kabanata 25

34 1 0
                                    

"sana sinabi mo na hindi maganda ang iyong pakiramdam upang nakauwi tayo agad.

  Pinilit parin nya kasi akong sumama sa mga kaibingan nya. Hindi daw nya ako papayagan na maghanap ng ibang matutuluyuan dahil hindi nya ako papa alisin rito. Hindi nako sumagot dahil parang lumalala ang sakit ng ulo ko. Nilalamig rin ako, at masakit din ang mga kasukasuan ko.

  Nahawakan nya lang kanina ang kamay ko kaya nalaman nyang may lagnat ako. Kaya madali kaming umuwi para daw makapagpanhinga ako.

"H-hindi m-mo n-naman ako p-pinapakingan." Kahit na ngingining sa lamig ay pinilit kong nakapagpasalita sa kanya.

"Paumanhin binibini."

Sobrang sakit ng katawan ko. Sobra din ang lamig na nararamdaman ko. Nanghihina rin ako. Ito ang unang besis na nilagnat ako ng ganito. Gusto ko man gumalaw ay hindi ko magawa ni hindi ko maitaas ang kamay ko. Pinagpapawisan din ako ng malamig. Eto ba ang ikakamatay ko sa panahong ito? Dahil sa lagnat?

"May masakit ba?" Tanong nya sakin sabay punas sa muka ko. Hindi ko kasi mapigilang maluha. Wala kasi si kambal ngayon o kahit si kuya cloud mga nakasanayan kong kasama tuwing may sakit ako. Kahit sana si Manuelito.

Tumango ako rito bilang sagot, kita ko sa kanya ang awa siguru nga dahil sa sitwasyon ko, kahit sino naman.

"Kaya mo bang maupo binibini? Para sana maka inum ka ng gamot."

Sinubukan ko pero hindi ko talaga kaya. Nakita naman nya iyon kaya tinulungan nya akong umupo. Isinandal nya lang ako sa braso nya. Ang kabilang kamay naman nya ay hawak ang gamot.

Mukang pinakuluan dahon ang ipapainom nya sakin, nakalagay kasi ito sa baso. Bat ba nag expect ako ng isang biogesic huhu.

"H-hindi b-ba m-masama ang l-lasa?"

"Hindi naman. Sige na iyo ng inumin para bumaba na ang iyong lagnat."

Tama naman sya dahil medyo matamis ang gamot ni binigay nya. Kaya mabilis ko rin naubos.

Nakasandal lang ako sa dibdib nya habang inaayos nya ang buhok ko.

"Bakit ka kasi naligo ng madaling araw binibini, siguro ay iyon ang dahilan kung bakit ka nilalagnat ngayon."

May ganon ba? Parang hindi naman.
Kung ano ano pang sinasabi nya sakin, kesyo daw matigas ang ulo ko kaya nagkasakit ako. Hindi ko nalang sya pinapakingan dahil masyado akong komportable na nakasandal sa kanya. Dahil siguro sa kakaibang init na nararamdaman ko mula sa katawan nya. Kasi nga ay nilalamig ako.

"Ihihiga kita binibini, para makatulog ka at makapagpahinga."

  "A-ayaw." Lalo ko lang siniksik ang katawan ko sa kanya.

"B-binibini h-huwag mong masyadong idikit ang iyong katawan. Ika'y humiga na para makatulog."

"N-nilalamig a-ko. Ang i-nit ng k-katawan mo p-payakap."

"Ano? Marahil sa sobrang taas ng lagnat mo kaya hindi mo na nalalaman kung ano ang iyong sinasabi."

Sinusubukan naman nyang tumayo pero hindi nya magawa dahil nga nakasandal ako sa kanya at sa oras na tumayo sya ay Siguradong hulog ako.

Akona ang yumakap rito, dahil ni hindi na nya ako hinahawakan ngayon.

"B-binibini hindi ito tama, hindi tayo mag asawa o mag nobyo man lang para yumakap ka sakin."

"Y-yakap l-lang n-naman."

Tinignan ko sya na parang nagmamakaawa. Subukan ko kung effective sa kanya, kila kambal kasi effective.
Pero agad syang umiwas ng tingin sakin.

LUNAWhere stories live. Discover now