kabanata 22

26 1 0
                                    

"ibig sabihin hindi tayo magkasama sa pasko?"

"Parang ganon na nga bal."

Ilan araw na nga lang kasi ay pasko na. Pero doon yata sa maynila lahat sila magpapasko dahil nga inimbitahan daw sila ng gobernador heneral.

Naikwento na lahat sakin ni bal. About kay maria sa pagtangkang pumatay sa kanya. Buti nalang daw e kasama nya eto noon at madali nyang  nailangan ang itak na ipapalo sana kay maria. Nakakulong na daw ang gumawa pero walang sinasabi kong ano ang motibo nito. Dahil sa nangyari ay nagdesisyon daw ang mga magulang nito na pag aralin ulit si maria sa kumbento na nasa bulacan, sakto naman na may nabiling lupa si Don mario roon at si kambal ang mag aasikoso rito.

"Paano pala ang bahay?"

"Inabilin ko kay Manuelito." Bigla naman kumalabog ang puso ng marining ko ang pangalan nya. Ganon nga siguro ang epekto sakin nito na kahit pangalan lang nya ay kinakabahan ako.

"K-kumusta na sya? Alam na din ba nya kung sino ang gumawa sakin nito?"

"Hmm maayos naman sya. Nagpupumilit ngang maiwan rito ngunit hindi naman pumayag ang ama nito dahil nga importante ang dadaluhin namin. At hindi nya pa alam bal, nag iisip pa ako kung pano ko sasabihin sa kanya ng hindi sya mabibigla. Baka kasi gumawa agad ng aksyon. Miss na miss kana rin ng taong yun dahil laging tinatanong kung saan kaba talaga namamalagi kahit lang daw sa sulat ay gusto nyang magpadala pero hindi ko sinabi dahil nga mahirap na baka hindi ka nya matiis at sundan ka rito."

Miss ko na rin naman sya, miss na miss.

"Pero wag kang mag alala, magkikita rin naman nyan kayo."

Tumango lang ako sa kanya.

"Pano ba yan kailangan ko ng umalis?" Bakit ang lungkot ng dating? Huhu.

"M-mamimiss kita."

"Ikaw rin naman, wag mo sanang isipan na hindi ka nag iisa bal. Uunahin ko lang ang misyon ko. Babalik tayo sa panahon natin ha."

Tumango lang ako dahil hindi ako makapagsalita, nag uumpisa nanaman kasing tumulo ang luha ko.

"Wag kang umiyak, dadalawin naman kita rito. Mas ayos na rito ka muna. Wag ka munang bumalik sa bahay natin hangat hindi pa namin na aayos ni Manuelito ang problema. Pwedi mo bang ipangako na mag iingat ka lagi rito?"

"P-promise. K-kayo rin. At p-pwedi bang ikamusta moko sa kanila? Pakisabi na rin kay Manuelito na miss na miss na miss ko na sya." Tuloy sa pagsalita ko habang umiiyak.

Yumakap lang ito ng mahigpit at hinalikan ako sa ulo.

"Sasabihin ko."

"Ginoo, tulad ng sinabi ko, ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko sa aking kapatid kaya paki usap. Alagaan mo sana sya tatanawin kong malaking utang na loob ito pangako kapag ikaw ang nangaylangan ng tulog ay hindi ako magdadawang isip na tulungan ka."

Tuluyan na ngang umalis si kambal. Bakit parang ang sakit? Akala ko kasi anytime na uuwi ako sa bahay e madadatnan ko sya. Yun pala hindi dahil nga lalayo sya. At walang kasiguraduhan kung kailan sya babalik. At wala kaming alam kung ano pa ang pweding mangyare samin dito.






"Binibini, nais mo bang itimpla kita ng kape?" Tumango ako sa tanong nya.

Umaga na pero yung utak ko ay nandon parin sa pinag usapan namin ni kambal. Ni hindi ko nga alam kung paano kami nakauwi. Dahil nga iyak lang ang nagawa ko kagabe. Hindi ko kasi naisip na kailangan nyang lumayo para sa misyon nya rito.

Nasa labasan lang kami habang nagkakape. Walang umiimik sa amin, hindi ko sure kung narining nya ang pinag usapan namin ni kambal kagabe dahil nga wala naman itong tinatanong.

LUNAWhere stories live. Discover now