Halos maghapon ang naging byahi namin ng makarating kami sa isang bahay. Kanina pa ako nagmamaka-awa sa kanya na iuwi na ako pero parang syang walang naririning halos lumuhod ako sa harapan nya pero umaalis lang ito.
"Ikay kumain na Luna." Hapag nya sa dalang tray dito sa kwarto.
Hindi ko sya kinibuan pero lumapit lang ito sa sakin.
"Ako ang nagluto ito kaya kumain kana." Napatingin ako sa dalang ulam nya mukang menudo. Madalas na lutuin nya ng lagi kaming magkasama o minsan naman ay ipinapadala nya.
"Pakiusap. Huwag mo naman akong pahirapan sa ganitong sitwasyon nais lamang kitang pakainin sapagkat maghapon kang hindi kumain."
"Sa tingin mo hindi ako nahihirapan? Kanina kopa sinasabi na gustong gusto kong umuwi pero hindi mo man ako pinapakingan."
Bigla nanaman itong natahimik at parang walang balak magsalita."Dyan ka naman magaling sa walang kibo. Ano ba talagang balak mo? Kung pag-uusap lang Manuelito ay dapat kanina pa." Tuluyan akong humarap sa kanya. Pero ganon parin ang muka nya. Ni hindi ko na talaga sya makikila dahil sa pinapakita nya sakin ngayon.
"Kumain ka ngayon at pagkatapos ay mag-uusap tayo."
"Pano ako makaka sigurado?"
"P-pangako."
Kailan ba sya tumupad sa pangako nya? Kung pag uusap lang naman talaga ay wala na akong paki alam don. Gusto ko nalang talagang umuwi. Kailangan kong makatakas dito dahil sa totoo lang ay natatakot nako kung ano man ang binabalak nya. Pero sa ngayon kakain na muna ako. Kanina ko pa rin kasi nararamdaman ang gutom. Paano ako tatakas kung wala akong lakas dba.
"Hindi na ako naniniwala sa pangako mo. Pero kakain ako. At ang gusto ko lang ay makauwi na."
Nagsimula na akong kumain ng hindi parin sya umalis sa kwarto. Alam kong nakatitig sya sakin. Ganito din yung dati tuwing kumakain kami tapos itatanong nya kung kumusta ang kaniyang niluto.
"Hindi ako makakakain ng maayos kung nakatitig ka." Walang gana kong sabi at patuloy lang sa pagkain.
"Kung ganon ay lalabas nalang muna ako."
Nang nakalabas ito ay tsaka na ulit tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Bakit Manuelito?" Bulong ko. Ang totoo nyan gusto ko rin syang makausap. Gusto ko syang kumustuhin andami kong tanong sa kanya. Mahal nya ba talaga si teresita? Bakit nya ginagawa to? Kung hindi kaya ako sinaktan noon ni doña crisa. Kami kaya hangang ngayon?
Para akong baliw
Ano ba tong naiisip ko? May juan nako. Mahal ko sya. At papakasalan ko sya."Bakit hindi mo inubos ang pagkain hindi ba masarap?"
Hindi ko sya kinikibuan dahil hinihintay ko lang ang gusto nyang pag-usapan namin.
"Hindi mo rin kinain ang manga. Hindi bat iyong gusto ito?"
Patuloy lang nya habang nililikpit ang kinainan ko.
Gutom na gutom nga ako kanina pero hindi ko man nahati ang pagkain. Siguro dahil narin sa kakaisip.Nangtangkang lalabas na ito dala ang pinagkainan ko ay tsaka nako nagsalita.
"Kung wala ka talagang balak magsalita tungkol sa ano mang sadya mo sakin ay uuwi na ako."
Napahinto ito pero hindi man humarap. Kaya tumayo na ako upang makalabas ano mang oras. Kung hindi nya ako papauwiin ay maglalaban ako. Bahala na basta makauwi ako ngayon din.
Hinihintay ko syang lumabas pero hangang ngayon ay hindi ito gumagalaw sa kinatatayuan nya. Hangang sa unti unti itong humarap at ibinalik ang tray sa mesa.

BINABASA MO ANG
LUNA
Fiction HistoriqueIha! Hindi ka dapat nandito! Bakit ka sumunod? Tanong ng matandang babae sakin, aba malay ko ba? Sinundan ko lang ang matalik kung kaibigan, ang kambal ko then eto na pagka gising ko nasa year 1881 nako! Kung hindi dapat ako nandito, e anong gag...