"Kanina pa tayo rito binibini."
"Alam ko. Pero di pa tayo pweding pumasok dahil nandon lahat sila."
Kanina pa kasi kami pabalik palik sa harapan ng bahay namin ni bal, nakabukas ang gate kaya kitang kita ang bakuran nito at kung saan nandon ang tambayan. Kumpleto silang lahat parang mga nag uusap usap.
"Akala ko ba ay mga kaibingan mo sila? Bakit hindi ka magpakita. Malamang ay pati sila nag aalala sa iyo."
"Gustohin ko man ay hindi pa pwedi. Kapag nalaman nila na nakabalik ako ay malalaman din ng taong gumawa sakin nito na nakabalik ako."
"Ano ang iyong ibig sabihin? Na may hindi tapat sa inyong magkakaibingan?"
"Hindi sa ganon. Wala rin kasi syang alam na ginagamit sya ng taong ito upang masubaybayan ako."
"Bakit mo hinuto? Baka makita nila tayo."
"Hindi ka naman nila nasusulyapan dahil parang abala sila sa kanilang pinag uusapan tsaka isa pa. Kanina pa tayo naka bilad sa arawan sumalilong muna tayo rito sa puno."
Sabay baba nito at inalayayan din ako para maka baba.
Umupo kami sa ilalim ng puno. Nakatalikod lang ako sa bahay at sya naman ay nakaharap."Kung wala tayong gagawin binibini ay aabutin tayo ng gabi rito."
"Kaya nga nag iisip ako ng pwedi kong gawin para maka usap ni kambal."
Naikwento ko narin sa kanya na may kambal ako.
"May naisip ako. Diyan ka lamang." Tumayo ito bigla at dumiretso sa gate namin at kumatok.
"Hoy! Anong ginagwa mo!" Sabi ko rito pero mahina lang, hindi naman nya ako pinansin at diretso lang sa pagkatok.
"Tao po!" Sigaw nito.
Bale nasa gilid lang ako para hindi ako makita kung sino man lalabas pero ako nakikita ko sila.
"Magandang hapon po ginoo."
"Magandang hapon din ano pong kailangan ninyo?" Si marco pala ang lumapit kay juan.
"Kami ho kasi ay naubusan ng tubig. Kaya kung maari lang po sana ay hihingi po kami sa inyo. Kanina pa po kasi nauuhaw ang aking kaibingan."
Sabay turo sa banda ko pero agad akong yumuko para hindi ako makita ni marco.
"Maari naman, pahintay nalamang ginoo."
Napansin kong umalis si marco at sya naman harap ulit ni juan sakin sabay ngiti.
"Ginoong kidlat! Nanghihingi nag maiinom sa isang yon."
Rining kong sigaw ni marcoLumapit sakin sandali ni juan.
"Iyong kidlat ang iyong kambal tama ba? At nakasuot sya ng dilaw na damit?"
"Oo."
Umalis agad ito at pumunta sa pwesto nya kanina. Ilan sandali pa ay may lumapit ulit sa kanya na may dalang tubig.
Awang awa ako sa itsura nya. Muka kasing sobrang pagod nya. Tsaka nagka eyesbag sya! Huhu nagpupuyat ba sya? Hindi ko tuloy maiwasan maluha sa nakikita ko. Paano pa kaya si Manuelito? Bahala na pero nais ko rin syang makausap kahit sandali."Eto ginoo. Magsabi kalang kung hindi pa sapat."
"Maraming salamat ngunit kanina pa nagmamanhid ang kamay ko kaya malamang ay hindi ko madala iyan. Maari mo bang idala ito sa aking kaibingan, ayun sya."
Sabay turo ni juan sa akin. Humarap dito si kambal pero hindi agad ako namukaan dahil nga naka suot ako ng salakot.
Nag nararamdaman kong malapit na ito sakin ay tinangal ko ang suot kong takip at kita ko ang pagkagulat nito.
YOU ARE READING
LUNA
Historical FictionIha! Hindi ka dapat nandito! Bakit ka sumunod? Tanong ng matandang babae sakin, aba malay ko ba? Sinundan ko lang ang matalik kung kaibingan, ang kambal ko then eto na pagka gising ko nasa year 1881 nako! Kung hindi dapat ako nandito, e anong ga...