kabanata 52

27 1 1
                                    

Hindi ko alam kung pano nasabi ni kuya kay uno na kailangan namin kausapin ang lola nya. Dahil hangang ngayon ay shock parin ako dahil nga kamuka nya si juan like what the f*ck!!! How!? Hindi kaya ninuno nya si juan? Pero pwedi bang mangyare ang bagay na yon na as in magkamuka? Para silang pinag biyak na bunga medyo maputi lang itong si uno tsaka mas malaki ang katawan ni juan sa kanya. Ow!! other thing... The name! Juan and uno!? Hindi ako sure kung name talaga nya yung uno pero sa dami ng pangalan bakit uno?  Para silang kambal aah! Sh*t what is happening!??

"Hey! Narining mo Luna? Sa batangas daw yung lola nya!" Tapik ni kuya cloud sa balikan ko dahilan para makabalik ako sa kahibangan ko.

"Y-yeah kuya hm i think kunin nalang natin yung address? Para ako nalang mismo ang pupunta ron?"
Hindi ko rin napansin na narito kami sa convenience store. Rining ko lang na break nito kaya naka labas din sya.

Pansin ko rin si Manuelito na nakamasid kay uno. Nagtataka rin to malamang.

"Wala naman akong schedule bukas and the next day kaya  I'll go with you."

"No need naman kuya kasama ko si Manuelito tsaka alam kong busy ka."

"Kasasabi ko lang wala akong gagawin!" Madiing sabi nya kaya tumango nalang ako.

"Kung importante po talaga ang sadya nyo kay lola pwedi ko po kayong samahan." Medyo kaboses nya din si juan. Mas maganda lang yung kay juan.

"A-ayos lang ba? Paano yung work mo?"

"Mag f-file naman po ako ng leave and matagal ko na rin po kasing hindi napapasyalan si lola." Ngiti nito sakin kaya hindi maiwasan tumitig sa kanya. Isa pang pagkaka iba palangi itong nakangiti si juan laging seryoso at bihirang ngumiti.

"S-sige. Kung ganon bukas ba?"

" pwedi po bang mga ala sais na ng gabe? Papasukin ko lang po kasi yung trabaho ko sa umaga." Ang sipag nya pero nakakatulog pa ba sya?

"Pwedi naman, I-text mo nalang yung adress mo we will pick up you."

"Sige po s-salamat."

Bumalik kami sa loob para puntahan ulit ang mga kaibingan namin at nag-inuman nga ulit. Kung anong bihara kong pagtagay ay kabaligtaran ng dalawa. Para silang nagpapalakasan sa alak, alam ko naman na ngayon lang nakatimik si Manuelito ng ganito pero parang sobra naman ginawang tubig yung alak!

"Huy hinay hinay sa pag inom." Bulong ko sa kanya.

Tumango lang ito sakin at ngumiti na nakalabas ang mga ngipin. Tss! Lasing na, kitang kita ang pagka pula nga muka nya. Tinamaan na ng alak! Ganon din si kuya dahil ayun nagsasa sayaw na kasama ang ilan namin kaibingan, gusto ko rin naman maki sayaw sa gitna dahil namiss ko ang pag party, pero hindi ko maiwan si Manuelito dito.

"Andaming pagkakataon noon na ayayain sana kitang maisayaw ngunit lagi kana lamang nawawala sa aking paningin. Ngunit ngayon nasa tabi ay mukang hindi ko rin magawa sapagkat iyo naman pag masdan parang hindi kanais nais ang kanilang mga galawan." Natawa ito ng may pait sa mga sinabi nya. Para syang batang na nagtatampo dahil nga sa mga nakikita nya ngayon.
Kaya natawa narin ako sa inasal nya.

"Ano kaba! na sayo naman kung gagalaw kang katulad nila."

"Akoy hindi mahusay sa mga ganyang sayawan."

"Edi turuan kita! Sumabay ka lang sa dugdugan!" Sabay hila ko at lumapit sa pwesto nila kuya na ngayon ay may kasayaw ng babae.

Sumayaw kami ng parang walang problemang pinagdadaanan. Nag enjoy kami ng walang iniisip kung makakabalik ba pa kami sa panahon kung saan nandon ang pamilya namin. selfish ba kung kahit ngayon lang ay wala kaming ibang inisip ng ibang tao at ang tanging pagsasaya lang ang nasa isip namin? Deserve ba namin to? Kung alam namin na may nag-aalala samin kung makakasama pa ba namin sila?
Ngayon lang naman to! Kahit ngayon lang.

LUNAWhere stories live. Discover now