kabanata 13

42 1 0
                                    

"aah! Ang lamig ng tubig!" Sigaw ko pagkabuhos ko sa katawan. Kahit wala akong trabaho ngayon araw ay ginising ako ni bal. Dahil maaga raw kaming aalis kasama ang mga kaibingan. Actually anytime daw e nandito na sila. Ipapasyal daw nila kami sa may talon. Kaya pala busy si bal kahapon dahil sila ang namalengke ng aming babaunin.

"Makasigaw ka naman bal!"

"Kasalanan moto! Hindi mo agad sinabi sakin. Tsaka isa pa bakit hindi moko pinang init ng tubig."

"Naubos kuna kasi. Cge na bilisan mo na dyan. Ako nalang mag aayos ng gamit mo."

Abay dapat lang, kung sinabi agad sana kagabe pa e naka ayos na tsk. Binilisan ko nalang maligo kahit malamig ang tubig napapa ooh! Nalang ako bawat buhos haha kaya ayun napa kanta nalang kung ano ano. Dahil mabilisan nga akong itinulak ni bal sa banyo ay tanging underwear lang at towel ang nadala ko. Sa sa kwarto nalang ako mag bibihis.

Pakankanta lang ako habang nagtatapis at lumabas na nag cr.
Ngunit paglabas ko ay nasa sala na pala silang lahat. Huu okay? Awkward nakakahiya ka Luna!
Napatunganga nalang sila sakin at halatang gulat si Manuelito naman parang galit.

"Hm m-magadang umaga sa inyo? Hehe m-magbibihis lang ako maiwan ko muma kayo."
Parang don palang sila nahimasmasan sa sinabi ko dahil sabay sabay silang tumalikod, si Manuelito ayun mukang galit parin ka aga aga badtrip ang muka. Dali dali akong tumakbo sa aking kwarto. Nadatnan ko naman si kambal na nag aayos pa ng gamit ko.

"Bakit hindi mo ko sinabihan nandito na pala sila. Tignan mo nakatapis lang ako lumabas!"  Sabay palo ko sa braso nya.

"Aray naman bal. E malay ko bang wala kang damit don. Tsaka okay lang yang wala naman makikita sayo haha."

"Baliw ka! Lumabas kana nga dyan magbibihis nako!" 

Lumabas naman sya dala ang isang bag na gamit ko. Kaya nagsimula nakong magbihis. Dahil nga sa may falls daw kami at medyo maglalakad pa kami papunta don ay nagsuot lang ako ng pants at blouse. Nakasapatos din para hindi hirap maglakad. Sinabihan ko rin naman si bal na pag paunin nya ako ng panligo kung sakaling gusto kong mag swimming. Konting make up lang at hinayaan ko nalang nakalugay ang buhok ko dahil medyo basa pa ito kinuha ko lang ang nag iisang jacket ko at lumabas na.

"Huu nasan sila?" Tanong ko kay Manuelito. Sya lang kasi ang nakita ko na nakaupo sa sala.

"Sila'y nasa labasan na at halika na pagkat hinihintay nila tayo."

Walang gama nitong saad.  Tumayo lang ito at diretsong lumabas na.
Aba nilampasan ako ha! Tsk bahala sya.

"Daanan nalang natin si Miguelito." Rining kong sabi ni bal at sumakay nakami ni maria sa kalesa. Ang mga lalaki naman ay may kanya kanyang dalang kabayo.

"Luna. Hindi iyan ang iyong suot ng una ka namin makita."

"Oo maria, ito lang naisipan kong suotin maglalakad la daw e hehe."

Nagkwentuhan lang kami ni maria hangang huminto ang aming sasakyan, pagkasilip ko nandito na pala kami kila Miguelito.
Kasing laki ng bahay ni don mario ang bahay nina maria. Halatang halata talaga na mayayaman pamilya sila dahil naka ukit pa sa may taas ng gate ang pangalan ng pamilya nila  may nakalagay din palasyo. Katulad ng nika Manuelito.

"Nandito tayo kila Miguelito, maria. Gusto mong bumaba?"

"Hindi na siguro Luna. Pero hindi ba rito nag tatrabaho si binibining Flora?  Halika daanan muna natin sya."

"Oo nga tara, isama natin."
Tumango naman si maria at halatang tuwang tuwa.

Tumalon ako para makababa. Kita ko naman na gulat ang mga kasamahan namin.

LUNAWhere stories live. Discover now