kabanata 42

23 0 1
                                    

"Ate hindi naman kailangan pero maraming salamat rito." Ngiting bigkas ko ng abutin ko ang isang basket ng mga prutas kay ate julia si kambal naman ay iba pang dala nila.

Ganito ba mamanhikan? Andaming pagkain shemey bat kinikilig ako hehe.

"Ano kaba Luna. Kulang pa nga ang mga iyan pagpasensyahan nyo na ang aming mga dala. Biglaan kasi ang balak namin ay sa susunod na buwan pa ngunit hindi na maaring patagalin."

"Hindi nyo naman ho kailangan mag abala pa binibini. Ibibigay ko naman po si kambal kay ginoong juan."

La! Parang tanga talaga to.

"Baliw!" Sabay batok ko sa kanya pero tumawa lang sina ate julia at kuya Carlo si juan todo ngiti, tss baliw rin pero mahal ko.

"Kayo talagang magkapatid ay kakaiba haha. Sadyang nakakatuwa kayo."

Sa loob namin napiling kumain lahat sabay kwentuhan narin. Kasama nila sina Samuel at felipe. Hindi ko lang sure kung alam nilang preggy ako pero parang hindi naman.
Bukod sa prutas ay may dala rin silang ulam at mga kakain. Sobra sobra to samin baka hangang bukas ay pwedi pa to. Makatabi nga mamaya hehe.

"Magandang araw sa inyo. Ako bay huli na?" Pasok ni joselito sa loob at dumiretso sa aming dito sa kainan.

"Hindi naman kararating lang nila. Halika na umupo kana."

"Puamanhin kung ngayon lamang ako may nakisabay kasi sa akin."

"Magandang araw ho!" Pasok naman ni Marco at kasunod si Miguelito.

"Huu? Bat nandito kayo? Pamamanhikan to hindi naman boodle fight!" Sita ko sa kanila.

"Hala sya oh Miguelito ikaw kasi ay sinabihan mo nang mataba kaya hindi ka nya nais pumarito."

Si marco sabay upo malapit kay kambal. Kapal ng face hindi ko naman pinapaubo.

"Alam naman ni Luna na akoy nagbibiro noon at isa pa hindi naman mataba si luna maganda ang kanyang pangangatawan parang ang kambal nya."

"Ano? Sinasabi mo bang parang lalaki ang pangangatawan ko?"

"Oh sayo nagmula luna hindi sa akin hahaha."

"Huwag na kayong mag away nasa harapan tayo ng pagkain." Pagbabawal sa amin ni ate julia.

"Mamaya ka sakin." Pagbabanta ko may Miguelito.

"Halika ka rin ginoo sumali kana sa amin. Paumanhin kung ito lang ang aming nadala."

"Maraming salamat po binibini. Hindi lang ho panglabas ang inyong taglay na kagandahan pati narin ho ang inyong kalooban."
Aba! Nambola pa ang sira.

Natawa lang si ate julia sa kanya. At nagpatuloy lang ang aming kainan.

"Mahal. Mas damihan mo ang gulay at prutas para sa inyong dalawa ng anak natin." Bulong sakin ni Juan.

"Busog nako mahal." Bulong ko rin sa kanya.

"Kayo ho ang nagluto ng mga to binibini? Sobrang sarap ho."

Si marco naman ngayon ang nambola.

"Sadya ba? Maraming salamat naman at inyong nagustuhan."

"Masarap nga ho. Ngunit maari po bang pakitiruan si Luna? Akoy naawa kay ginoong juan sapagkat pagsilay kinasal. Baka hindi na nya malaman ang tunay na pagkain hahaha!"

Rining kong paghalakhak nilang apat e sino pa ba? Si marco, Miguelito, Jose at kambal. Nakaka inis kanina pa nila ako pinag t-tripan huhu.

"Ang sama nyo! Pag ako gumaling sa pagluto hindi hindi ko kayo patitikman."

LUNAWhere stories live. Discover now