kabanata 7

69 1 0
                                    

Sa tambayan nakami kumain dahil hindi naman kami kasya sa mesa sa loob, hangang apat lang yata yun.

Buti marami pang sobra sa binila at meron pang nauwi ang mga bata para mamayang gabe. Pinauwi ko na rin sila after namin kumain.

Mag aalas kwatro na nga ng hapon pero nakatambay padin kami rito.

"Kumusta na nga pala si maria? Pwedi ba akong mamasyal bukas don sa inyo na mimiss ko na sya."

"Na mimis?" Tanong ni roberto.

"Ang ibig ko sabihin ay .... ano bang kasi tagalog non Manuelito?"

"Nangungulila."

"Oo yon! Nangungulila nako sa kanyan nais ko na syang makasama."

Tumang naman sila na parang sumasang ayon.

"Paumanhin binibini ngunit kahit ikay pumunta sa bahay ay hindi mo rin madadatnan si maria roon."

"Bakit marco umalis ba sya?"

"Siyang tunay, nasa bulacan na siguro sila ngayon dahil kahapon pa sila bumyahe patungo roon. At kaya nga ako nandito ay itatanong ko sa aking kuya kung makakasunod ba kami."

Tinignan ko naman si manuelito na para itanong sa kanyan kung bakit hindi nya sinabi sakin pero nakayuko lang ito na sa mesa.

"Ganon ba hehe hindi ko kasi alam, sa totoo nyan ay bulacan din yata nagpunta si kambal."

"Dinadayo kasi talaga ang kafiestahan roon binibini, at may kamag anak din kami doon, kaya taon taon ay nagsasama sama ang buong agkat ng mercado para makisaya."

Aah parang reunion.

"Kung ganon ay bakit narito pa kayo?" 

"Bukas pa naman umaga ang biyahe namin, at hinihintay ko pa ang kapatid ko pero para yatang ako lang ang susunod kanila don."

"Ikaw lang ba marco, bakit hindi sasama si Manuelito?
Tanong ni Roberto.

"Nakakapagtaka naman, samantalang dati rati ay sya pa ang unang umaalis sa inyo patungo roon, kaya pala ay may kina babaliwang binibini doon hahaha."

"Oo nga, naalala kopa noon na nagpasama sya sa atin upang makipag kita sa isang binibini hahaha."

ah may naging jowa pala sya don. Bakit ayaw nyang sumama ngayon?

"Naging mag nobyo ba ka...

"Aiy palaka ka!! Ano ba bat hiling mong manuntok nang lamesa, nakakagulat ka kaya!" Singhal ko sa kanya, nakakagulat naman kasi talaga sya, mukang na beast mode miss siguro si ex. Hindi tuluy natapos ni florencio ang sasabihin sayang gusto ko din sanang malaman.

"Kayo'y tumayo na diyan at ihahatid ko na kayo sa labas!"

Pagkasabi non ay dumiretso lang ito pantungo sa labas.

Nagtinginan naman ang dalawa na parang tinatanong kong anong nagyare at humarap pa sakin, tinaas ko lang ang dalawang balikat para sabihing abay malay ko!

"Kami'y aalis na binibini, maraming salamat sa iyo."

"Cge ingat bye!" Sabay kaway ko sa kanila.

Ilan minuto pa ang lumipas ngunit hindi pa din nakakabalik si Manuelito. Baka sumama na pauwi tsk hindi man lang nagpaalam sakin.

Kaya naisipan kong pumasok upang hugasan ang mga pinagkainan namin kanina at makapaglinis narin.

Medyo madilim narin pala ng natapos ko ang lahat ng gawain. Kaya nasipan ko nalang maligo ulit at makapag palit ng damit, hirap talagang kumilos kapag nakasaya. Kaya kumuha lang ako ng pajama at tshirts ni bal.
"Bat sya maraming dalang damit? Alam ba nya mapupunta kami rito?"

LUNAWhere stories live. Discover now