"Maari mo na silang papasukin anak. At pagkatapos ay iyo ulit syang ikuha ng gamot na pinakuluaan ko." Sabi ng ina ni flora ng matapos akong hilutin at tinulungan sa pagbihis.
"Opo ina."
Sabay labas ni flora. Buti nalang ay may alam sya sa mga ganito bagay. Nagpapa anak pa talaga sya. Mabilis silang makarating rito ng sunduin sya ni joselito kanina.
Nagulat pa nga si flora kanina. Mas lalo naman ang apat. Kita ko ang pagkatarata nilang lahat kanina. Buti handa si bal.
Si juan naman todo sorry dahil nga daw sa nangyare.
Si joselito? Ayun gulat din kung hindi lang sinampal ni Manuelito ay hindi ito makaka galaw ay hindi matatawag agad ang ina ni Flora.
Si Manuelito naman? Nakamasid lang sakin. Hindi ko kita ang paghuhusga sa kanyan tingin bangkus ay humihingi rin ito ng sorry.Iyak lang ako iyak kanina dahil nga sa pagdurugo. Buti nalang ay nahinto ito. May pinainom sya sakin, kahit hindi ko gusto ko ang lasa ay pinilit ko para nga daw kumapit ang bata. At oo tama ang hinala ko buntis ako. Magkaka anak na kami ni Juan.
"Base sa aking nakikita Ay magdadalawang lingo palang ang iyong pinagbubuntis. Kaya kung maari ay mag-iingat ka."
"Pano pong pag-iingat?" Kumunot naman ang noo ko sa tanong ni bal.
Natawa ang nanay ni flora at tumingin din sa kanya.
"Hindi sya maaring magtrabaho kahit sa bahay lamang. Hindi rin sya maaring magbuhat ng mabibigat kung wala naman syang gagawin ay mahiga nalamang sya. Dugo pa lamang ang nasa sinapupunan nya. Kung mangyare ulit ito ay maaring tuluyan syang mahulog."
Tamihik kaming lahat at nakikining lamang sa sinasabi ng babae.
"Ikaw bay maraming gawain? Marahil sa pagod iyan. maari din sa sobrang pag-iisip mo. Huwag kana munang mag isip ng kung ano anong bagay iha. Nakakasama rin ito sa pagbubuntis mo."
"O-opo."
"O paano. Mauna nakami? Iyong inumin ito bago ka matulog at bukas."
"M-maraming salamat po."
Tatayo sana ako para yumuko sa kanya ng hawakan ni flora ang kamay ko."Kakasabi lang bawal tumayo." Ngiti nito sakin.
"Alagaan mo ang aming inanak luna. Babalik ako bukas."
"Maraming salamat." Mahina kong sabi sa kanya.
Lumabas na nga sila at hinatid daw ni kambal sa labas. Wala naman umiimik sa tatlo. Hangang sa lunapit sakin si juan at kinamutan ako.
"M-magpahinga kana muna Mahal." Sabay hawak sa tiyan ko.
"Hindi ko mapapatawad ang aking sarili kapag may nangyaring masama sa inyo ng ating anak. Paumanhin mahal kasalanan ko."
"Wala naman may kasalanan mahal. Wala naman din may alam." Mahinang sabi ko lang sa kanya dahil nakahiga pa ako.
Pipikit na sana ako upang magpahinga ng pumasok si bal."Kailan mo pa nalaman na buntis ka bal? At wala kang balak magsabi samin kung hindi pa nangyare sayo yon?"
"Hindi ko naman din alam."
"Huh?"
"Ramdam ko lang na may bago sa sarili ko. At yun nga hinala ko lang."
Lumapit ito sakin at hinawakan ang ulo ko.
"Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo dapat doble ingat mo ngayon medyo maselan daw ang pagbubuntis mo."
"Tama ang iyong kambal Luna. Ngunit hindi parin ako makapaniwalang magkaka pamangkin ako." Nakangiting sabi ni joselito.
Sh*t bat ganyan sila? Akala ko.. akala ko magagalit sila sakin dahil hindi pa ako kasal nabuntis ako huhuhu. Dba ganon naman dapat? Magagalit sila tapos papalayasin ako???
YOU ARE READING
LUNA
Historical FictionIha! Hindi ka dapat nandito! Bakit ka sumunod? Tanong ng matandang babae sakin, aba malay ko ba? Sinundan ko lang ang matalik kung kaibigan, ang kambal ko then eto na pagka gising ko nasa year 1881 nako! Kung hindi dapat ako nandito, e anong gag...