kabanata 15

51 1 0
                                    


Naka ilan baso na ako ng alak pero alam kong hindi ako lasing pero nag iinit ang katawan ko marahil siguru sa nakikita ko.

Si Manuelito kasayaw lang naman si teresita. Hindi ko makita ang itsura ni Manuelito dahil nakatalikod ito sakin pero ang muka ni teresita kitang kita ko ang pang ngiti nito parang enjoy na enjoy hindi ko sure pero mukang nagkekwentuhan sila. Edi sila na!

"Binibini pang limang baso mo na iyan baka ikay malasing."

"Hindi naman joselito.

"Gusto mo bang kumain?"

E! Akala ko yayayain akong sumayaw. Pero mas bet ko yung sinabi nya kaya madali akong tumango.

"Sige ako'y hintayin mo nalamang diyan."

Tatayo na sana ito ng pinigilan ko.

"Wag! Sandali sasama nalamang ako sayo. Ayokong mag isa rito."

"Kung ganon ay tara sa baba."

Sumama nalamang ako sa kanya para hindi magmukang tanga don dahil ng ako lamang ang hindi sumasayaw.

Nagtungo kami sa baba kung saan naroon ang mga pagkain. Bale iseserve pala mamaya kaya pala walang pang pagkain sa taas.

"Anong gusto mo binibini?"

"Kahit ano."

Kumuha lang ng dalawang pingan at nag umpisa ng nagsandok si joselito buti kasama ko sya kung hindi mag isa nanaman ako huhu.

Napag pasyahan namin na kumain nalamang kami sa labas. May ilaw rin naman doon at may maliit na mesa kaya pwedi kami ron.

"Salamat sa pag kain at salamat dahil sinamahan moko."

"Wala iyon binibini ang totoo nyan ay gutom na rin ako haha."

"Bakit wala ka palang inayang sumayaw? Halus lahat sila may mga kasama."

"Hmm. May kasama rin naman ako. Ikaw binibini hindi nga lang sumasayaw haha. At isa pa wala akong gustong isayaw na binibini."

Ganon? Kahit ako? Sayang sasayaw pa naman sana ako don papakitaan ko sila pano magtwerk.

"Kahit ako? Gusto ko sanang sumayaw don pero mas pipilian ko ang pagkain haha."

Tumawa naman ito sa sinabi ko.

"Alam ko binibini kaya nga rito kita inaya haha."

Nagkwentuhan lang kami sandali hangang matapos ng kumain.

"Andami kong nakain joselito salamat ulit."

"Wala iyon binibini. Mukang tapos ang sayawan halika na't baka hinahanap kana nila."

"Sige."

Pumasok nakami sa loob at dumiretso sa pwesto namin kanina. Hindi ko pinansin ang mga tingin. Si Manuelito kahit hindi ako nakaharap sa kanya ay alam kong nakatingin sya at parang nagtatanong kung bakit magkasama kami ni joselito. Bakit ba e kasayaw nya si teresita kanina.

"San kayo galing bal?"

"Dyan lang nagpahangin lang."

"Hinanap pa naman kita. Sayang isasayaw pa naman sana kita."

"Kami rin binibini. Ikaw sana ang nais kong huling maisayaw." Sina marco at Roberto.

"Hmm ganon ba. Sa susunod nalang siguro hehe tsaka hindi naman ako marunong sumayaw." Ngiti ko sakanila.

Ilang minuto pa ang lumipas ng biglang pumunta sa gitna si Teresita.

"Magandag gabi po ulit sa inyong lahat at maraming salamat sa pagpunta sa kaarawan ang aking pinakamamahal na Ina." Ngiti nya sa nga tao.

LUNAWhere stories live. Discover now