Chapter 36

72 3 0
                                    

Chapter 36

LIGAYA'S POV

Mag-isang binabaybay ko ang daan pauwi sa aming balay. Kay ganda nang hapon na iyon at hindi pa naman gaanong nakaka paso ang sinag ng araw dahil pasado kwarto pa lang nang hapon iyon, kay sariwa rin ng simo'y ng hangin at makikita mo kaagad ang mga abalang mga tao na aking makaka salubong.

Simpleng off-shoulder na bulaklakan ang suot ko sa pang itaas, samantala naman ang pang ibaba ang preskong mahabang palda na may maliliit na mga burda iyon na lumilitaw ang mala nyebe kong kutis sa aking suot.. Naka lugay lamang ang mahaba kong buhok, at lumilitaw ang natural na pamumula ng aking pisngi at labi.

Sa isa kong kamay hawak naman ang katamtaman na basket, laman ng mga sariwang prutas na aking naani sa aming munting lupain ni Tiya at sabik na akong maka uwi dahil mag hahanda ako nang masarap na hapunan para sa aming dalawa ni Dakila.

"Magandang hapon, Ligaya."

"Magandang umaga rin po sa'yo Mang Ramon." Bati ko naman sa matandang naka salubong ko lamang sa daan, na binigyan siya nang matamis na pag ngiti lamang.

Humigpit na ang pag kakahawak ko sa basket at pinag patuloy lamang ang pag babaybay ng daan, at ilang sandali napa tigil na lang ako nang mapansin na lang ang isang bulto ng isang tao.
Isang bulto ng tao na kina-iinisan ko.

Nakita ko na lang si Makisig na naka tayo sa isang tabi, at may naka yakap sakanyang braso, na isang Binibini. Sobrang dikit ang kanilang katawan sa isa't-isa at hindi ko mapigilan ang sarili kong mapa lingon na lang sakanilang direksyon.

Kilala ko ang dumidikit-dikit kay Makisig at iyon si Perla, maliit lamang ang Nayon namin kaya't hindi na rin mahirap kong makilala ko ang lahat.

Nag patuloy na lang ang pag dikit ng Binibini kay Makisig, na animo'y nag papansin na abot langit na ang ngiti sa kanyang labi. Hindi ko na napansin kong ilang segundo ako sakanila naka tingin sa kanilang direksyon hanggang, mapansin siguro ni Makisig na may matang naka masid sakanilang dalawa kaya't kaagad niya itong hinanap ang mga matang iyon.

Mariin na lang ako napa lunok ng laway, na mag tagpo ang mata naming dalawa ni Makisig. Pangisi-ngisi pa si Makisig na animo'y nasisiyahan subalit, hindi ako komportable sa paraan ng titig niya sa akin na may pahiwatig ang nga iyon.

Napa kurap na lang ako ng aking mata sabay iwas nang tingin lamang. Patay malisya na lang ako sa aking nakita at dire-diretso na lang akong nag lakad.

Lumihis na ako ng dinaraanan para sa ganun, maka uwi na ako kaagad at masiguro ko talaga na hindi na kami mag kakatagpo na dalawa ni Makisig. Kahit papaano, umiiwas na ako sa gulo at lalong-lalo na rin sakanya.

Binilisan ko na ang lakad ko at hindi pa naman ako nakaka layo, na ako'y natigilan na lang na may humarang na lang sa dinaraanan.

"Magandang hapon, Ligaya." Pinalawak na lang ni Makisig ang matamis na ngiti sa labi, at hindi ko maiwasan na maka ramdam ng kilabot sa kanyang presinsiya.

"Makisig!"

"Pauwi kana ba? Mukhang mabigat ang bitbit mong basket, tutulungan na kita." Presinta nitong akmang kukunin sa kamay ko ang basket, na kina-layo ko naman iyon sakanya.

"Hindi na, kaya ko na." Matabang ko na lang na tinig na umawang na lang ang kanyang labi sa naging sagot ko.

Tinaas-baba pa nito ang kilay na animo'y nag papapansin. Inirapan ko na lang siya at nag lakad para dumaan sa gilid niya para lampasan siya, subalit kaagad naman akong natigilan nang humarang siya sa dinaraanan ko.

Takte naman oh.

Tumalim na lang ang titig ko sakanya, na nag pipigil lamang ng emosyon at pag titimpi ko.
Ano ba naman ang kailangan niya?

Hunk Series 4: Damian Garcia [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon