kabanata 3

14 0 0
                                    

Sa plaza lang kami ni Miguelito ngayon, halos bihira na rin kaming lumabas dahil busy sya sa mga pananim nila, siya pala ang nag aasikaso sa family business nila, tuwing nakakauwi naman sya agad ay sasamahan nya ako. Sabi ko nga ay kaya ko naman mag isa pero hindi naman daw sya papayag na aalis akong mag isa. Hindi ko tuloy alam kung kikiligin ako haha.

"Binibini maari bang dumito ka muna may kukunin lang ako banda doon sandaling sandali lamang ako.
Sabay turu nya sa maraming nag uumpulan tao.

"Oo ayos lang ako dito.

Umalis sya agad nyang sabihin ko yon tinignan nya lang ako habang nakikihalubilo sa dami ng mga tao.
Araw kasi ng lingo ngayon kaya karamihan sa mga tao ay nasa labas.

"Juicemio! Marining mo na ba yung kumakalat!

"Alin doon ba?

Rining kong usapan ng mga babaeng hindi kalauyan sakin! Aba kasisimba lang nagmamaritess na agad! Tsk! Ekis yan mga lola!

"Ano kaba! Hindi mo ha napapansin halus iyan ang pinag uusapan lahat! May natagpuan daw bangkay ng isang ginoo malapit sa dalampasigan!.

Noong una ay hindi ko pinapansin ang mga ginang ngunit dahil hindi naman sila malayo sakin ay rining na rining mo sila.

"Sino daw ang lalake?

"Yun na nga! dayo daw ang ginoo wala daw kasing nakakakilala rito.

Sa narining ko iyon ay bigla akong kinabahan. Dali dali ko silang pinuntahn upang tanungin.

"Mawalang galang na pero saan po yung sinasabi nyong natagpuang patay.

"Aa yun aiy sa tabi ng ilog ineng.

"S..saan po banda iyon?

"Hindi naman ganon kalayo pero kailangan mo padin sumakay ng kalesa.

Sa sinabi nyang yun ay agad agad akong humanap ng masasakyan.
Sakto naman na dumadaan ang isang binatilyo sakay ng kabayo. Kahit delikado ay pinarahan ko ito.

"Ohoy!!
Biglang pahinto nya sa kabayo.

"Binibini delikado ang iyong ginawa!

"Patawad ngunit maari moba akong dalhin malapit sa ilog kung saan daw may natagpuan na bangkay.
Tinignan lamang ako ng lalaki na may pagtataka.

"P...pangako magbabayad ako."
Pumayag kana please.
"Pakiusap!" Sabay lahad ng kamay ko na nakikiusap.

"Hindi mo naman kailangan magbayad patungo din ako doon. Halika sumakay ka!"

Inilahad nya ang kamay nya at inalalayan nya mo upang makasakay sa kabayo nya. Napahawak lang ako sa kanyan upang hindi ako mahulog at dali dali na itong pinatakbo.

Nag makarating kami don ay tumalon nako para makababa, narining ko pa syang tinawag nya ko ngunit hindi ko na ito pinansin, dali dali akong tumakbo papunta sa mga nagkukumpulang tao.

Hindi ko ma explain ang nararamdman ko, takot! Matinding takot, ramdam ko din na sobrang bilis ng dibdib ko nangingining ang buo kong katawan. Ganitong ganito ako ng nawala ang mga magulang ko, paano kung sya? Hindi ko alam ang gagawin ko.
Nag makarating ako sa harapan nila ay bumungad sakin ang isang bangkay naka sapin ng tela hindi kita ang muka dahil nakatakip ito ng dahon..
Kahit may takot ako sa mga bangkay gusto ko padin makita ang muka nito para makumpirma ko. Alam kong hindi sya yon! Oo hindi sya.

LUNAWhere stories live. Discover now