kabanata 43

20 0 0
                                    

"Miguel ayan sa likod mo!"
Sigaw ko sa dahil kanina pa nila hinuhuli ang biik pero hangang ngayon ay wala pang nakakahuli.

Tawa naman tawa sina marco dahil sa itsura ni Miguelito na puro putik na.
Nakaset up na pala sa likod ng mansion ni don pedro ang palarong ito. Ibig sabihin naka plano na ang lahat infairnes sa kanila.
Bale naka bakod ito at mukang sinadyang lagyan ng putik.
Kanina ngang nag s-start na ay bumaba sina bal. Kanina pa daw sila dapat lumabas kaso nga lang e panay daw kwento ng ama ni joselito kaya ayun hindi na nakalabas. Sabi ko naman sa kanila na okay lang dahil kasama ko nga ang dalawa.

"Ayan na Miguelito iyong bilisan!" Napasigaw narin si flora.
Todo cheer kami dahil nga sa amin yung premyo. Hahaha!

"Bakit nga ulit sya sumali riyan?" Tanong ni florencio katabi namin ngayon.

"Dahil sa amin ni Flora. Sakin yung salapi kay flora naman yung biik." Pagpapaliwanang ko.

"Waaaaaaaahhh! Panalo ako!!!" Sigaw ni Miguelito habang itinaas ang biik na huli nya. Ang saya nyang tignan parang nanalo sa lotto hahahaha.

"Waaaahhh! Halika na dali!" Sigaw ko sa kanya at tumakbo nga papunta samin habang hawak ang biik agad itong inaabot kay flora na tuwang tuwa rin. Kahit maputik ang baboy ay kinuha parin nya ito.

"Ang galing ko hindi ba flora." Pagmamayabang nito sa kanya.

"Oo nga Miguelito ang galing galing mo haha."

"Aaaah wag kang yayakap maputik ka! Hahahahaaha. Pero ang galing mo. Sina kambal daw pwedi mong yakapin hahaha." Sabi ko dahil mukang yayakapin kaming dalawa ni flora.

Kita ko naman ang pang ngisi nito at tangkang yayakapin nga sina kambal at iba namin mga kaibingan pero tumakbong na mabilis ang mga to.

Kaya kaming tatlo ni flora at maria ang naiwan na tumatawa.

Pagkatapos ng palarong iyon ay may isa pa silang pinalaro parang palo sebo yata. Dahil may malaking kawayan doon at may isang flag nga na naka lagay sa taas. Hindi na sila sumali dahil mahirap iyon.
Si josefino naman ang nag lead doon dahil sinamahan ni joselito si Miguelito upang makapag palit ng damit. Kami naman ay naghintay lang sa labasan.

"Hindi ko akalain na gagawin iyon ni Miguelito haha." Si marco na pa piling piling pa.

"Sadya nga haha nakakatuwa ang kanyan itsura kanina." Si florencio naman ngayon.

"Bakit hindi? Para sa kanyang mga kaibingan naman daw iyon at isa pa pakitang gilas na rin para kay flora hahaha." Pag-aasar naman ni kambal kay flora bigla naman itong namula ay yumuko nalang.

"Siyang tunay kung ako rin siguro iyon ay gagawin ko lahat para sa aking iniibig." Singit naman ni Roberto.

"Husto na nga iyan. Nahihiya na sa atin si flora." Saway naman ni Maria.

"Siya nga pala. Bakit hindi kayo nakisalo sa amin kanina sa loob? At narining ko ang pagsigaw kanina ni ginoong leondro. Kayo bay binastos nya?"

"H-hindi naman marco. Hmm gusto ko kasi sa labas kami kumain. Alam mo na p-para presko hehe. Tsaka yung kanina mukang nagbibiruan lamang sila ni Miguelito."

"Buti hindi kayo iniwan ni Miguelito. Hindi kasi ako maka alis kanina bal sorry."

"Ano kaba ayos lang. Tsaka naiintindihan ko naman yun. Kasama ko rin ang dalawa kayo okay lang."

Ilan sandali lang tahimik ang aming grupo ng nakabalik na sina Miguelito at joselito. Umupo rin sila sa tabi namin. Kasabay din non ang pag dami ulit ng tao.

"Mukang tapos na ang isang palaro."

"Muka nga. Meron pa bang susunod?"

"Hm! Si kuya josefino na ang bahala roon."

LUNAWhere stories live. Discover now