Mabilis lang na dumaan ang isang lingo. Halus sa bahay kang ulit ako. hindi tulad noong kasama ko si Manuelito dito ay okay lang dahil madami kaming napag kekwentuhan kaya hindi nakakainip. Ngayon parang ang haba ng mga oras na mag-isa lang ako. Dahil nga balik sa taniman ni kambal.
Minsan naman ay pinupuntahan ko sya para tulungan. Kaso madalas pala silang umalis ni don mario.
Naalala ko tuloy kung bakit daw naglasing si kambal noon haha. di daw kasi sya pinayagan ni maria na ligawan ito. Hindi ko pala alam na bago pa sila nakapunta sa bulacan ay nag uusap na sila tuwing pumupunta sya kila maria. Ni hindi man lang sinabi sakin kung hindi ko tinanong. At habang nasa bulacan daw sila at lalong sila napalapit sa isa't isa pero noong sinabi daw ni kambal na gusto nyang umakyan ng ligaw ay hindi ito pinayagan.
Sinabi ko lang sa kanyan na wag syang sumuko kung gusto nya talaga ito. At ayun na challenge daw sya dahil sya yung unang liligawan nyang babae, madalas kasi mga babae mismo lumalapit sa kanya date.
"Bal!"
Tawag ni bal pagkapasok sa bahay.
"Oh?"
"Pinapabigay ni Manuelito, luto daw nya."
"Huu galing ka nanaman don at hindi moko sinama?"
"Sinama lang ako ni don mario."
Tinignan ko lang sya ng masama at dumiretso na sa kusina para kainin ang dala nya. Alam na alam ko kabang dumadalaw ito kila maria, dahil may dalang pagkain pauwi. Nakakatampo lang bukod kasi sa hindi nya ako sinasama ay kumakain rin sya doon. Minsan naman kay don mario daw. Kaya ang ending ako lang mag isang kumakain pag gabe minsan hindi na dahil nga ako lang mag isa. Nakakawalang gana.
Hindi ko nalang sya pinansin at nagpatuloy kumain. Buti nalang masarap ang luto ni Manuelito.
------
Araw ng lingo, nag ayang magsimba si kambal. Ngayon lang daw kasi ulit nagkasama mag hapon dahil wala syang trabaho. Bihira ko lang syang kausapin ngayon hindi naman sa nagtatampo pero kasi. . . Kahit sa pagkain lang sana tuwing gabi na kami magkasama ayus lang pero hindi e.
"Bal, ready kana?"
"Oo yan na!" Sigaw ko sa kanyan lumabas na ako at nakita ko syang naghihintay na pala sa labasan.
"Bihis na bihis ha! Parang si dr.jose rizal lang haha."
"Baliw ka talaga! Malamang magsisimba tayo alanga naman mag sando ako? At ikaw rin naman kahit pangit ka nagmuka kang tao sa suot mo."
Tinignan ko lang sya ng masama dahil wala ako sa mood kausapin sya. Kaya pala ipinasukanat ako ni Manuelito noon dahil rito. May pumunta kasi sa bahay noon at ipindala daw ito ni Manuelito. Maganda ang damit kulay cream ang sa taas at sa baba naman ay maroon.
Narating nakami sa plaza gamit lamang ang kabayong ibinigay daw a kanya ni don mario.
"May tampo kapa sakin bal?" Tanong nya sabay lahad ng kamay upang alalayan ako pababa.
"Sorry na kasi. Promise sasabayan na kitang kumain sa gabe."
"Hindi naman sa nagtatampo bal alam ko naman na kailangan mong gawin yon dahil... May sarili ka rin buhay. Medyo ano lang kasi, feeling ko mag isa lang ako."
Lumakad lang ako papuntang simbahan at nilagpasan sya. Ayoko yung ganitong aWay namin ni kambal, dahil kung anong nasasabi ko sa kanyan. tulad ngayon nasabi ko yon alam kong ma kokonsensya sya. At ayun mukang pabigat nanaman ako sa kanyan. Haiy! Nakaka inis.
Ng nalapit nako sa pintuan ng simbahan ay bigla akong hinila ni bal at niyakap.
"Sorry bal. Hindi ko sinasadya. Hindi ko na isip na ganon na pala ang tingin mo sarili mo. Promise babawi ako. Please bal sor.."
YOU ARE READING
LUNA
Historical FictionIha! Hindi ka dapat nandito! Bakit ka sumunod? Tanong ng matandang babae sakin, aba malay ko ba? Sinundan ko lang ang matalik kung kaibigan, ang kambal ko then eto na pagka gising ko nasa year 1881 nako! Kung hindi dapat ako nandito, e anong gag...