kabanata 44

41 2 2
                                    

"bal." Katok ko sa kwarto nya.

Agad naman nya itong binuksan ng marining nya ako.

"Oh? Pasok ka! Dito na matutulog?"
Kita nya kasi ang dala kong unan at alam na nya ang reason ko.

Tumango lang ako at inalalayan nga ako para maka higa na.

After ng nanyare kanina ay hindi ito nagtanong. Iniuwi nya lang ako dahil baka nga ma stress pa ako ron at makasama ulit sa pagbubuntis ko.

Parehas kaming nakahiga at nakatingin lang sa kisame.

"Bal."

"Hm? Sige lang magsabi kalang sakin bal."

"N-nakakatakot si manuelito kanina."

"Magkwento ka." Humarap ito sakin at pinaunan ang braso nya.

Ako naman ay nagkwento lang tungkol sa nangyare kanina. Mula sa pag uusap namin ni Manuelito hangang sa makapasok din si doña crisa. Detalyado ang pagkaka kwento ko sa kanya. Parang lahat gusto kong sabihin sa kanya. Napunta rin ang kwento ng gabing huling pag uusap namin ni Manuelito at tulad nga kanina lahat ikinuwento ko sa kanya.

"Kung ako rin ang nasa posisyon ni Manuelito siguru nababaliw ako."

"Huh?"

"Imagine bal yung taon mahal mo e may nobyo ng iba tapos ng ikakasal na. Then ako ay kasal sa iba dahil napikot lang. Dba ang hirap kayo non."

"Nandon na tayo bal, pero wala e! Huli na talaga para aamin."

"Pero yung kanina, naiintindihan ko rin kung bakit nya ginawa ang bagay na yon. Siguro napuno sya at sabi mo nga dba basta ka nalang sinampal ni tita crisa."

"Pero hindi naman nya dapat sinaktan yung tao."

"Intindihan mo nalang sya, at sa susunod pagsabihin mo na wag na ulitin."

Huminga nalang ako ng malalim at pumikit.

"Bal, may alam ba si juan tungkol sa atin pinangalingan?"

"Wala akong nabangit sa kanya. A-ayoko kasing mag-isip sya na baka maiwan ko sya rito."

"Sabagay gets kita. Hindi rin alam ni maria."

"A-ano ba talagang misyon mo rito at bakit hangang ngayon ay parang walang nangyayare."

"Sobra ka naman haha."

"Ano nga?"

"May process naman, at sa tingin ko malapit na kaya bal mag ready ka baka malapit na tayong makauwi."

Hindi agad ako nakasagot sa sinabi nya bigla kasi akong kinabahan. Paano si juan? Buntis ako at ayoko naman lumaki ang anak ko ng walang ama.

"P-pero bal paano ako? Paano si juan at si maria?"

"H-hindi ko ka rin alam bal. A-ayoko rito masyadong magulo. Pero H-hindi ko rin kayang iwan si Maria pero anong magagawa natin kung hindi tayo nabibilang rito? Iba tayo sa kanila bal"

"P-pero tignan mo si doña crisa nakaya nyang mag stay rito ng matagal b-baka naman pweding iwan mo nalang ako rito."

"Hindi naman ako papayag na maiwan ka. Sasama ka sakin pabalik at sina mama ang mag-aalaga sayo. Nandon din si kuya cloud mas maaalagaan ka non."

"Kaya rin naman akong alagaan ni juan rito, doon nalang kami sa bundok sanay narin ako ron at mas tahimik doon kasya rito."

Ayokong iwas si juan ayoko rin syang masaktan kaya wala akong balak magsabi sa kanya na galing kami sa hinaharap.

LUNAWhere stories live. Discover now