Chapter 12
LIGAYA'S POV
Bago pa sumapit ang alas ng umaga, gising na talaga sila. Si Tiya Belinda naman una nitong pinupuntahan sa kanyang pag gising ang mga pananim nito sa aming munting bakuran, dinidiligan niya ang mga iyon at inaayos. Ang kapatid ko naman na si Lira, naka toka naman ito sa pag aayos ng aming hinigaan sa aming munting maliit na sala kong saan mag kakatabi silang tatlo matulog doon at pag katapos, pumupunta naman ito sa labas para mag walis ng mga tuyong dahon na mga nalaglag.
Abala naman ako sa pag luluto ng aming munting almusal. Simpleng agahan lamang ang aking ginawa at napa-ngiti na lamang ako ng maamo'y ang masarap na aroma ng prinitong itlog at ibang aking mga niluto na nag nunuot sa aking ilong. Nilagay ko na iyon sa munting plato at tumalikod na ako para ilagay iyon sa aming munting lamesa, na hindi ko inaasahan na may bulto na pala ng tao na kanina pa sa likuran ko.
"Jusko," wika ko na lamang na naroon ang malakas na kalabog ng aking puso, na napa hawak na lamang sa aking dibdib sa pag kagulat na hindi ko inaasahan na maka-salubong ko siya.. "D-Dakila," tawag ko na lamang na makilanlan ito, na mapa titig na lamang ako sa kanyang mukha na wala man lang itong kareaksyon.
Sandali, kanina pa siya dito?
Bakit hindi ko man lang napansin at narinig ang pag dating niya?
Nanuyuan ako ng laway sa aking lalamunan at pilit na pinapakalma ang aking sarili. Aaminin ko naman na nagulat ako sa bigla niyang pag sulpot dahil hindi ko naman inaasahan na magigising siya ng ganito kaaga.
"G-Gising kana pala," alangan ko na lamang na wika na tahimik lamang inoobserbahan ito na mukhang kakagising niya pa lamang. Kahit simpleng kasuotan lamang ang ipasuot kay Dakila, hindi mo naman talaga maitatanggi na bagay na bagay iyon sakanya at sabayan pa ng malakas na dating na medyo magulo pa ang buhok nito.
Ang maanggas na dating at hindi palakibo ang mag dagdag katikasan pa rin sakanya.
Malamlam lamang akong tinignan ni Dakila at aaminin kong hindi ako komportable sa paraan na pag titig niya sa akin, na puno iyon ng lagkit at parang may gustong ipahiwatig.
"Nagugutom kana ba? Ipag paumanhin mo at hindi pa ako tapos dahil nag sasaing pa lang ako ng kanin." Salita ko na lamang para putulin na lamang ang mainit na tensyon na namumuo sa pagitan namin. "Sandali at ipag titimpla muna kita ng kape habang nag hihintay na maluto ang sinaing ko, dito ka lang mun-----"akmang mag lalakad na sana ako para ipag gawa siya ng kape na kaagad naman akong natigilan na may mainit na kamay ang pumigil sa akin kaya't ako naman napa-hinto.
Hindi ko maipaliwanag ang simpleng pag hawak niya lamang sa akin na mag bigay init at sensasyon sa katawan ko, na kina-angat ko naman ng tingin para tignan si Dakila subalit ganun pa rin na emosyon ang pinapakita sa akin.
"Bakit, Dakila?" mahina ko na lamang na tanong at nag hihinggi ng kasagutan sakanya.
Malamlam lamang ang kanyang mga mata at wala pa ring kibo, unti-unti niyang nilapit ang sarili niya sa akin at pinapanuod ang susunod niyang gagawin.
Bahagyang hinawi na lamang ni Dakila ang konting hibla ng aking buhok gamit ang kanyang kamay at inipit niya iyon sa likod ng aking taenga, kaagad naman nanigas ang buong katawan ko na hindi maka-kilos sa simple nitong ginagawa. Napa-titig lamang ako sa malamig at mysteryoso niyang mga mata na para bang pinapasunod niya ako sa paraan na gusto niya.
Nanatili akong naka-titig sa kanyang mukha na sunod na lamang gumalaw ang kamay ni Dakila na humamplos na lamang iyon sa aking pisngi, na lumakas ang kalabog ng aking dibdib na ngayo'y dikit na dikit na ang katawan namin.
Bakit biglang uminit?
Bakit ganito na lang kalakas ang tibok ng aking puso?
Normal ba ito?Ilang segundo siyang naka titig sa kaliwa kong pisngi, hinahaplos na iyon ang parte na iyon kong saan dumapo na lang ang malakas na sampal sa akin ni Makisig kahapon na naroon pa rin ang konting pamumula at kirot na lamang na dala na malakas na pag kakasampal nito.
BINABASA MO ANG
Hunk Series 4: Damian Garcia [COMPLETED]
DragosteDamian Garcia, was a successful bachelor of all time. At the age of 29, he already has many companies, businesses and assets. Damian's was cold blooded-beast, and he doesn't care to anyone. All he matters to him was wealth and power. Isang araw, pin...