kabanata 4

109 2 0
                                    

"pano ka nakahanap ng bahay dito bal?"

Tanong ko kay kambal na nasa tapat nakami ng bahay. Gabe na nag makauwi kami pagkatapos namin makikain ng dinner kila maria.

pinagpaalam kasi ako ni kambal sa ama at ina ni maria na sasama na kanya pauwi. Nagtanong lang sila ng iilan bagay at nasagot naman ni kambal ang lahat. For sure mamimiss ko si maria, halos araw2 ko na syang kasama parang BFF na nga ang turing namin sa isa't isa at dati narin kaming natutulog magkatabi. Siempre ma mimiss ko din Manuelito... Silang lahat.

Malawak ang bakuran ng bahay. Pag pasok sa gate na gawa sa kahoy ay makikita ang isang bahay na gawa din sa kahoy. Pagpasok namin ay ramdam ko ang kakaibang aura, parang nakarating nako sa bahay nito muka kasing familiar.

"Anong sa tingin mo bal?"

"Mmmm okay na, not bad for us! So sasabihin mo na ba pano ka nagkabahay sa panahon ito?"

"Mahabang kwento at for sure mawiwindang ka sa makikita mo haha halika."

Sabay hila nya sakin papasok kusina. Ngunit lumampas kami at pumunta sa bandang likuran kung saan may isang pintuan na pinasukan namin.

"May ikawiwindang paba na nasa sinaunang panahon tayo?"

"Yeah! And here it is!"

Sabay hila nya sa isang malaking tela upang bumugad sakin ang isang bagay na hindi ko akalain na makikita ko sa panahong ito.

"P..aano? N..iniwan ko to doon tsaka isa pa imposibleng meron ganito rito bal."

"Noong bigla nalang ako hinigop ng isang malakas na pwersa. Namalayan ko nalang nasa ibang lugar na nga ako, ilang oras akong palakad lakad, nagtatanong, naguguluhan din sa mga nagyayari. Akalain mo yon nasa kwarto lang ako ng lumang bahay then bigla akong napunta kung saan man."

Nakikining lang ako sa kwento nya.

"Hindi ko alam kung anong oras yon pero sobrang dilim na non kaya alam kong malalim na ang gabe non. Bumalik ako kung saan ako bumagsak noon napunta ako rito. Nakita kita!"

"Ha? Nakita mo pala ako bat hindi moko tinawag? "

"Bigla ka nalang sumulpot sa liwanang pagkasabay non ay ang pagkahikob ulit sakin pabalik sa kasalukuyan."

"N..nakabalik ka? P..pero bakit nandito ka ulit?"

"Nagising ako na nasa loob ulit ng kwarto at nakita ko ang cellphone mo doon, tandan na galing ka roon.
Kaya madali akong pumunta sa sasakyan baka panaginip lang ang lahat, baka nandon ka. Pero wala ka at nakita ko ulit yung matanda. Sabi nya kailangan ko daw bumalik dito dahil may kailangan akong alagaan tsaka isa pa! nandito ka.
Inaway ko sya sabi ko baliw sya haha baka pinag lalaruan lang tayo naki usap ako na ibalik ka, umalis lang sya na parang walang nangyari pumasok ulit ako sa sasakyan, hindi ko na alam ang gagawin ko non para akong mababaliw sa lahat nag nasaksihan ko"

Hindi ko sya masisisi dahil ako din ay hindi padin makapaniwala na nandito kami.

"Hangang sa naisipan kong bangain ang bahay, baka eto yung dahilan kung bakit napunta tayo dito. Nahihiwagaan ako sa bahay kaya sinubukan kong sirain, bahala na kung anong magyari non ang isip ko lang ay makabalik ka at makauwi na tayo. Yun na nga sobrang bilis ng sasakyan, pero ng malapit na ako mismo sa bahay ayun bigla ulit lumabas ang liwanang! Pagka mulat ko nandito nako. Dyan mismo ang sasakyan ayan mismo kung saan sya nakatayo. Lumabas ako at nagmasid masid ulit."

"Ibig sabihin nasama mo ang sasakyan sa panahong ito?"

"Oo bal! Kita mo naman dba tsaka pansinin mo ang bahay eto din yun. Yung bahay na pinasukan natin wala nga lang second floor pero alam kong eto yun. May dalawang kwarto sa baba may malawak na sala at kusina at eto baka imbakan to pero walang laman, sa ngayon ay dito muna ang sasakyan para walang maka pansin."

LUNAWhere stories live. Discover now