kabanata 41

20 0 0
                                    

"bal, kanina kapa tahimik mag problema ba?"

  Mga alas otso na siguro ng gabi at nakaupo lang ako rito sa may sala. Kakababa lang ni kambal galing sa taas at dumiretso nga rito sa tabi ko. Mukang nag-usap sila ni Manuelito.
Kasunod nya kasi itong bumaba, sya naman ay tumuloy sa kusina.

"May iniisip lang."

"Matulog kana kaya? Hindi maganda sa buntis ang nagpupuyat."

"Mamaya na siguro hindi pa ako inaantok."
Mas lalo itong lumapit sakin at isinandal ang ulo ko sa balikat nya.

"Pikit ka baka dalawin ka ng antok."
Sinunod ko naman sya at yumakap sa braso nya.

"Iniisip mo ba si juan kaya hindi ka inaantok?"

"Oo, pero may ibang sumasagi sa isip ko bal."

"Ano?"

"P-para kasing biglang nag-iba ang tingin ko sa sarili ko ngayon."

"Huh?"

"Para kasing sobrang baba ko o dumi ko na ngayon."
Mahina lang ang pagkakasabi ko sapat na para narining nya. Pero parang may ibang presensya na harap ko kaya unti unti kong minulat ang mata ko.

Nakatingin ito sakin diretso sa mata kaya ako agad ang unang umiwas at pumikit ulit. Ramdam ko rin ang pagpisil ni kambal sa kamay ko.

"Bakit mo naman nasabi yan? Porke buntis ka ganon ba bal?"

"H-hindi ko alam bal."

"Wag ka ngang mag-isip ng kung ano anong bagay bal baka napapraning ka lang dahil napagsabihin kayo kanina."

"A-ako dapat ang humingi ng paumanhin kay ate julia hindi si juan. Nakakahiya bal."
  Ginalaw nito ang balikat nya kaya natangal ko ang pagkakasandal ko sa kanya. Humarap naman ito sakin pero ako sa baba lang nakatingin.

"Sa ganitong problema hayaan mo muna si Ginoong juan na kumausap sa pamilya nya tsaka isa pa. Itatama nyo naman diba magpapakasal kayo kaya huwag kang mag alala."

"Hindi kaba disappointed sakin bal?"

"Abay hindi bal. Kilala kita sa lahat ng tao rito ako ang mas nakakakilala sayo. Ikaw na nga mismo ng sabi noon hindi ba, na Namulat tayo sa ibang panahon kaya dapat tayo ang unang nakakaintindi sa mga ganyang sitwasyon."

"Tsaka alam ko lahat ng pinagdaanan mo. Wala kang kaibingan babae dahil ikaw na mismo nangsabe na hindi mo gusto ang pinapagawa nila. Tama lang ang pagpapalaki sayo ni mama. Kahit babae ka buti hindi ka gumaya samin ni kuya cloud kaya hindi ako galit sayo."

Kahit baliw pala to alam nya ang magpapagaan sa loob ko.

"Thank you bal."

"Hmm. Ngayon matulog kana."

"Kayo hindi pa kayo matutulog?"

"Mamaya na may pag-uusapan lang kami ni Manuelito."
Nakaupo narin pala ito gilid ko at may hawak na mga papel.

"A-alam mo na ang lahat bal?" Tanong ko sa kanya.
Hindi agad ito kumibo at diretsong tingin lang sakin hangang sa unti unti itong tumango.

"Sorry bal."

"Okay lang. Wala na rin tayong magagawa t-tapos narin kami tsaka maayos kami magkaibingan parin naman kami."

Yumakap sakin si bal at tinap ang likod ko.

"Kita kong nahihirapan ka kahit hindi mo sabihin. Basta gawin mo nalang ang tama, magkakapamilya kana at masaya ako para sayo. Pero sa oras na nagkaproblema ka narito lang ako hindi kita iiwan pangako yan."

LUNAWhere stories live. Discover now