Chapter 33
DOLORES POV
"Dolores, Dolores." Ang pag tawag sa akin ni Benilda ang mag pabalik sa akin sa realidad.
"Huh?" Naiwika ko na lamang na ngayo'y naka tingin na si Hiraya at Benilda sa akin na para bang hinihintay nila ang magiging sagot ko.
Mag kakasama kaming nag lalakad ngayon sa malawak na lupain ng aming Nayon at magandang mamasyal-masyal ngayon lalo't maaga pa naman, na makaka salubong namin sa daan ang ilang mga taong maaga na kong gumigising at nag aasikaso para mag trabaho.
Mga batang nag lalaro at nag hahabulan sa daan.
Inayos ko na lang suot kong maganda at mamahalin na damit at umayos ng tindig.
"Ang ibig, sabihin ni Benilda kong bakit hindi kana nag pakita pa kagabi?" Si Hiraya na ang sumagot, na tanong nila sa akin at ako'y napa labi na lamang. "Sayang naman bigla kana lang nawala Dolores kagabi. Tinanong ko si Bughaw kong asan ka at sinabi niya sa akin na maaga ka daw pumasok sa iyong silid para makapag pahingga. Sayang naman at yayain ka pa sana namin na mag pakasaya at uminom." Alangan at pilit na lang akong ngumiti.
"Ahh iyon ba." Aniya ko. "Ipag paumanhin niyo kong hindi na ako lumabas at nag pakita pa sainyo kagabi. Napaka sama kasi ng pakiramdam ko kaya't mas pinili ko na lang mag pahingga." Pag sisinunggaling ko na lamang na kabaliktaran naman doon ang totoo.
Totoong, hindi naman talaga masama ang pakiramdam ko.
Hindi na lang ako kumibo pa at gumuhit na lang ang tabang at sakit sa aking mga mata na maalala ang pangyayari.
Pangyayari na mag bibigay paninikip ng aking dibdib.
At pangyayari, na hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap.
Matapos ng masaksihan ko kagabi, kong paano ko nakitang nag halikan si Ligaya at Ginoong nagugustuhan ko doon na bumuhos ang lahat ng emosyon at luha sa mga mata ko.
Umuwi na lang akong umiiyak ng gabing iyon na durog na durog at nag kulong na lang sa aking silid hanggang maka tulog ako.
Hindi ko maipaliwanag kong bakit ganun na lang ang aking naramdaman.
Hindi ko maipaliwanag kong bakit nasasaktan na lang ako nang ganun.
Pigilan ko man ang sarili ko na hindi umiyak at maging emosyonal, ngunit hindi ko maitatago na naapektuhan ako, na makita ko silang mag kadikit ang kanilang mga labi.
"Sayang naman Dolores kong ganun. Ayos lang at naiintindihan ka naman namin kong hindi kana naka labas." Hiraya na may tamis sa kanyang labi. "Kailangan mo rin kung minsan na alagaan at unahin ang iyong kalusugan at kami'y nagagalak ngayon ni Benilda at maayos na ang iyong nararamdaman ngayon."
"Maraming salamat, Hiraya." Tugon ko na lang na nag kangitian na lamang kaming tatlo. "May susunod pa naman sa aking kaarawan at doon na lang ako babawi sainyo at sa lahat ng mga Ka-Nayon natin."
Nag patuloy na lang kami sa pag lalakad na mag kasama. Nililibang ko naman ang aking sarili sa pag mamasid ng paligid, nginingitian ko rin ang mga taong nakaka salubong ko.
Habang nag lalakad, nabahiran na lang ng takot at pangamba ang aking puso na maalala na naman ang sandaling nakita ko kagabi.
Sandali, bakit kasama ni Ligaya ang Ginoong iyon?
Bakit sila nag hahalikan?
Anong mayron sila at bakit ganun na lang na mag kadikit ang kanilang mga katawan?Kinagat ko na lang ang ibaba kong labi samantala naman ang mga mata ko naging malilikot na hindi alam ang gagawin. Hindi ako mapapakali at mapapanatag ang aking dibdib hangga't hindi ko malalaman ang totoo.
BINABASA MO ANG
Hunk Series 4: Damian Garcia [COMPLETED]
RomanceDamian Garcia, was a successful bachelor of all time. At the age of 29, he already has many companies, businesses and assets. Damian's was cold blooded-beast, and he doesn't care to anyone. All he matters to him was wealth and power. Isang araw, pin...