kabanata 38

57 1 1
                                    

"N-naihatid mo ba ang sulat?"
Tumango lang ito at dumiretso na sa kusina.

Wala na akong magagawa sa nangyayari ngayon. Ilan beses akong tumangi ngunit sa huli ay napapayag din ako ng samahan sya sa loob ng sampong araw. Alam kong medyo matagal yon at alam kong maraming pweding mangyare sa loob ng ilang araw pamamalagi ko na kasama sya. Nandon yung kaba at takot. Hindi mawala sa isip ko baka pagbumalik ako ay wala ulit akong balikan. Natroma na yata sa ginawa nya sakin. Kaya nakiusap ako sa kanyan na kahit sa sulat lamang ay masabi ko kila bal ang nangyayare sakin. Lalo na kay juan. Sigurado akong magagalit yun pero wala akong choice dahil kung hindi ako pumayag ay ikukulung din nya ako rito. At kung makatakas man ako ay guguluhin pa daw nya kaming dalawa ni juan. Kaya best option is mag stay ng ten days dito na kasama nga sya.

"Ikaw ba ay nagluto?" Parang nagtataka sa tanong nito. Ako naman ay tumango sa kanya.
Sinundan ko kasi sya sa kusina pero napahinto ito ng makita na nakahapag na ang mga pagkain sa mesa. Kakaluto palang naman yon kaya hindi na kailangan iinit.
Wala syang katulong rito. Kami lang daw talaga ang tao sa bahay at kaya naman daw nya ang mga gawain dito sa bahay.

Isa din sa pakiusap nito na ibalik ang tratuhan namin dalawa kahit bilang magkaibingan. Kahapon e halos hindi ako lumabas sa kwarto dahil nga medyo naiilang ako. Hindi ko alam pano sya tratuhin o kausapin. Pero sabi nya yung normal daw namin noon.

Bahala na. Basta after ten days uuwi ako ang kakalimutan lahat ng nangyare at mangyayare pa sa loob ng ilang araw pananatili ko rito. Gagawin ko ang gusto nya. Na maging magkaibingan ulit kami.

"Wala naman lason yan. Kumain na tayo." Para kasing hindi parin sya makapaniwala na nagluto ako. Simpling adobong manok lang naman yun at yan yung kabisado ko ng timpla.

"Hindi ko naman naisip iyon. Sadya lang na hindi ko akalain na makakapagluto ka." Sabay upo nito sa harapan ko.

"Marunong na ako. Inaral ko dahil daw kailangan. May nakapagsabi sakin na hindi naman daw habang buhay e may kasama ako at may taong ipagluluto ako kaya ayun."

Hindi ito umiimik pero alam kong nakamasid lang ito sakin.
Iyon kasi lagi ang sinasabi sakin ni juan. Dapat daw e marunung din ako kahit papaano dahil nga sa ganong dahilan.

"K-kain na tayo." Aya ko sa kanya.

Nagdasal muna kami ng nagsimula ng kumain. Kita kong nilalasahan nya talaga sa bawat subo para tuluy akong kinabahan. Pano kung hindi masarap? Sobrang pa naman.
Nuba yan anong pake ko kung hindi nya magustuhan.

"A-anong lasa?" Nahihiyang tanong ko sa kanya.

Hindi agad ito sumagot. Sumubo lang ito ulit at tumingin sakin.

"Simula ngayon ay ito ang aking pinaka gustong pagkain."

"Huh?"

"Ang sabi ko Luna. Ang sarap ng iyong pagkakaluto. Hindi ko akalain na makakatikim ako ng luto mo." Ngiti nito sakin.

Napayuko nalang ako at kumain narin. Para kasing nahiya ako sa kanya. Masarap daw e ang alat kaya. Tss!






Hapon na nag maisipan kong lumabas sa kwarto. After kasi namin naglunch kanina ay sya nadaw bahala sa mga pinangkainan namin. Kaya iniwan ko sya don.

Madatnan ko syang nasa sala. Kaharap ng maraming papel, mukang trabaho.

"Ikaw ba ay niinip?"

Makakainip naman talaga pero sanay nako. Madalas kasi akong maiwan sa bundok tuwing bumababa si juan para mang gamot.

Pumiling lang alo at umupo sa kanya na hindi naman kalayuan.

"Nais mo bang pumunta mamaya sa bayan? Maliit lang ang lugar rito. Malayong malayo sa kinalakihan kong Bayan ng sta.cruz"

LUNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon