy at bundok na ang kanilang baryo, tahimik at malayo sa bayan. Aabutin ng mahigit lima o anim na oras ang kanilang babaybayin na lalakarin, bago maka rating sa bayan. Pahirapan din at kong minsan walang dumadaan na mga sasakyan o motor dahil masukal at delikado rin ang daanan papunta sa kanilang Nayon.
Wala ka rin makikitang na mga matatas o malalaki na mga establishmento ang kanilang Nayon. Hindi na rin sila naabutan ng signal sa cellphone at kahit na rin kuryente wala rin sila.. Kong totoosin napang-iiwanan na ang bayan nila ng mga uso dahil na rin wala naman silang abilidad at kakayahan dahil nga malayo na ang kanilang lugar.
Pinapamahala ng isang kilalang lider ang kanilang Nayon na si Datu Magwat, at masasabi mo talaga na kahit salat man sila sa pamumuhay. Napaka-ganda naman ang kanilang pamumuhay at mababait pa ang mga tao.
"Bilisan mo Lira sa iyong pag lalakad at baka mahuli tayo." Mahinang wika ni Ligaya sa kaniyang nakaka-batang kapatid na naka sunod lamang sa kanyang likuran.
Nilawakan ni Lira ang pag-lalakad para maka-uwi kaagad sila sa kanilang munting tahanan. Pareho hawak nila ang basket na yari sa abaca at puno ang mga iyon ng mga sariwang mga prutas na kanilang inani sa kanilang munting lupain. Dose anyos pa lamang si Lira. Matangkad at tahimik lamang si Lira pero kagaya ito ng kanyang kapatid na si Ligaya na hindi rin pinag kaitan sa kagandahan.
"Sige po Ate," magalang na wika ni Lira.
Nag patuloy lamang sila sa pag lalakad, na makaka salubong nila ang iba sa kanilang mga ka-baryo na katulad din nila na maagang gumigising.
"Ligaya." Pareho sila natigilan na mag kapatid na marinig ang munting pag tawag sa kanyang pangalan.
Huminto si Dolores na kaidaran niya lamang kasama ang dalawang kaibigan na madalas nitong kasama na si Benilda at si Hiraya
"Magandang umaga sa'yo Dolores." Magalang na pag-bati ni Ligaya sa munting Binibini, at nag bigay galang siya dito.
Umawang lamang ang gilid ng labi ni Dolores at paraan na titig niya kay Ligaya puno ng galit. Lingid kasi sa kaalaman na may lihim na inggit si Dolores kay Ligaya, dahil na rin nahigitan siya ng kagandahan nito.
Lumapit si Dolores sa harapan ni Ligaya. "Naka hanap kana ba ng iyong iniibig?" Hindi na nag paligoy-ligoy pang tanong ni Dolores dito, na mahulaan naman kaagad ni Ligaya ang ibig nitong sabihin. "Nalalapit na ang seremonya ng ka-pyestahan sa ating Nayon. Alam mo naman siguro ang ibig sabihin no'n, hindi ba?"
"Oo, at hindi ko nakaka-limutan ang bagay na iyon Dolores. Huwag kang mag-alala, hindi nawala sa aking isipan ang nalalapit na seremonya." Magalang na wika ni Ligaya, na hindi naman nagustuhan ni Dolores ang sinabi nito.
BINABASA MO ANG
Hunk Series 4: Damian Garcia [COMPLETED]
RomanceDamian Garcia, was a successful bachelor of all time. At the age of 29, he already has many companies, businesses and assets. Damian's was cold blooded-beast, and he doesn't care to anyone. All he matters to him was wealth and power. Isang araw, pin...