kabanata 35

37 2 1
                                    

"Salamat Mahal." Bulong sakin ni juan ng tumabi ito sa upuan.
Parang sya si ate julia at kuya carlo. Kanina pa sila nagpapasalamat sa amin ni bal dahil naging masaya ang kaarawan ni Tala. Naging successful ang plano namin ni bal sa mga palaro at may paandar pa ito. Kaya pala nagsuot kami ng custom ay nagpraktice daw sila para sa isang kwento haha. Naging artista ng hindi oras buti madali lang hehe. Tungkol sa mga magkakaibingan ang kwento.

Bukod din sa mga bata na naglaro ay sumali rin ang mga isip bata.  mga kaibingan ko lang naman silang lahat pwera kay Maria at Flora. Ibat ibang klasi ang palaro na ginawa namin ni bal. Yung normal ba tuwing nay birthday na bata haha.

"Kanina kapa nagpapasalamat mahal. Sabi ko sa iyo hindi ba wala iyon, masaya ako dahil nagustuhan nyo ang hinanda namin." Ngiti ko sa kanya.

"Mamaya na siguro ang lambingan? Inum muna?" Sabay lapag ni Joselito ng mga alak na dala nya. Hala favorite ko to.

"Bakit yan ang dinala mo? Alam mo naman na gusto yan ni bal." Si kambal sabay upo malapit samin.
Nag siupo narin ang iba pati mga kaibingan ni juan. Bale isang palibot nalamang kami.

"Iyan nalamang kasi ang natira sa bahay baka bukas pa ang dating ng iba."

"Tignan mo nga ang mata ni bal parang nang ningning ng makita to haha! Sorry bal bawal ka."

"Huu? Bakit naman? Dba kakasabi mo lang na alam mong gusto ko yan? Edi iinum ako"

"Baka nakakalimutan mo ang nangyari ng huling uminom ka nito?"
Hala parang tanga to. Wala naman nangyare non ha. Nakuha ko ngang umuwi mula sa birthday ni Doña crisa at tanda ko pa ang lahat ng nangyare.

"Muka ngang hindi nya maalala kidlat haha! Ako kaya paano ko makakalimutan yon? Para akong nasusuka tuwing nasasagi sa aking kaisipan haha."

"Para kayong tanga anong pinagsasabi nyo?"

"Oo nga naman tan. Hindi bat hindi naman nalasing si Luna noong kaarawan ni doña crisa?"

"Tama si Maria ang alam ko ay nauna pang nalasing si Miguelito noon haha." Singit ni marco habang tumatawa.

"Hindi pa natapos ang gabing yon ng dalhin ko ang mga alak sa bahay nila, bilang bayad nga daw sa pag handog nya ng awitin. Ang usapan ay kaming apat ang mag iinum ngunit nagkulong si Luna sa kanyan silid bitbit ang limang Bote nito hahaha! Ka ayun nalasing sya sobrang lasing na lasing."

Shit! Oo nga pala pero alam ko tatlo lang yun ha! Gagi.

"Anong nangyare sa kanya?" Curious na tanong ni Flora.

Nagtawanan naman ang dalawang baliw.

"Para sya..."

"WAg!" Bulyaw ko sabay palo ko sa mesa. Sira ulong bal to ikekwento pa talaga ako.

Lalo tuloy ngtawanan ang dalawa.

"W-wala akong ginawa natulog lang ako non. Wag nyo nag itanong. Tsaka sinungaling ang mga to tatlong bote lang yun hindi lima."

"Huu? Nakalimutan mu narin bal? Bumalik ka sala, kumuha ka ulit ng alak ng hindi mo kami pinapansin" parang bumabalik sakin yun ha? Tapos... Tapos nga sexy dance ako sa harap nila? Waaaaah nakakahiya.

"Pero may ginawa sya hindi ba kidlat."

"Oo jose hahahahah! Nakakasuka."

"Bakit nakakasuka? Para naman yatang sobra naman ang kwento nyo." Si marco naman ngayon.

"Subukan nyo pang magsalita kayong dalawa bubusalan ko yang bibig nyo!"

"Whahahaha! Mukang na alala na nya jose!" Halakhak ni bal.

LUNAWhere stories live. Discover now