CHAPTER 52: Dianne's identity

107 2 0
                                    

Blaze Point of view.

Nang makapunta na ako sa hotel ni kuya ay mabilis ko siyang hinanap at tinanong-tanong yung mga workers dito kung nakita ba nila si Trevior pero hindi raw siya pumunta dito.

Nilibot ko na rin yung buong hotel pero walang Trevior dito.

"Shit nasaan ka na ba!?" sigaw ko.

I started searching at 10 AM, and now it's already 12 AM.

Tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa ko at nakita kong si Anastasia ang tumatawag.

"Hello?" tanong ko.

"Tumawag siya sa akin, naaksidente raw siya-nawalan ng preno habang nasa highway. Sinubukan niyang apakan nang madiin, pero wala na talagang bisa. Pati handbrake, hindi rin masyadong umepekto dahil sobrang bilis na ng takbo niya. Wala siyang choice kundi humanap ng paraan para bumagal, pero dahil puro pababa ang kalsada, imbes na huminto agad, lalo lang siyang napalayo. Halos wala nang ibang sasakyan sa dinadaanan niya, puro masukal at malubak na daan na lang ang nasa harap niya. Sa huli, napilitan siyang isadsad ang sasakyan sa gilid ng kalsada, sa may damuhan, para lang huminto. Medyo malakas ang impact, pero swerte siyang galos lang ang natamo niya. Ang masama lang, nalowbat ang phone niya, kaya kinailangan niyang maglakad nang malayo para makahanap ng mahihiraman ng cellphone. Safe naman siya, pero baka may internal injuries, kaya tumawag na rin ako ng ambulansya para macheck siya. Kailangan niya ng tulong mo, pinapapunta ka niya ro'n."

"Okay, nasaan siya? Send mo sa akin yung address." sagot ko at mabilis na umalis.

Pinasok ko sa bulsa ko yung phone ko at mabilis na pinuntahan ang sinend na address, puno ng pag-aalala at urgency.

Mabilis ko naman siyang natulungan at nagtawag na rin ako ng pwedeng makafix nung kotse niya.

Nang madala si Trevior sa hospital dahil sa galos niya ay nagkita sila doon ni Anastasia. Nagaalala si Anastasia kaya nagstay muna ako doon para bantayan silang dalawa.

"Tell me, bakit nawalan ka ng preno?" tanong ko.

"Maybe because I pushed the car too much. I was driving too fast when I found out that Drake was released, so I rushed home as fast as I could. But then, the brakes failed. I couldn't stop on the highway because there were too many cars-I didn't want to cause an accident. So I had no choice but to keep going until I found a place with no people, where I could safely slow down and stop."

Tumango lang ako at magstay hanggang gumabi para bantayan silang dalawa, naiisip ko pa rin kasi si Drake na baka balikan niya sila kuya. Pero iniisip ko rin si Dianne, gusto kong tanungin kung okay lang siya.

Nang buksan ko ang phone ko ay nagulat ako nang malowbat ito. Nagtanong ako kay kuya kung anong oras na at saktong 7pm na raw. Gabi na kaya naisipan kong umuwi na baka ano pa yung nangyari kay Dianne.

Dahil doon ay nagmadali akong nagpaalam para umuwi na. May nararamdaman akong kakaiba.

Dianne Point of view.

"Dianne!" sigaw ni Dark at mabilis niya akong binuhat at pinaupo niya ako sa isang bench. Mabilis niya lang nagawa yun siguro dahil sa sobrang gaan ko na.

"Gutom ka na ba? Oh ito kumain ka muna, baka magreklamo na 'yang tiyan mo." saad niya sabay bigay sa akin nung burger.

Walang salita ang lumabas sa labi ko pero kinuha ko yung burger sa kamay niya at mabilis na kinain yun.

"Dahan-dahan lang baka mabulunan ka!" biro niya pa habang nakangiting titig na titig sa akin.

"Wait, ibibili kita ng tubig." paalam ni Dark at mabilis siyang tumakbo palayo sa akin.

FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hateWhere stories live. Discover now