Chapter 86
LIGAYA'S POV
Palinga-linga lang ako sa paligid, hinahanap ng aking mata si Raven sa kasulok-sulokan ng skwelahan sa bawat madaanan ko subalit walang anumang bakas niya. Lakad-takbo na ang aking ginawa, hindi ko na alintana ang daplis ng pawis sa noo at panunubig ng aking mata sa matinding takot at pag aalala na hanggang ngayon hindi ko pa rin siya makita.
Wala pa ring anumang bakas ng anak ko.
Asan kana ba Raven?
Asan kana, anak ko?
Huwag mo naman na takutin ng ganito si Inay.Sa bawat segundong dumaraan lalo lamang bumibigat ang aking nadarama na ilang minuto na akong nag hahananap subalit, wala pa rin.
Alam kong, imposible para sa akin na makita at mahanap ko siya reto pero kahit katiting na pag asa sa aking dibdib, pinang hahawakan ko na sana makita ko siya.
Na sana nandito pa siya.
Na sana, walang anumang nangyaring masama sakanya.Binilisan ko pa lalo ang pag kilos kong, hindi ko na kina pansin pa ang mga taong dumaraan na maka bangga ko na sa pag hahanap basta ang importante na lang sa akin ang makita si Raven.
"Raven, a-anak." Aligaga at nauutal kong tinig. Palinga-linga lang sa kaliwa't-kanan kong tumakbo na ako sa malawak na hallway, patuloy ko pa rin tinatawag ang pangalan si Raven. "Raven, anak!" Lumakas ng konti ang boses ko na nanginig na ang katawan kong hindi alam ang gagawin.
Sa bawat bata na makita at maka salubong kong dumaraan, binubusisi kong tinitignan na baka isa na sakanila ang anak ko subalit wala pa rin.
Tuluyan na akong pinag hinaan ng aking tuhod, na anumang segundo bibigay na walang anumang bakas ni Raven sa paligid.
Walang Raven akong nasilayan.Kulang na lang dumugo na ang ibaba kong labi sa diin ng pag kakagat at ramdam ko na ang panginginig ng katawan ko. Napa sapo na lang ang aking noo na hindi ko na alam ang aking gagawin na naging blangko na ang isipan ko ng sandaling iyon na hindi ko alam kong saan ko siya unang hahanapin.
Hindi ko alam kong asan ako mag sisimula.Ang pag iinit ng sulok ng aking mata na anumang segundo babadya nang tumulo ang bakas na luha sa mata ko, hanggang nag paagaw ng atensyon sa akin na makita ang ang isang guro na naka tayo mula sa de kalayuan sa akin.
Mariin na lang akong napa lunok ng laway, at wala akong pinalampas na pag kakataon na mabilis na lumapit sa guro.
"Excuse me." Tumigil naman ako sa harapan niya kaya't napa tingin naman siya sa akin. "May nakita ka bang batang lalaki mga limang taong gulang, maputi, naka suot ng blue backpack at ganto katangkad?"
Pag describes ko na lang sa katauhan ni Raven, umaasa akong sana nakita niya ang anak ko."Pasensiya na, wala akong nakita." Ang salita na lang niya ang mag palambot na lang sa tuhod ko.
"Sige maraming salamat." Isang tango na lang ang sinagot niya sa akin, at pinag patuloy ko na lang ang pag lalakad ko.
Kagaya nang dati, tinanong ko rin ang mga naka salubong ko nag babakasali na may naka kita kay Raven ngunit bigo ako.
Lumingon ako sa paligid at napa tigil na lang ako na marinig ang pag tunog ng cellphone ko. Walang pag aalinlangan na kinuha ko na lang sa bulsa at sinagot ang tawag ni Lira.
"Hello Lira."
[Kumusta Ate, nakita mo na ba si Raven?]
"Hindi pa eh. Hindi ko na alam kong saan ko siya hahanapin Lira." Luminga-linga ako sa paligid na ngayo'y namumutla na ako sa pag aalala. "Kasalanan ko ito Lira, kasalanan ko kung bakit nawawala si R-Raven. Kong mas maaga lang akong dumating, hindi siya mawawala ng ganito. Kong hindi lang ako nahuli sa pag sundo sakanya hindi mangyayari ito. K-Kasalanan ko ito eh,"
BINABASA MO ANG
Hunk Series 4: Damian Garcia [COMPLETED]
RomanceDamian Garcia, was a successful bachelor of all time. At the age of 29, he already has many companies, businesses and assets. Damian's was cold blooded-beast, and he doesn't care to anyone. All he matters to him was wealth and power. Isang araw, pin...