"baka naroon na sina Kuya Manuelito malilintikan nyan tayo." Pauwi na kami at naka agkas parin ako kay marco.
Iniwan ko lang naman si juan dahil maiinis rin ako sa kanya. Hindi naman nya nilapitan si lara, nagalit pa nga si juan dahil sa ginawa nya sakin pero nabubuysit parin ako dahil hindi sya umiwas noong halikan sya ni lara. Nakiusap pa nga itong hintayin ko sya dahil magpapaalam lang daw sya kila ate julia pero hindi ko na sya hinintay dahil nga nabubuysit ako sa kanya. Bakit ba sila magkasama? Ang alam ko ay hindi pumupunta don si lara na mag-isa.
Gagamutin pa sana ni juan ang mga galos ko pero hindi ako pumayag dahil nga nagmamadali kami ayokong hindi kami datnan nina kambal don, sana lang ay wala pa sila. Susunod daw sya agad. Aba! Dapat lang pag hindi nya ako pinuntahan ngayon pagkatapos ng nangyare ay bahala sya sa buhay nya.
"kung wala pa naman sila roon ay mahuhuli parin tayo, iyong tignan ang ating mga muka, para tayong nakipag away sa isang pusa."
Dahil nga umaawat sila kanina ay pati sila nadamay, May mga galos din kasi sila sa muka.
"P-paumanhin pati kayo nadamay pa."
"Wala iyon luna ayos lang samin hehe."
Hindi pa nga kami nakakalapit sa bahay ay kinakabahan nakami sa mga naka abang, pano ba naman nandon lahat sila sa may gate nakatayo at mukang inaabangan nga kami.
"Silay nakakatakot." Bulong sakin ni marco.
"B-basta kahit anong mangyare wag tayong umamin." Sabi ko sa kanya.
Mukang napansin nila kami at halos sabay sabay pa silang napaharap at iisa ang muka nila. Naka salubong ang mga kilay.
Nang makarating kami ay lumapit sakin si joselito at inalalayan ngang makababa.
"Hindi ba't isa lamang ang bilin namin! Na huwag na huwag kayong lalabas!!" Madiing sabi ni Manuelito samin. "Marco!!" Dagdag pa nito.
Napaayos naman nag tayo si marco na parang natakot. Kaya madali akong pumunta sa harapan nya at hinawakan ang kamay.
"H-huwag mo syang kagalitan Manuelito, a-ako ang nag aya sa kanilang lumabas paumanhin."
Nakatingin ito diretso sa mata ko kaya napaiwas agad ako ng tingin at napunta sa kanyang labi papunta sa leeg at kita ko ang paglunuk nito."Anong nangyare sa iyong muka luna? Bakit ka may mga sugat?"
Sh*t! Mabilis akong yumuko at tinakpan ang muka ko.
"Patingin!" Lumapit sakin si kambal at hinawakan nga ang muka ko tsaka sinuri ito.
"San ba kayo galing At anong nanyare sa inyo? Pati kayong dalawa ay may mga galos rin!" Si kuya naman na nakaharap sa dalawa.
"Hm! A-ano kasi..." Parang walang alam idahil si Miguelito kaya ako na ulit ang nagsalita.
"N-naglaro kaming tatlo at ayun medyo nagkasakit hehe." Gaging palusot ko! Ano yun?
"Tss! Sa tingin mo makakapagsinungaling ka sakin bal!! Pasok sa loob humanda ka ng mas kapani paniwalang dahilan mo kung hindi talagang tataman ka sakin!"
Bago pa man kami makapasok ay makarining kami ng mabilis na yapak ng kabayo. Pagkalapit samin ay agad na bumaba ang sakay nito at diretsong pumunta sakin.
"Mahal!! Patawad, hindi ko alam n gagawin nya ang bagay na yon! Hindi naman ganon ang pagkakakilala ko sa kanyan, paumanhin kung nasaktan ka nya." Akap nito sakin.
"bal!?" Madiing sambit ni kambal at alam kung naghihintay sya ng paliwanag.
Dahil nga wala nakaming idadahilan dahil nandito narin si juan at lalo nga silang nagtaka dahil sa mga sinabi nito. nya ay nasabi na namin ang totoo sa kanila, na nakipag away ako.
YOU ARE READING
LUNA
Historical FictionIha! Hindi ka dapat nandito! Bakit ka sumunod? Tanong ng matandang babae sakin, aba malay ko ba? Sinundan ko lang ang matalik kung kaibigan, ang kambal ko then eto na pagka gising ko nasa year 1881 nako! Kung hindi dapat ako nandito, e anong gag...