"ang sarap po nito lola." Magiliw na sabi ni kram habang kumakain kami.
Gabi na rin at napagpasyahan namin dito na magpalipas ng gabi. At hangang ngayon ay nawindang parin ako sa mga sinabi sakin ni lola as in lahat! Kung bakit ako nakabalik ng biglaan kung bakit nandon parin si Kambal at yung tungkol kay mama at kuya joselito maging sa taong napunta rin pala roon kagaya namin pero wala syang alam dahil masyado daw syang bata noong panahong iyon.
"Basta kumain kayo ng marami huwag kayong mahiya." Saad ni lola.
"Pero kailangan mo nang bumalik roon ginoo nagkakagulo kapag nagtagal ka rito." Napahinto kaming lahat sa sinabi ni lola kay Manuelito nakatingin kasi sya sa kanyan at alam kung sya lang ang tinutukoy nya.
"N-ngunit paano po?"
"Sa darating na lingo pumunta ka sa lumang bahay bubuksan ko ulit ang portal para makabalik kana."
"L-lola gusto ko rin pong bumalik."
"Hindi luna, you stay here."
"Pero kuya..."
"Tama ang kapatid mo luna masyado ng delikado ngayon roon."
"Ayun na nga po lola kaya babalik po ako kailangan po nila ako, si mama. Si kuya si kambal at si.. j-juan."
"Alam kong kailangan ka nila lalo na ang iyong kambal pero hindi talaga maari."
"Please lola k-kahit sandali lang bigyan nyo po ulit ako ng chance para makita sila kahit m-magpaalam lang po ako ng maayos." Pagsusumamo ko sa kanya.
"May magagawa pa ba ako? Hindi nako magtataka kung lagi kang napapagalitan ng iyong ina."
"Kung papayagan nyo pa syang maka alis ay sasamahan ko sya, hindi ko naman po ako makakapayag na mapahamak sya ulit." Singit ni kuya cloud samin.
"Kuya..."
Huminga ng malalim si lola at tinignan kami isa isa.
"Dalawang buwan! Bibigyan ko kayo ng dalawang buwan para lumagi roon katumbas noon ay dalawang lingo rito."
Kung ganon ay ilang lingo na kaming wala roon? Nasabi rin ni tita na tatlong buwan kaming nawawala ni bal.
"Ikaw." Turo nya kay kuya cloud "maari kang sumama para bantayan mo ang iyong mga kapatid at isang binibining importante sa pamilya nyo, dahil nga sa kaguluhan at maari syang madamay kailangan mo syang ingatan dahil sa kanya nagsimula ang lahi nyo pero hindi nya dapat malaman.
"Teka lang po medyo naguguluhan ako hehe." Hindi pinansin ni lola si kram na parang gulong gulo nga sa mga pinagsasabi ni lola.
"Ikaw! bumalik ka roon at gawin ang tama." Kay Manuelito naman.
"Ikaw naman apo." Tingin nya kay uno.
"Kung nais mo syang makita maari kang sumama." Wala itong kibo pero malalim ang tingin nya kay lola, parang alam nya lahat siguro dahil nga lola nya ang kaharap nya ngayon. Unti unti naman itong pag piling.
"Siguro ka?"
"Opo lola, dito lang po babantayan kita."
"Naguguluhan po ako pwedi po bang sumama lola? Magbabakasyon ba sila? " Turan ni kram.
"Katulad ng ng sinabi ko nakasalalay sa binibini ang lahi nyo kaya maari ka rin sumama sa kanila pero sa oras na magulo lahat ng dahil sayo ay kamatayan ang kapalit nito." Kita ko ang paglunok nito na parang natakot.
Magpinsan kasi sina kuya cloud at kram magkapatid sina tita at mama nito pero sino ang sinasabi ni lola na pagmumulan ng lahi nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/377474971-288-k532949.jpg)
YOU ARE READING
LUNA
Historical FictionIha! Hindi ka dapat nandito! Bakit ka sumunod? Tanong ng matandang babae sakin, aba malay ko ba? Sinundan ko lang ang matalik kung kaibigan, ang kambal ko then eto na pagka gising ko nasa year 1881 nako! Kung hindi dapat ako nandito, e anong gag...