Chapter 78
DAMIAN'S POV
Mula sa malayo, maanggas na naka tindig si Damian pormang-porma at pinasadahan lamang ng tingin ang dumaraan sa paligid. Naka suot siya ng white longsleeve, naka bukas ang isang butones ng kanyang suot at naka rolyo rin sa parteng sleeves. Sa pang ibaba naman naka suotan ang itim na pants at itim na shoes.
Ilang minuto na si Damian na naka tayo doon at hindi alintana sakanya kong tumayo man siya doon nang mas matagal pa.
"Hanggang anong oras pa ba tayo dito Damian? Akala ko saglit lamang tayo dito." Naiinip na wika naman ni Connor na naka tayo lamang sa likuran niya. Kagaya niya rin, matyagang nag hihintay sa labas na may inaabangan sila doon.
"Ts, sinabi ko na sa'yong huwag kanang sumama pa pero mapilit ka pa rin!" Iritado niya lamang na wika na panaka-nakang sumusulyap sa kaliwa't-kanang inaabangan ang pag labas kung sino man ang kanilang hinihintay. "Kong naiinip kana, mauna kanang umalis. Hindi rin naman kita kailangan pa dito." Bored niya na lang na wika na tinuon na lang ang atensyon sa daan at ang mata'y naging masungit muli.
"Seriously?" Napa buga na salaysay na lang ni Connor sabay iling ng kanyang ulo. "Ibang klase ka talaga Damian, seryoso ka ba talaga? Akala ko ba wala kang pakialam sakanilang dalawa tapos kakainin mo din pala ang sasabihin mo." Iling na wila na lamang ni Connor na kina talim ng kanyang titig.
"I just want to confirm something. You know me Connor, hindi ako gumagawa ng anumang hakbang na hindi ko pinag iisipan ng maayos." Saad niya lamang na hindi na sumagot pa si Connor sa likuran niya.
Ilang minuto lamang pag hihintay, nakita niya na kaagad ang kanyang inaabangan. Mula sa malayo, natanaw na ni Damian ang pag labasan ng ilang mga estudyante mula sa kanilang silid at nakita niya ang ilang bata na palabas na mukhang breaktime ng mga ito.
Pare-pareho ang kulay ng kanilang uniforme na iba rin ang itsura sa pang babae na desinyo. Kaagad naman nakita ni Damian ang isang batang lalaki na nahuling lumabas ng silid.
At nakita niya ang batang lumapit sakanya at tinawag siyang Itay.
Ano nga ang pangalan ng batang ito?
Raven?
Ts.
Wala siyang pake.Mula sa malayo pinapanuod at inoobserbahanna lamang ni Damian ang batang lalaki, na mag isang nag lalakad ito at base pa lang sa kanyang kilos parang wala ito masyadong kakilala o kaya naman kaibigan. Tahimik lamang itong nag lalakad at palingon-lingon lamang sa mga batang dumadaan at nakaka salubong niya.
Hinakbang na rin ni Damian ang paa niya, sinasabayan niya rin sa pag lalakad ito subalit malayo at may distansiya naman siya rito na hindi alam ng bata na kanina pa siya naroon.
Habang nag lalakad, ang mata naman ni Damian patingin-tingin na lang sa batang lalaki na si Raven na para bang binabantayan at pinag aaralan niya ito base pa lang sa pag kilos at galaw nito.
Ilang sandali lamang at pinili na lang ni Raven na huminto sa playground kong saan nag kakasayang nag lalaro ang kanyang mga kaklase. Maririnig mo ang kanilang munting tawanan, ng mga batang naroon at ang iba naman nag hahabulan na sinusulit nila ang sandali na makapag laro.
Imbes makisali na lang si Raven sa kanyang mga kaklase, mas pinili na lang nitong maupo sa upuan malapit sa may puno at pinapanuod niya lamang ang mga iyon na nag kakasaya at nag lalaro.
Kumunot-noo na lamang si Damian na imbes makipag laro kagaya ng mga bata sa ganung edad, nilabas na lang nito ang libro na dala-dala at sinimulang buklatin at basahin.
Napa awang na lang ng gilid ng labi si Damian at sinilid ang isa niyang kamay sa bulsa.
Hindi niya lubusang akalain, na ganun ang gagawin neto.

BINABASA MO ANG
Hunk Series 4: Damian Garcia [COMPLETED]
Roman d'amourDamian Garcia, was a successful bachelor of all time. At the age of 29, he already has many companies, businesses and assets. Damian's was cold blooded-beast, and he doesn't care to anyone. All he matters to him was wealth and power. Isang araw, pin...