CHAPTER 53: Takasan.

85 0 0
                                    

DIANNE POINT OF VIEW.

Napabangon kaming dalawa nang makita namin si tita mabilis akong tinago ni mama sa likod niya.

She spread her arms na parang ayaw niyang may gawin si tita sa akin. Napangiti ako ng mapakla, hindi ko alam pero kahit kunti gumaan yung pakiramdam ko sa ginawa niya.

"So hindi ka lang anak sa labas? Anak ka rin pala ng rapist?" gulat na gulat si tita na parang natutuwa rin siya sa nalaman niya.

"Ah kaya pala ready na ready kang patayin si Dianne? Kasi anak siya ng rapist tama?"

"What do you want!?" sigaw ni mama Janice sa kaniya.

"Nothing, I want nothing, pero si kuya, I know magugulat si kuya kapag nalaman niya ’to." tita.

"Anong malalaman ko?" sakto naman ang pagdating ni Dad kaya nansilakihan na talaga ng sobra yung mga mata ko.

Magkakagulo na ata dito. Shit papalayasin na ata ako ni Dad. Ready naman ako pero ang sakit lang isipin na dumagdag pa ’to sa pasanin ko.

"Bakit hindi kayo yung magsabi kay kuya? Bakit hindi niyo sabihin sa lahat ang totoo!" sigaw ni tita habang tinuturo yung mga paligid at nakita ko naman sa buong lugar sila Dark, Fujin, Wynter, pati si lola.

Nandito silang lahat.

"Hon, sorry. I’m really really sorry." mama Janice at mabilis siyang lumuhod sa harap ni Dad.

"Ano pang mapapala ng sorry mo!? Sorry is not enough! Na-rape ka! TAPOS NAGPANGGAP KA PANG ANAK NI KUYA SI DIANNE EH ANG TOTOO NAMAN PALA AY ANAK LANG SIYA NG RAPIST!"

Anak lang siya ng rapist? LANG!?

Napapikit ako ng marahan at huminga ng malalim.

"Trust me hon, I don't want to hide it from you. H-Hindi ko ginusto yung nangyari! HINDI RIN AKO ANG NAGPAPASOK KAY DIANNE TRUST ME! IT WAS TRISTAN!" sigaw niya.

"Pero alam mo! Alam mong hindi siya si Sofia at hindi siya totoong Wulan pero hindi mo pa rin sinabi kay kuya! HINDI MO SINABI KASI GUSTO MONG KUNIN ANG MANA KAY KUYA!" sigaw na naman ni tita.

"Tama na! Bakit ka ba nangingialam? Hindi ka parte sa pamilya namin! At wala kang alam!" sigaw ni mama Janice sa kaniya sabay turo niya kay tita.

"Hindi parte!? EH YANG DIANNE NA ’YAN!! PARTE BA ’YAN SA PAMILYA!? NAGPANGGAP SIYANG SI SOFIA! HINDI SIYA SI SOFIA!!! HINDI SIYA ANG PAMANGKIN KO! KAYA SIYA ANG HINDI PARTE SA PAMILYANG ITO!" sigaw ni tita.

Pero napakunot lang ang noo ko dahil bakit parang hindi naman nagulat si Dad? Bakit parang ang chill at kalma niya lang? Bakit parang may alam siya na hindi namin alam? Huwag mong sabihing...

"Kuya, nakikinig ka ba sa akin!? Hindi siya ang anak mo!" sigaw pa ulit ni tita.

"Alam ko." nang masabi iyon ni Dad ay bigla nalang nagsilaglagan ang mga panga namin.

Hindi ko alam na alam niya pala? All this time? Alam niyang hindi ako ang anak niya? Pero bakit nagpapanggap siyang parang hindi niya alam? Bakit niya ako tinuring na parang anak niya? Bakit siya nagpanggap na hindi niya alam? Na wala siyang kaalam-alam sa lahat?

"At alam mo rin kung sino ang pumatay sa ate ko? Sa anak mo, kay ate Sofia?" napalingon kaming lahat sa nagsalita, si Tristan.

Napangisi siya nang makita ang reaksyon ni tita, para siyang gulat na gulat at nansilakihan ang mga mata niya. Habang si tita Adeline naman ay parang natutuwa pa sa ginagawa ni Tristan.

Wait huwag mong sabihing sila ang nagplano nito?

"Si tita Frachezka. Siya ang pumatay sa anak mo. Siya ang nag-utos kay Frederick na patayin ang anak mo!" sigaw ni Tristan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 7 hours ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FM#2: Unexpected Marriage With The Man I hateWhere stories live. Discover now