"hmm. Mamaya na wala naman tayong gagawin."
Mahinang bulong ko kay juan ng maramdaman kong tatayo na sya.
Tanging mga panloob lang ang saplot namin. Hangang ngayon ay ramdam ko padin ang init na pinag saluhan namin kagabe. Binigay ko sa kanyan ang sarili. Sa tingin ko naman ay hindi ko pag sisisihan dahil alam ko naman na mahal ko sya. Masaya ako sa kanya. Kontento ako sa ano man meron sya. Noong mga kabataan ko sinabi ko sa sarili ko na hindi ako mag aasawa o kung mag kataon man ay iyong lalaking may ipagmamalaki sa buhay tulad ng nakapag tapos ng pag aaral. At may kaya sa buhay, yung tipong hindi kami mahihirapan dahil nga mayaman na sya. Aaminin ko rin kasi na medyo maluho ako at gastador, kaya nga gusto gusto kong nagtatrabaho dahil din para sa mga luho ko.
Pero eto ako ngayon. Sa malayong lugar. Malayong malayo sa nakasanayan. Walang magagandang damit, wala na rin akong mga alahas dahil binenta ko ng hindi alam ni juan. Tanging pang ipit nalang ng buhok na bigay nya ang natitira.
Sinubukan ko rin ibenta ang mga damit na bigay ni Maria."Ikaw bay hindi gutom? Ipagluluto kita."
Pumiling lang ako ang isinubsob ang muka leeg nya. Sabay yakap ng mahigpit.
"Hindi pa naman. Matulog pa tayo." Malambing na saad ko.
Hinalikan lang ako nito sa ulo at yumakap din ng mahigpit. Ilang sandali ang katahimikan ng biglang magsalita ito.
"M-mahal."
"Hm?"
"G-gusto ko sanang mag hingi ng paumanhin sa nangyari sakin kagabe."
Bigla akong naiinis sa sinabi nya. Bakit sya nag sosorry? Hindi nya ba gusto? Gago ba sya?
Dahil don ay bigla kong tinangal ang pagkakayakap sa kanya at dali daling tumayo para magbihis."M-mahal!"
Tawag nya pero hindi ko pinansin at patuloy lang sa pag bibihis.
Nakita kong tumayo narin ito at mabilis na nagbihis.
"S-sandali lamang. G-galit ka ba?"
Hindi ko pa rin sya pinapansin at tumuloy nalang ako sa kusina upang uminom ng tubig. OA ba ako? Kasi parang naiiyak nako. Nagsosorry lang ang isang tao kapag hindi nya sinasadya o magawa itong mali.
So anong gusto nyang sabihin? Na isang malaking pagsisi ang ginawa nya?"P-pasensya na mahal. H-hindi ko..." Hindi ito tinuloy ang sasabihin nya ng humarap ito sakin.
"B-bakit ka umiiyak? M-may masakit ba? Pakiusap mag sabi ka."
Isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya. Para naman hindi ito nagulat siguru iniisip nya na deserve na yon dahil nga nakuha nya ako.
"L-luna."
"Luna? Ngayon luna nalang asan yung mahal? Tss! Dahil nakuha mo na ako ganon? Wala ng mahal?" Para naman nagulat ito sa narining hahawakan pa sana ako nito pero tinaboy ko ang kamay nya. Kita ko rin na magsasalita ito pero inunahan ko.
"Ano? Hihingi ka nanaman nag pasensya? Bakit ba? Hindi mo na nagustuhan ang nangyare satin kagabe? Kaya todo pasensya ka?
Sising sisi kaba?"
Malakas na sigaw ko."Ano? H-hindi mahal." Parang natataranta sya dahil sa mga kilos nya.
"Sinungaling! Humihinga lang ng tawad ang isang tao kapag nag sisi sa ginawa. So ano yon juan? Hindi mo naman ako mahal! Sinungaling ka!"
Sabay takip ng muka ko dahil sa malakas na pag iyak."Hindi yan totoo. Alam mong mahal na mahal kita. Pakiusap huwag kang tumangis. T-tahan na Mahal pakiusap. Mali ako. Hindi ko dapat sinabi yon. H-hindi kasi ganon ang punto ko pakiusap tahan na. Ayokong makita kang tumatangis." Yakap ng mahigpit nito sakin.
YOU ARE READING
LUNA
Historical FictionIha! Hindi ka dapat nandito! Bakit ka sumunod? Tanong ng matandang babae sakin, aba malay ko ba? Sinundan ko lang ang matalik kung kaibigan, ang kambal ko then eto na pagka gising ko nasa year 1881 nako! Kung hindi dapat ako nandito, e anong gag...