"huwag iyan ang iyong isuot mo baka maka agaw ka nang pansin."
"Wala naman problema sa suot ko ha."
"Wala naman talagang problema. Ngunit halatang pangmayaman. Mga kapwa ko mahihirap lamang na tao ang ating makakasama roon. Isuot mo yung binili ko sa iyo."
Isasama nga daw kasi ako, ininvite kasi sya ng kaibingan nya. Yung kasama ng kuya carlo noong pumunta sya rito Anniversary raw yata ng parents. Pero kahit ganon ay medyo maraming handa, dahil parang may balak daw kasing tumakbo bilang kapitan ang ama non.
At kaya pala maghapon syang wala kahapon dahil tumulong ito roon kasama nga si kuya carlo. Kaya naiwan ako kila ate julia. Hindi naman bored dahil marami kaming napag usapan at naturuan ko rin sa tala magbasa."Ayos na?"
Tumango naman ito kaya lumabas nako. Hindi naman panget ang damit, ordinary baro't saya na kulay cream ang tops at brown ang saya. May kasama din itong balabal na terno sa damit.
Bagay naman sakin tsaka medyo nasanay narin ako at komportable sa mga ganito."Anong mas bagay sakin? Nakapusod ang buhok o hahayaan ko nalang nakalugay?"
"Pati iyan ba ay aking po problemahin?"
"Sagutin mo nalang! Wala ka kasing salamin sa dito. hindi ko tuloy makita ang maganda kong muka kung maputla na o ano." Nakasimangot kong sabi habang hawak ang dalawang pisngi ko.
Napangisi naman ito at tumalikod na sabay sabing.
"Mas maganda ka kung ito ay nakalugay.""Anong oras ang handaan? Bakit kailangan na natin bumaba e alas dos palang ng hapon?"
Sakay kami ni daks ngayon pababa ng bundok. Malaking tulong talaga samin to. Atlist hindi na naglalakad ng malayo. At marunong narin akong mangabayo. Nagpaturo kasi ako kay juan para kung sakali ay hindi na nya ako kailangan samahan tuwing may pupuntahan or uuwi ako.
"Mamaya pa naman gabi, ngunit ang mga malalapit na kaibingan ng pamilya nila ay hapon palang ay naroon na."
"Aaah, malapit na kaibingan mo sila?"
"Apat ang anak nina ginang Lourdes at malalapit kong kaibingan ang ilan sa kanila."
Nang makababa nakami at tumuloy kami sa ate nya. Pati rin kasi sila ay pupunta don. Bale sila ang kasabay ko dahil hindi daw nga kami pweding magsabay ni juan maraming tao daw ang makakakita. Iwas lang sa tsismis lalo na e dayo ako rito. sigurado daw ay may mga magtatanog kung sino ako. Pero napaghandaan nanaman namin yan. Basta bawal lang na malaman nila na close kami ni juan at doon ako nakatira sa bundok.
"Halika na?" Tanong ni ate julia sa akin. Tumango lang ako rito.
Kanina pa umalis si juan. Medyo nagtagal pa kami sa bahay. Maglalakad nga lang daw kami dahil hindi naman kalauyan ang bahay na pupuntahan namin at para daw matagtag si ate julia.Hawak kamay ko si tala habang naglalakad nauuna naman ng kaonte samin si ate julia at ang kanyang asawa.
"Doon tayo banda Luna para makapanood tayo ng mga naglalaro."
Huu? Akala ko anniversary? Fiesta yata tong napuntahan ko haha.Nakapasok kaming hindi napapansin ng iba dahil nga parang meron paligsahang nagaganap.
Nag makalapit kami ay kita ko ngang may mga batang naglalaro na parang karehan gamit ang mga sako. Fiesta nga yata to haha.Nang matapos ay bumalik na ang iba sa kani kanilang upuan. Hindi pa pala ganon karami ang mga tao, dahil nga siguro mamaya pa talaga ang ganap. Pero marami ng pagkain, mga kakanin nga lang ang mga ito.
"Ano ang iyong gusto binibining luna? Ikukuha ko nalang kayo."
"Sasamahan ko nalang po kayo kuya carlo. Baka hindi nyo rin po mabitbit hehe."
YOU ARE READING
LUNA
Historical FictionIha! Hindi ka dapat nandito! Bakit ka sumunod? Tanong ng matandang babae sakin, aba malay ko ba? Sinundan ko lang ang matalik kung kaibigan, ang kambal ko then eto na pagka gising ko nasa year 1881 nako! Kung hindi dapat ako nandito, e anong gag...