Ayokong imulat ang aking mga mata sapagkat natatakot ako. Natatakot ako na baka nga nakabalik nako sa panahong ko, kung saan wala si mama, si kuya, si kambal, at juan. Sa hindi rin malaman dahilan may kirot din sa dibdib ko na hindi man ako nakapag paalam sa mga kaibingan ko, Ni hindi pa kami nakapag ayos ni Maria, nawala ako na hindi man lang nakakahingi ng sorry sa kanila.
Wala akong mararamdan kahit anong ingay kaya dahan dahan ang pagmulat ko, nasa bahay parin ako ang kaibahan lang ay medyo madilim ang bahay ibang iba sa kanina lang na may mga lampara, mga gamit at kung ano pa. Napasilip ako sa taas ng bintana kung saan tumatagos ang liwanang galing sa araw.
Unti unti ang pag upo ko, ngunit laking gulat ko ng maramdaman na may nakahawak sa pulsuhan ko, sobrang kapit nito na animoy ayaw akong pakawalan. Sinipat ko kung sino dahil nga medyo naka gilid pa ako. Hangang sa makita ko nga kung sino ito biglang bumilis ang kaba ko, yung takot ko kanina medyo nawala ng dahil sa kanya.
Dahan dahan ko ang pagtapik sa kanya upang magising sya.
Kita ko naman ang pag galaw ng mga talukap ng mata at dahan dahan nga ang pagmulat nito, Ng mapansin nya ako ay agad syang umupo."A-ano ang nangyare?" Ani nya at parang nag-iisip kung bakit nga kami nandito sa sahig. Ilang segundo ang kanyang pagkatulala at ilang saglit nga ay tinitigan ako at halatang gulat sa expression ng muka nya. Madali syang naglibot ng paningin.
"Nasaan sila, Ano ang liwanang na bumalot sa atin Luna?" Tumayo ito tsaka ako inalalayan upang maka tayo rin.
Sigurado akong portal ang humigop samin kung saan man ako ngayon. Pero dahil kasama ko sya ay medyo nag-aalanganin parin ako kaya madali akong lumakad palabas upang tignan ko kung talagang nakabalik nako. Pag bukas ko palang ay alam kona, dahil hindi ganoon karami ang puno, hindi ganon kalawak ang bakuran, may mga iilang din tricycle ang dumadaan tanging ang bahay lamang ang bakas ng sinaunang panahon. At ang lahat ay nasa moderna na nga.
"L-luna." Alam kong nagtataka rin sya sa mga nangyayare, ako rin naman dahil narito sya sa tabi ko. At pinagtataka ko bakit nakabalik ako ngayon rito, Ano ang dahilan, bakit biglaan?
"H-hindi ko na rin alam pero isa lang ang nakakasiguro ko." Hinuli ko ang kanyang tingin at sinabi sa kanya na. "M-mukang nakabalik nako sa panahon ko, at n-nasama kita Manuelito."
Siguro ay sa kanya ang kamay na naramdam ko kanina ng bago ako mahila. Pero bakit sya?
"L-luna n-naguguluhan ako, baka naman sa taas lamang sila halikat atin silang tawagin." Hinayaan ko syang pumasok ulit sa loob. Tumingin sya sa ano mang silid sa baba ng wala syang mahanap na anong bakas ng mga kasama namin ay pumunta ito sa taas tsaka ko na sya sinundan bawat pasok nito sa kwarto ay wala ng makita at bakas sa kanyan na naguguluhan hangang sa huling silid ang pinasukan nya. Ang silid ni maria, ilang segundo nitong pag matyang at nakita nya ang larawan ni maria sa loob. Mas lalo syang nagulahan dahil alam nya na sobrang luma ng larawan. Hindi ko sya masisisi dahil ganyan din ako ng makapunta ako sa panahon nila. Kita ko ang pagtampal nya sa sarili na parang pilit na ginigising ito. Nakailang sampal pa ito at tsaka kona nilapitan.
"Manuelito." Sabay hawak ko sa kamay nya upang hindi na nya masaktan ang sarili nya.
"Luna naguguluhan ako." Wika pa nito tinaguan ko lang sya upang sabihin na alam ko.
"Hm! Ako rin naman pero wag kang Mag-alala gagawa ako ng paraan para makabalik ka-tayo."
Kailangan kong hanapin ang matanda na nakakausap namin dalawa ni bal, na syang may alam ng lahat pero saan? Saan ko sya hahanapin na kahit pangalan lang ay hindi ko alam sa kanyan. Hangang sa maalala kong sa kanya pala ang bahay nato baka nandito lang sya okaya naman sa malapit.
"Tara kailangan natin hanapin si lola." Hindi ko na sya hinintay sumagot dahil hangang ngayon ay alam kong lutang parin sya at hindi makapaniwala sa nangyayare. Hinawakan ko ang pulsuhan nya tsaka kona hinila upang makalabas nga kami.
YOU ARE READING
LUNA
Historical FictionIha! Hindi ka dapat nandito! Bakit ka sumunod? Tanong ng matandang babae sakin, aba malay ko ba? Sinundan ko lang ang matalik kung kaibigan, ang kambal ko then eto na pagka gising ko nasa year 1881 nako! Kung hindi dapat ako nandito, e anong gag...