"aalis ako ha."
Paalam ko kay juan. Nasa labasan sya ngayon mukang may inaayos na mga halaman.
"Saan ka tutungo?"
"Sa sta.cruz sana. May dadalawin lang ako."
Dadalawin ko kasi si flora, tsaka nagbabalak akong maghanap na pweding iregalo sa mga kaibingan ko, magpapasko na kasi bukas. Baka ayusin ko rin itong bahay ang alam ko kasi ay mga gamit na pang party sa bahay check mo kung anong pwedi. Kaya uuwi rin ako ron, buti nalang binigyan ako ng susi ni kambal. Bale dalawa lang to, kay Manuelito daw yung isa.
"Hintayin mo akong matapos rito, sasamahan kita."
"Hindi kaba abala ngayon araw? Kaya ko naman mag-isa"
Hindi ito umiimik at nagpatuloy lang sa ginagawa, ilan sandali pa ay tumayo na ay nag paalam na maliligo muna daw.
"Gusto mo ako muna mag maneho kay daks?" Kumunot naman ang kilay nito.
"Ako na binibini, ano ang silbi ng pagiging ginoo ko kung hahayaan kita?"
Hmm anong connect? Bahala nga sya.
"Sakay na." Inilahad nito ang kamay para alalayan akong makasakay.
"Anong gusto mong ihanda natin mamaya sa Noche Buena?"
Hindi naman kasi mabilis ang takbo namin kaya napatanong nalang ako."Ang ibig mo bang sabihin ay ang disperas ng pasko?" Tumango ako rito, alam ko naman kita nya yon dahil nasa harapan nya ako.
"Kailangan ba iyon? E masyado nang gabi yun."
"Hindi ba kayo kumakain ng sabay ng ate mo sa tuwing alas dose ng gabe?"
"Tulad nga ng aking binangit binibini ay masyado gabi iyon, malamang ay tulog na ako at ganoon rin sila."
Nagbabalak pa naman akong bumili ng pweding ihanda namin mamaya ay mag ayos ng kaonte sa bahay. Hindi naman pala sila nga cecelebrate ng noche buena. Kung sa bahay nyan abala na si tita marie sa pagluluto kasama si kuya cloud kami naman ni bal sa pag aayos. Sure na may naka balot narin regalo para sa mga bata na mamasko sa amin.
"E b-bukas, ano ang inyong ginagawa sa araw ng pasko?"
"Noon ay nagsisimba kaming buong pamilya, ngunit ngayon ay bihira nalang akong makapag simba."
Ako rin pala, ni hindi man ako nakasimba kahit isa noong simbang gabi, patawad po panginoon.
"Nais mo bang mag simba bukas?"
Mabilis naman akong tumango rito."Kung ganoon ay ihahatid kita para makapag simba ka."
"Ha? Hindi moko sasamahan?"
"W-wala kasing akong masuot na damit, halos butas ang mga kasuotan ko nakakahiya sa panginoon humarap ng ganito ang itsura."
"Ano kaba! Naririning nya tayo ngayon sa tingin mo natutuwa sya sa sanabi mo? Walang problema sa ating diyos kung ano man ang isuot mo-natin. Pero kung iyan ang problema mo akong bahala sa iyo."
"Paumanhin."
"Hmm ginoo. Hindi mo ba talaga gustong maghanda mamaya?"
"Nais mo ba?"
"Oo sana."
"Kung iyan ang iyong nais ay maari naman."
"Talaga? Salamat!
Maaga pa naman kaya okay lang na mamili muna, parang alam ko narin ang ibibigay ko sa kanila.
"Nay violina." Tawag ko nag pagpasok ko sa tindahan nya. Agad naman napatingin ito na halatang gulat.
YOU ARE READING
LUNA
Historical FictionIha! Hindi ka dapat nandito! Bakit ka sumunod? Tanong ng matandang babae sakin, aba malay ko ba? Sinundan ko lang ang matalik kung kaibigan, ang kambal ko then eto na pagka gising ko nasa year 1881 nako! Kung hindi dapat ako nandito, e anong gag...