kabanata 29

33 1 1
                                    

Three days passed. Madalas kaming mag sagutan ni bal. Which is normal for us. Si joselito naman ay muka ngang bumabawi dahil todo asikaso nya sakin. Minsan din nya akong tinanong kung pwedi daw bang kuya ang itawag ko sa kanya. Pero hindi agad ako nakasagot dahil medyo naiilang pa ako. Marami pa kasing gumugulo sa utak ko parang hindi ko padin maiintindihan ang mga nangyayari.

Wala si Juan ngayon, dahil kailangan nyang maghatid ng mga halamang gamot sa baba. Kaya kaming tatlo lamang ang narito. Favorite spot-duyan ko doon ako nakaupo. Sila naman ay sa gilid lang. Hindi ko alam pano ako mag oopen kay bal. Gusto ko pa kasing magtanong about kay Manuelito. Pero baka kasi kung anong isipin nya. Kaya kahit mahirap pinilit kong magtanong may mga bagay pa kasing gusto kong malaman. Bakit? I know Manuelito. Imposible kasing gawin nya yun.

"B-bal!" Kinakabahan kong saad.

"Hm?"

"K-kumusta si Manuelito?" Sabay pa silang napatingin sakin na parang nagulat. Im just asking lang naman bat ganyan sila makatingin.

Huminga ng malalim si bal at ng magsasalita na ay naunahan sya ni joselito.

"Hindi sya maayos."

Sinamaan naman sya ng tingin ni bal. Parang merong ayaw ipaalam sakin.

"Pwedi nyo bang sabihin sakin ang lahat? Yung lahat. Pakiusap."
Muli nanaman nagkatingin ang dalawa parang nagtatanong kung magkekwento ba. Sa uli ay tumango nalang silang dalawa.

"Bal. Mahal ka ni Manuelito alam ko yon at ramdam ko."
Yung kaba ko kanina parang lalong bumilis. Mahal? Oo parang alam ko dati na ganon pero bakit?

"Ngunit sadyang mautak ang kinilala kong kapatid, si teresita. Ginamit nya ang kahinaan ni Manuelito. Ang kahinaan ng isang lalake." Parang alam ko ang tinutukoy nya. And i disagree. Kung mahal mo ng isang tao kahit mag hubad pa ang isang babae ay hindi mo ito papatulan.
Pero medyo tinamaan din ako. Dahil minsan ko na rin hinalikan si juan. Wala naman akong balak makipag sex sa kanya, kiss lang talaga pero kahit na mali pa din ako. Kaya hindi ko pweding isisi kay Manuelito ang lahat.

"Galit na galit ako sa kanya nong nalaman ko yun. Pinagsusuntok ko sya. Hinahanap ka nya sakin pero hindi ko talaga sinabi kung nasan ka. Buti nalang hindi nakipag kita si ginoong juan sa kanya matapos ang usapan natin sa bahay. Dapat kasi ay magkikita sila dahil nga magbibigay ng salapi si Manuelito kay juan para sayo."

"P-pero nagkita kami bago magpasko. Niyaya pa nga akong magpakasal sa araw na iyon."

"Dahil mahal ka nya, at alam nya siguro ng anytime na malaman ng lahat ay itatali na sya dahil bago pa nga magpasko ay nagawa na sya ng kasalanan sayo."

"B-bago magpasko?" Pag uulit ko sa sinabi nya. Paano? Noong panahon ba na namomoblema ako doon nya nagawa? O noong nawawala pa ako at hinahanap nila?

"Oo bal. Inamin nya sakin na noong hindi ka namin mahanap ay hindi daw nya sinasadya na magsiping sila ni teresita. Ni hindi nya nga daw alam na may nangyari sa kanilang dalawa dahil sobrang kalasingan nya. Nagising nalang daw sya na walang saplot at kasama nga si teresita."

Nanlamig ako sa sinabi ni bal. Ganon pala ang nangyare. Pero kahit na hindi nya ba nakontrol ang sarili nya?  Ganon ba kagaling si teresita? Ako nga minsan nyang nireject pero sya? Haha. Nakakatawa sya. G*g* sya. Konsensyang konsensya pa naman ako dahil nga nahalikan ko si juan. Mas nauna pa pala syang may ginawa. Pero nangkita kami bakit hindi man nya sinabi saken?

"Wala silang pinagsabihin sa nangyari sa kanila dahil nga isang kahihiyan iyon para sa kanilang dalawa. Hangang sa isang araw umamin sa amin si teresita sa harap naming pamilya nya na may nangyari nga daw sa kanila. Nagalit ang mga magulang namin kaya gumawa agad sila ng aksyon para makasal nga ang dalawa."
Hindi kaya plano talaga ni teresita yon? Pero kahit na. Hindi parin tama na pumatol si Manuelito. Tss binuntis pa talaga.

LUNAWhere stories live. Discover now