kabanata 14

138 7 0
                                        

Sermon lang naman ang inabot ka kay kambal dahil pinainom ko daw yung dalawa. Buti nalang naawat ni joselito hehe. Wala naman masama roon. Si Manuelito naman ayun sinabihan din akong wag ulit iinom. Kj nila.

Nakapagpalit naman kami ni flora ng damit.   Mag aalas kwatro ng naisipan namin magligpit para makauwi hindi naman kasi pweding gabihin dito.

"Maayos na lahat? Tayo'y aalis na."

"S-sandali ginoo ang iyong kapatid ay hindi ko mahanap." Boses ni flora na parang nag-aalala.

Si maria?

Mabilis naman kaming nagkatinginan lahat ng bigla kaming makarining ng sigaw.

"T-tulong!"

Paanong napunta don si maria? Shocks.
Madali naman kaming napunta roon at mabilis na lumangoy yung iba samin para tulungan si maria.

Ng nakalapit ay mabilis kong inabot ang kamay ko para iahon sya sa tubig.

"L-lu.." mangiyak ngiyak nyang sabi dahil nauubo ito malamang nakainom ng tubig

"Sssh tama na, ayos na." Sabi ko habang tinatapik ang likod.

Pumiling naman ito at maiyak iyak parin.

"Ano ba ang..." Hindi ko naituluy ito ng biglang humarap at  sakin may sinasabi na hindi ko gets dahil nga iyak parin ng iyak. Nakalapit narin ang mga kasama namin at pinapatahan sya.

"Si tan." Mahina sabi nito.

"L-luna si tan tan!" Sabay turo nya sa tubig.
Bigla naman akong kinabahan dahil sa sinabi ni maria. 

Para naman din nalaman ng mga kasamahan ko ang sinabi ni maria at madaling tumalon sina Manuelito. Tatalon din sana ako para hanapin si kambal ng inawat ako ni joselito at sinabing sila nalang daw.

Ilan segundo pa ang lumipas ng nakita ko silang walang kasamang kambal.

"Sh*t!"

"M-madilim na sa baba, h-hindi namin sya makita!"

Imposible yon tsaka kilala ko si kambal magaling lumangoy yun.

"Imposible!" Sigaw ko!
Madali kong tinangal ang saya ko at tumalon na. Kahit medyo mahapdi sa mata ay pinilit kong imulat ito para hanapin si bal.

Hanggang sa makakita ako ng ikinabigla ko. Isang pamilyar na liwanag, Ngunit hindi ito kamuka ng dati na nakakasilaw. Kitang kita ko ang maliit na liwanag ng unti unting lumalapit kay kambal!!

Madali akong lumapit dito para mahila ang walang malay na si kambal.

"Luna!" Bungad sakin ng makahahon kami. Mabilis naman nila hinila si  kambal. At ako naman ay inalalayan ni Manuelito.

Shock! Bakit nandon yung Liwanag? Yun ba ang portal pabalik samin? Makakauwi naba kami? Pero bakit biglang lumitaw yun?

"M-mahina ang kanyan Pulso!"

Bumalik ang ulurit ko nga marining kong sumigaw si marco. Kita ko naman na umiyak parin si maria habang tinatapik si bal.

"Tabi!" Sigaw ko at nilapitan ko ito. Inilapit ko lang ang muka ko para macheck kung humihinga ito.
No! Hindi pwedi bal!

"Kailangan natin syang dalhin sa pagamutan."

Hindi ko na sila pinansin at sinimulang i CPR.

"1 2 3 4 5!" Pag bibilang ko habang pinapump ko si kambal. Nakatingin  sila sakin habang ginagawa ko. Narining ko rin silang napa singhab sila ng inilapit ko ang bibig ko para hipan sya.

LUNATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon