Langya. 2 months na akong may writer's block dito. 😭 First half lang muna ito. I-upload ko na lang muna para may mabasa muna kayo kahit papaano at baka matagalan pa kung pipilitin kong tapusin ang buong chapter. Pero if matapos ko rin bukas, iu-upload ko rin agad.
Lycan LXXIII: Ang Kondisyon
MASUSUYONG paghaplos sa kaniyang buhok ang unti-unting gumising sa diwa ni Lucien. Napasinghay siya nang maluwag at mas lalong isiniksik ang kaniyang ulo sa mabalahibong unan na pinapatungan ng kaniyang ulo. Nababalot iyon ng isang mabalahibong telang pamilyar ang amoy sa kaniya. Napakunot nga lang ang kaniyang noo sa pagtataka nang bigla umuga ang kanilang sinasakyang.... Hmm? Teka... Sandali nga lang. Sinasakyan? Biglang napatigil ang kamay na masuyong humahaplos sa kaniyang buhok kasabay nang pagbalot ng tensyon sa paligid.
"....maya pa dapat siya magigising." ang na dinig niyang kinakabahang bulong ng isang pamilyar na tinig.
'Calix?' ang naguguluhang tanong ni Lucien sa kaniyang isipan. Akmang imumulat na sana niya ang kaniyang mga mata nang muling nagpatuloy ang masusuyong paghaplos sa kaniyang buhok.
"Shh... Matulog ka lang uli, aking mahal," ang malambing na saad ni Calix sa kaniya kasunod nang pagpapakawala nito ng pheromones nito upang pakalmahin siya. "Malayo-layo pa tayo."
Muli naman siyang nag-relax at unti-unting nakatulog. Sa kasamaang palad, muli siyang nagising dahil sa naramdaman niyang sunod-sunod na pag-uga. Parang narinig pa nga niyang napamura si Calix. Makakatulog na sana siyang muli nang bigla niyang maalala ang mga huling naganap bago siya nawalan ng malay. Mabilis pa sa kidlat siyang paupong napabangon habang narinig naman niyang muling napamura si Calix.
"Lucien-"
Matalim siyang napatingin kay Calix nang marinig niya ito. Kaagad naman itong natigilan sa pagsasalita at napalunok. Nanatili namang blanko ang mukha nito habang nakatingin sa kaniya. Kung hindi lang dahil sa kabadong pagtaas at pagbaba ng Adam's apple nito ay iisipin niyang hindi man lang ito nababahala.
Napatikhim ito. "Mabuti naman at nagising ka na," ang patay-malisyang ani nito.
Tinangka pa siya nitong hapitin sa kaniyang beywang ngunit, marahas lamang niyang iyong tinabil at saka napaismid. Inis siyang napahalukipkip habang mas lalo pang tumalim ang kaniyang mga tingin. Napansin niyang kapwa nila suot ang kanilang mga kapa. Dahan-dahang nagtagis ang kaniyang mga bagang.
"Ibang klase," ang malamig at puno nang pagkadismaya niyang saad. Mas lalo pang sumama ang kaniyang timpla nang mapagtantong nasa loob sila ng karuwahe nito. At sa malamang, patungo sila ngayon sa dati niyang pack kung saan siya nito planong iwanan.
Narinig niyang problemadong napaungol si Calix bago nito muling sinubukang hapitin siya sa kaniyang beywang. Pero bago pa man nito iyon magawa ay mabilis siyang umalis mula sa tabi nito upang lumipat sa kabilang dako ng karuwahe para makalayo mula rito. Sa kasamaang palad, mas bilis pa rin ang mga kamay nito dahil natagpuan na lamang niya ang sariling nakaupo sa kandungan nito. Mahigpit siya nitong niyakap habang nakasubsob ang mukha nito sa kaniyang kanang balikat.
"Lucien... Alam kong tototohanin mo ang iyong mga sinabi kaya ko lamang iyon nagawa," ang nanunuyong saad nito.
"Ah, talaga lang, huh?" ang sarkastiko niyang tugon habang matalim na nakatingin sa kaniyang harapan. "Kaya pala handang-handa ka."
Ramdam niya ang paninigas ng buo nitong katawan ngunit hindi niya iyon pinansin. Masama ang loob niya at hindi makapaniwalang kaya nitong gawin iyon sa kaniya para lamang masunod ang nais nito. Ni ang makita o tignan ito nang matagal ay hindi niya maatim. Bagama't may parte ng utak niya ang nakakaintindi sa rason nito, mas lamang ang parte na ayaw tanggapin ang paliwanag nito. Muling problemadong napaungol si Calix at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya. Muli naman siyang napatiim-bagang. Pilit na sinusubukang kontrolin ang nararamdaman niyang galit.
BINABASA MO ANG
Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)
Paranormal" Nanalo ako. Akin ka na ngayon. " malamig na saad ng lalaking sakal sakal siya at ang sanhi ng kaniyang paghihirap ngayon. " Ako, si Haring Calix Silvestre, tinatanggap at pinipili bilang aking mate si Alpha Lucien Darus. Subalit, dahil sa ginawa n...
